Chapter 3

131 75 69
                                    


Hindi ko alam pero hindi ma-tanggal ang ngiti ko hanggang sa makarating ako sa klase ko. The prof said, that we'll have a preparation next week for the TV and Film Acting. We'll do a hosting. Oh God! I hope that I'm not busy for next week due to releasing another movie with Hans. Ito talaga 'yung struggle ko, bilang nag-aaral sa normal school at hindi homeschooling. Sobrang daming gagawin dahil sumasabay pa 'yung mga projects ko, as an actress. Ayoko lang talaga mag-homeschool. Hindi ko trip ang mag-aral mag-isa. Hays, bahala na! Kung hindi man ako makakasama sa kanila next week, babawi na lang ako, ayon sa nagpag-kasunduan namin ng university.

After my class in dancing, that made me really tired, I rest on the studio room for a while. I took my cellphone from my bag and dialled Cze's number.

"Hey!" bati niya ng sagutin ang tawag ko.

"Ahm... where are you?" I asked.

"Library, why?" Oh, nag-start na pala ang tutorial ni Jiu sa kaniya. Well, alam kong dahil sa tutorial kaya siya nandoon sa library, hindi naman kasi pumupunta ng lib 'yung babaing 'yon, unless kasama niya kami ni Lei.

"I'd go there, 'kay?" I said. Parang biglang nawala lahat ng pagod ko at nagka-energy ako para pumunta sa main lib. Ewan ko ba.

"Really? Sure, come here now, please!" aniya na para bang gusto na agad akong makarating doon. Hays, ayaw niya talagang kasama si Jiulian, huh?

Mabilis akong naligo at nagpalit ng damit dahil pakiramdam ko ay ang lagkit ko na. Nang matapos mag-ayos ay agad akong dumiretso sa library. Hinanap ko sila hanggang sa makita ko sila sa may dulong parte.

"Hey, guys!" mahinang sabi ko ng maka-lapit sa kanila.

"Jeenah!" pabulong na sigaw ni Czeah. Umupo ako sa tabi niya habang nasa harap namin si Jiu na seryoso lang sa binabasa niya ngayon. "Buti na lang talaga dumating ka, kun'di nako..." pagpa-parinig niya pa.

Baliw talaga 'tong babaing 'to. Bumaling ako sa harap.

"Hi, Jiu!" bati ko sa kaniya. Sinulyapan niya lang ako saka tinanguan. Ay, sungit!

"Magka-kilala na kayo?" Czeah asked.

"Yes," nakangiti kong sagot.

"How come?"

"Miss Roma, kailangan pa nating mag-aral," biglang sabi ni Jiu kaya napatingin kami sa kaniya. Tinignan naman siya ni Cze at inirapan. Tumingin din siya sa'kin na parang sinasabing, kita mo na.

Tinuloy nila ang pag-aaral habang ako ay tahimik lang na nakamasid sa kanila, sa kaniya, specifically.

I'm amazed how he teach Czeah. Parang maging ako ay natututo sa kaniya. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ko habang nakatingin sa kaniya.

"Jeenah!" bigla ay kalabit sa akin ni Czeah.

"What?"

"Are you okay?" natatawang aniya, maging si Jiu ay nakatingin na rin sa akin ngayon.

Napalunok ako, "O-of course," kinuha ko ang cellphone ko at nag-panggap na may nilalaro doon. "Just continue what you're doing,"

Hanggang sa ang pagpa-panggap na paglalaro, ay naging totoo. Sa laro ko na lamang ibinaling ang atensiyon ko dahil nakakahiya kung mahuli pa nila kong muli.

"What are your course, anyway?" tanong ko kay Jiulian habang pauwi kami sa condo. 9 pm na ng matapos silang mag-aral ngayong araw. Kanina ay ayaw pa talagang pumayag ni Jiu na i-sabay ako, pero dahil sa mapilit at makulit ako ay pumayag din siya sa huli. We're friends now, kaya pwede akong sumabay sa kaniya pauwi. Isa pa, pareho lang naman kami ng uuwian. I mean, magkatapat lang kami ng condo.

Forgive or ForgetWhere stories live. Discover now