Sorry
Abot tahip ang kaba ko habang nakatayo pa rin sa pwesto. Kahit pa gustong-gusto ko ng tumakbo paakyat sa kwarto at maglock ng pinto ay hindi ko magawa.
Pumikit ako ng mariin pero mabilis lang iyon dahil pagkarinig ko ng mabibilis na yabag ng sapatos na pababa ng hagdan ay agad akong nag-angat ng tingin. Nilukob muli ng takot ang dibdib ko nang makitang pababa si Koen, sa likod niya ay si Muhiro na nagmamadali rin pababa.
My eyes went back to Koen. Kitang-kita ko kung paano umigiting ng paulit-ulit ang panga niya habang naglalakad palapit sa akin.
"H-Hindi ko sinasadya---" agap ko na bago pa siya magsalita ngunit pinutol niya rin agad.
"Hindi mo sinasadya?! I saw what you did. You pushed her intentionally!"
"She deserves it!" I almost yelled, remembering that she slapped my mother.
Umigting ang kanyang bagang. The look in his face made me stop from talking. Parang konti na lang ay mapupuno na siya ng husto.
"She deserve what? What you did?! She doesn't!"
And my mother deserve the slap? Just bacause of an accident?
Pinanood ko ang galit sa mata ni Koen na nakatingin sa akin. I could almost see disappointment on it.
Alam niya ba ang nangyari? I bet not. Kaya niya nasasabi na hindi deserve ni Michelle iyon dahil hindi niya nakita lahat!
I gritted my teeth and stop myself from talking. Ang takot na nararamdaman ko kanina ay nawala na parang bula. Seeing him this angry without knowing what happened makes no sense. At nonsense rin ang pakikipag-usap sa kanya!
Hell. He didn't even bother to ask what happened!
Or did he?
I don't know. Hindi ko na maalala!
Tinikom ko ang bibig ko. Mabilis akong nagmartsa paalis at nilagpasan na sila pero marahas niyang hinila ang braso ko.
"Why did you do that?"
Napakurap-kurap ako at nanuyo ang lalamunan.
"Koen, itigil mo 'yan!" saway ni Muhiro.
Hindi niya pinakinggan ang kapatid niya bagkus ay hinigpitan lalo ang pagkakahawak sa braso ko dahilan para mapaigik ako sa sakit. Nagsimulang mamuo ang mga luha ko sa sobrang takot. Koen's eyes was as dark as black. Parang konti nalang ay may apoy na akong makikita sa galit niya.
"A-Aray.." naiiyak na sambit ko.
"Tinatanong kita!" parang kulog sa sobrang lakas ang boses niya.
Napapikit ako at halos kapusin ng hininga. Hindi magpoproseso sa akin ang mga sinasabi niya. Tears started flowing down to my cheeks. Naramdaman kong muli ang paghigpit niya sa braso ko kaya napamulat ako at napatingin roon.
"M-Masakit.."
Nagsimula akong umatungal sa pag-iyak kaya sinulyapan niya iyon. His face darkened more before he let my arm go. Mabilis kong hinawakan ang braso ko at napaigik sa sakit niyon.
Akmang magsasalita na siya nang tumakbo na ako papunta sa hagdan. Hindi ko na inisip na baka habulin niya pa ako at mas lalong magalit.
"Petianna!" he called angrily.
"Hayaan mo na, Koen. Tinakot mo yung bata e!"
Pag-akyat ay hindi ko na pinansin ang nasa pasilyo na mga katulong na nakatingin sa akin at tila nakiki-usyoso sa eskandalo namin sa baba. I hurriedly run towards my room as the thought that Koen might follow me.
BINABASA MO ANG
Captured by Affection (Lubēre Series #1)
RomanceIsa lamang ang natitiyak ni Petianna Bami Velasco nang tumira siya sa Mansiyon ng mga Ladesma. Wala siyang ibang gagawin kundi ang mag-aral nang mabuti at maging mabait na bata nang sa ganoon ay makabawi siya sa kabaitan ipinagkaloob sa kanya at sa...