Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kawalan.
"Jeenah..." rinig kong tawag ni Lei. Nandito nga pala sila. Nilingon ko sila at saka pilit na ngumiti.
"A-ah, sorry, nakalimutan ko kayo..."
They looked at me worriedly. "Jen, are you okay?" Cze asked awkwardly.
"Of course, I am."
"You're not. Ba't ko pa ba 'yon tinanong," seryosong aniya.
"I'm okay," I tried to laugh.
"Don't pretend." Lei said. They walked towards me. "Just cry. We're here,"
"No, I'm okay."
"Jeenah, stop. Nandito lang kami, we won't leave you, okay?"
Doon ko na hindi napigilan ang mga luha ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
"What should I do, Lei? Czeah? I don't know anymore." iling ko.
"Just let it be for the mean time, Jen. Pahupain mo muna 'yung away nila. Wala pa rin tayong magagawa sa ngayon. You know how strict your dad is. And he's so scary when he's mad." ani Lei.
"Pero paano si kuya?"
"Alam niya na ang dapat niyang gawin, Jen. Malaki na siya. And I know that sooner or later, everything will be alright. 'Wag ka ng umiyak," sabi naman ni Cze. Alam kong pinapagaan lang nila ang loob ko pero alam ko sa sarili kong malabo iyon. Seryosong bagay na ito. Hindi pa sila nag-aaway ng ganito kalala. At alam kong seryoso talaga si dad sa pagpapalayas kay kuya.
Kinalma ko muna ang sarili ko sa garden area kasama sila Czeah. Umalis din sila para daw makapag-pahinga na ko. Nahihiya ako sa kanila. Hindi ko man lang sila naasikaso at nakita pa nila kung paanong mag-away 'yung pamilya ko.
Pagkapasok ko ng mansion ay nakita ko si daddy sa bar counter. Umiinom habang nakatulala. Alam ko. Alam kong labag sa loob niya ang pagpapalayas kay kuya. I know how much he loves him. They're so close to each other and I'm close to my mom.
Aakyat na lang sana ko ng kwarto ko nang tawagin niya ko.
"Jeenah." Napalingon akong muli sa kaniya.
"D-dad..." napalunok ako.
"Come here." seryosong aniya.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Natatakot ako at baka masigawan niya ulit ako.
"D-dad,"
"Am I bad father?" napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan ang salitang iyon na manggagaling mismo sa kaniya.
"Dad?"
"Am I that bad for my children to disobey me? To disrespect me?" aniya habang nakatingin sa kawalan.
Nakagat ko ang labi ko. Nasasaktan ako. Nasasaktan akong nakikitang nagkaka-ganito ang daddy ko. Kailanman ay hindi siya nagpakita ng kahinaan kaninuman. Ngayon lang. Sa akin lang. At alam kong isa rin ako sa dahilan kung bakit nagkakaganito siya.
"Dad, sorry... I'm so sorry," napahikbi na lamang ako.
"Neveah, I'm just asking you. Don't cry." seryosong sabi niya. Napatingin ako sa kaniya. Bumalik na naman siya s pagiging seryoso at strikto.
"S-sorry, dad." Napasinghap siya, hindi ko alam kung bakit. "But to answer your question... no. You're not a bad father. You are the best. I know that what you're doing is just for the sake of our family. Just to protect us. To give us a better life. Even though you're so authoritative to us, especially to me. It's okay. I understand. I know that you just wants what is the best for our family."

YOU ARE READING
Forgive or Forget
Romansa"In life, there's actually two option; it's either you'd forgive those people who hurt you, or you'd just forget them and start a new beginning."