Sinabi ni Pamela na umalis din daw si kuya matapos niya itong pagbigyan na kausapin.
Hinanap ko si kuya sa bahay ng mga kaibigan niya pero wala, hanggang sa tumawag sa akin si Manang na nandoon na daw si kuya sa mansion. Nakahinga ako ng maluwag. Thank, God!
Pagkauwi ko ay agad kong nakita si kuya sa may sala. Nasa harap siya ni Manang at Ella, pinipilit na paakyatin sa kwarto dahil baka daw madatnan pa siya nila daddy sa ganoong sitwasyon.
Agad kong tinawid ang distansiya namin."Kuya..." lasing na naman siya.
Tinignan ko sila manang saka sinenyasang ako na ang bahala."Kuya... Let's go, let's go to your room," kinuha ko ang braso niya at iniakbay sa akin, akala ko ay hindi pa siya tatayo pero nagulat na lang ako ng tumayo siya at sumunod sa akin.
Hindi niya binibigay ang lahat ng bigat niya sa akin habang paakyat kami ng hagdan, napangiti na lamang ako ng bahagya. He's still my caring brother.
Nang marating namin ang kwarto niya ay inihiga ko siya. He looks helpless. God kuya, what are you doing to yourself...
Tinanggal ko ang suot niyang sapatos. Pinatawag ko si Ella at nagpakuha ng pamunas at palanggana na may tubig. Aayusin ko na sana si kuya sa pagkakahiga nang makita kong tumulo ang luha sa gilid ng mata niya.
He's silently hurting and I know that's the hardest.
Tahimik lang ako ng pumasok, kinabukasan. Wala akong gana dahil sa nangyayari sa bahay. Nag-away na naman si daddy at kuya. Hindi ko alam ang gagawin ko para maayos ang pamilya namin.
Seryoso lang ako habang nagpa-practice kami ng bagong performance namin. Mahirap din iyon kaya naman nag-seryoso na lang ako at tinuon ang atensiyon doon. Wala pa rin si Pamela. Siya dapat ang assigned dito pero wala siya. Nag-aalala na din ako sa kaniya, baka bumagsak siya. Isa pa din naman siya sa mga top students dito sa batch namin. Pinalitan muna siya ni Niela. Ito na rin siguro ang last performance namin dahil pagkatapos nito ay preparation na para sa preliminary examination.
Nang matapos ang practice namin ay pumunta na kami sa assigned room namin para sa next subject. Kinakausap nila ko minsan kaya naman tumutugon ako at ngumingiti ng pilit. Ayoko namang idamay pa sila sa problema ko.
Natapos ang araw ko at wala akong ganang naghintay sa parking lot. Sinusubukan ko ding ayusin ang sarili ko dahil ayokong malaman pa ni Jiu na hindi ako ayos. Ayokong dumagdag pa sa alalahanin niya, may pasok pa naman 'yun mamaya sa restau.
Nang nakita ko na siyang naglalakad papunta sa akin ay umayos ako ng tayo. Dapat ay hindi niya mahalatang malungkot ako. Umayos ka, Jeenah. Artista ka naman kaya madali lang 'yan!
Seryoso lang siyang naglalakad papunta sa direksyon ko. Hindi niya pa ko nakikita. Nakakunot ang noo niya habang naglalakad pero dumagdag lang ata 'yon sa kagwapuhan niya lalo na sa suot-suot niyang palaging salamin. Ang sungit talaga nito haha.
Nang makita ako ay agad na pumorma ang ngiti sa labi niya.
"Kanina ka pa diyan?" hindi ko alam kung ako lang ba pero ang lambing ng boses niya pagkasabi no'n.
Ngumiti ako. Hindi ko na ata kailangan pang magpanggap ng ngiti dahil sa tuwing nakikita ko siya ay automatic ng ngumingiti ang labi ko. Baliw na ata ako.
"No, kararating ko lang din,"
"Hmm,"
"What?"
"Let's go?"
"Yeah, let's go, you might be late," lalapit na sana ko sa motor niya ng hawakan niya ang braso ko.
YOU ARE READING
Forgive or Forget
Storie d'amore"In life, there's actually two option; it's either you'd forgive those people who hurt you, or you'd just forget them and start a new beginning."