Matutulog na sana ako ng may biglang nag-doorbell. Napabuga na lang ako ng hangin saka naglakad papunta sa pintuan. Alam ko kasing hindi naman iyon si Jiu dahil nasa trabaho na ito. Kanina ay wala pa talaga siyang balak umalis dahil hindi pa daw ako okay, pero pinilit ko siya at wala rin naman siyang nagawa.
Nang mabuksan ko ang pinto ay napakunot ang noo ko ng makita ang isang delivery man.
"Good evening po, delivery for Ms. Ca-" hindi niya na natuloy ang sasabihin ng makita ako. "M-miss, Jeenah Calley?!" nanlalaki ang matang sabi niya.
"Yes po,"
"Hala, ma'am! Idol na idol ko po kayo!"
Natawa na lang ako sa taas ng energy niya. "Really?"
"Yes po! Ang ganda niyo po pala talaga sa personal!" Ang laki ng ngiti niya kaya mas napapangiti rin ako. Parang kumikislap pa ang mga mata niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Para lang siyang around 25 years old.
"Thank you,"
"Grabe, hindi po ako makapaniwalang makikita ko kayo!" aniya ng hindi kumukurap.
"It's nice to see you, too."
"Hala, pasensiya na, ma'am, nakalimutan ko 'yong delivery niyo. Ang ganda niyo naman po kasi hehe." ini-abot niya sa'kin 'yung hawak niya. "Pinapa-deliver po sa inyo 'yan."
Nang tignan ko ang hawak ko ay nakita kong ice cream iyon. Shit, bigla akong nag-crave! Tinignan ko ulit si kuya. "Sino pong nagpadala nito?"
"Ah... eh..." tinignan niya 'yung notes na dala niya. "Ayon! Si sir Jiulian Delavin po."
Pagkasabi niya no' n ay mas lalo pang lumawak ang pagkaka-ngiti ko.
"Gano'n po ba? Thank you po!"
"Sige, ma'am! Maraming salamat po!"
Isasara ko na sana ang pinto ng tawagin niya ulit ako. "Ma'am!"
"Yes?"
"P-pwede po bang magpa-picture?"
"Ha? Of course,"
Habang kinakain ko na 'yung ice cream ay hindi na matanggal ang ngiti sa labi ko. Lalo na nang makita ko 'yung kasamang note doon.
Don't be sad. I love you, mommy!
Hays, nawala tuloy 'yung lungkot ko. Ano bang ginagawa mo sa'kin, Jiulian? Habang kinakain ko 'yung ice cream ay kinuha ko 'yung cellphone ko.
I dm Jiulian on instagram. Sayang at wala akong facebook.
Thank you, daddy :)
"They were my bestfriends." ani ko ng mapunta ang usapan namin sa nangyari kagabi. Kasalukuyan na kaming papunta sa school.
"Were, means past. What happened?"
I can't tell him what really happened. I don't want to ruin their friendship. "A misunderstanding, I guess. A very complicated one."
Natahimik siya, marahil ay napansin niyang ayokong sabihin sa kaniya ang specific na dahilan.
"Gano'n ba? Nakakalungkot kung gano'n." aniya ng matauhan.
"Yeah, its so sad."
"Don't worry, everything will be fine."
Napangiti na lang ako. Ayon lang ang gusto kong marinig mula sa kaniya.
Gusto kong marinig na maa-ayos din ang lahat kahit na malabo itong mangyari, lalo na sa pagitan namin nila Krizha.
YOU ARE READING
Forgive or Forget
Romansa"In life, there's actually two option; it's either you'd forgive those people who hurt you, or you'd just forget them and start a new beginning."