Chapter 1

252 112 126
                                    

Sometimes, life is so unevitable and surreal, so you just need to go with the flow to live, or else, you'd drown.

And another one, you don't need a lot of friends to live. If they leave, don't chase them. Just focus on those who's stay, and those who's real.

Just like me, natuto na ko. And I don't believe on second chances.

"Jeenah!" tawag sa'kin ni Czeah ng makarating ako sa bahay nila. She's with Lei, now. Nang makalapit ako ay agad nila akong sinunggaban ng yakap.

Natawa naman ako,"Cze, Lei, c'mon, hindi ako galing sa abroad!" akala mo kasi kung maka-yakap ang mga 'to ay matagal akong nawala.

"Well, kahit na! We still missed you, ang tagal mo kayang hindi nagpakita sa'min," ani Lei na nakapagpa-iling sa akin.

"Seriously? It's just three days." Napaka-OA talaga ng mga kaibigan kong 'to. But it's okay, I still love them.

"Tse! Basta, halika na nga!" we walked upstairs to Czen's room.

"Kanina pa kaya ko nandito, ang tagal mo!" reklamo naman ni Lei nang makarating na kami sa kwarto ni Czen. Inutusan na din ni Czeah ang isang maid na pag-handaan kami ng makaka-kain.

"Sorry na, ang hirap kayang makaalis sa media," umupo ako sa kama ni Czen at saka tumingin sa TV na ngayon ay may palabas na movie.

"Tsk, perks of being celebrity." Czen said.

We just talked about random things until our topic went to Czen's tutor.

"Eh kasi naman, 'yung tutor na kinuha ni dad, nakakainis!" reklamo niya sa'min na para bang ang laki-laki ng problema niya at pasan niya ang mundo.

"What about that?" natatawang tanong ko. Natatawa lang talaga ko sa hitsura niya ngayon. She looks helpless.

"Jeenah!"

I raised my both hands as sign of surrender while laughing. "Sorry,"

"You're crazy!" sinamaan niya ko ng tingin kaya pinigilan ko ang pag-tawa ko. "Gan'to kasi 'yon, whenever he's teaching me, he's so masungit. Like, nakakainis talaga!"

Hindi na namin napigilan ni Lei at natawa na kami ng tuluyan. Natatawa lang talaga kami sa ekspresiyon niya at idagdag mo pa ang pagka-conyo niya.

"You two, stop it!" naiinis niyang sabi sa amin. Pinilit naman naming mag-seryoso dahil para na kaming kakainin ni Cze.

"Okay, okay, ganito din kasi 'yan, kung sana inaayos mo 'yang studies mo, you don't need to hire a tutor, but you're not." pangaral ni Lei na ikinasimangot ni Cze.

"Lei is right, Cze. And isa pa, don't use your spoiled attitude towards him, kaya ka nga siguro sinusungitan dahil din sa attitude mong babaita ka," minsan kasi ay hindi maipaliwanag ang ka-malditahan ng babaing 'to. Mabait naman siya, pero hindi ko maipagkaka-ilang, may pagkama-attitude talaga siya. Lalo na 'pag ayaw niya sa tao. Kami nga lang yata ni Lei ang naka-tagal sa kaniya.

"Whatever, Miss dean's lister, tsk..." inirapan niya na lang kami at itinuon ang atensiyon sa pinapanood naming nakalimutan na. "Sanaol..." hindi ko na narinig ang binulong niya. See? Sobrang maldita!

Nang dumating ang 5 pm ay umuwi na rin kami ni Lei. Lei has something to do, and I still have to attend a photo shoot, or else, lagot na naman ako kay Miss San.

Nang makarating ako sa bahay ay naabutan ko doon si Kuya Kalen kasama ang mga barkada niya. Mukhang tinutukso na naman nila si kuya doon sa nililigawan niya na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikila. I kissed his cheeks and then I greeted his friends.

Forgive or ForgetWhere stories live. Discover now