Chapter 30

25 3 0
                                    

Lumipas na ang isang oras pero hindi pa rin ako mapakali. Bakas pa rin sa mukha at mata ko ang pag-iyak. Hindi ko na kayang magbukas ng social media.

They will judge me and Jiu without knowing the real story behind it.

Palakad-lakad lang ako habang hindi alam ang gagawin. Sunod-sunod ang pag-ring ng phone ko. Miski si Jiu ay hindi ko magawang sagutin, natatakot ako. Baka... baka hiwalayan niya ko. Baka sabihin niyang iyon ang mas makakabuti sa amin, sa akin. Baka sabihin niyang ayaw niyang sirain ang career ko. Ayoko. Hindi ako papayag.

At dahil sa isiping iyon ay nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. Ano bang dapat kong gawin? Natigil lang ang pag-iyak ko ng marinig ang pagtunog ng doorbell. Natulala na lamang ako. Kung dati ay excited ako sa mga bumibisita sa akin ay ngayon ay takot na ang nararamdaman ko.

Nangangamba man ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang galit na mukha ni Miss San. Agad siyang  pumasok ng unit ko. Sinarado niya agad iyon. Tinalikuran ko siya at naglakad palayo at nang humarap ako sa kaniya para magpaliwanag ay eksaktong dumikit sa akin ang palad niya.

Napaawang na lamang ang labi ko at kasabay nito ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

"Is that it, Jeenah?! Is that the reason why you don't want Hans to your life anymore?! Dahil may bago ka na?! Is he your boyfriend, Jeenah? Jeenah, naman! Bakit hindi ka nag-iisip?!" galit niyang sabi. Hindi ko siya matignan sa mga mata.

Wala akong karapatang magalit. Alam kong mali ang ginagawa ko para sa kanila at sa career ko. Pero ito ang nagpapasaya sa'kin. Ito ang minamahal ko. Nanginginig kong hinawakan ang pisngi ko. Masakit. Pero walang-wala iyon sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

This is the first time that she slapped me... That I thought she would never do.

"Miss San..." tahimik akong umiyak sa harapan niya.

"Jeenah, huwag mo namang sayangin ang mga pinaghirapan natin-- ang mga pinaghirapan mo! Huwag naman ganito! Alam mong marami ang maapektuhan! Marami ang masasaktan, pero tinuloy mo pa rin!"

Napalunok ako at doon hindi ko na napigilan ang mapahagulgol. "M-Miss San, I'm sorry... I'm sorry." I tried to touch her with my trembling hands luckily she didn't took my hands away. "Y-you are one of those person that I'm hoping could understand me." Napaawang na lamang ang labi niya, "I'm sorry. I'm sorry if I did a mistake. I'm sorry if I disappoint you—"

"Shit, I'm sorry! I'm sorry, Jeenah!"

Niyakap ko siya at umiyak ako sa kaniya na parang bata. She's one of the reason why I'm here, where I'm standing that's why I'm really sorry to her. And I know Miss San would understand me. I hope...

She looked at me, "Jeenah, anak, I'm sorry. I just want what's the best for you. Sorry kung nasampal kita hindi ko sinasadya," her tears fell down to her cheeks. She's really affected and it hurts a lot. "I understand. I understand it now. You have a boyfriend. That's obvious on your reaction, you looks guilty. You love him... I know. You wouldn't risk your career if you don't." Napangiti ako. Sabi ko na nga ba maiintindihan niya ko. At least there's one person that truely understand my situation now. "But that wouldn't change what I want you to do right now," at doon unti-unting nawala ang ngiti ko. "Jeenah, you will lost it. Your dreams, your goals, your career, your fans, if you continue this. I know you love him but can you lose all of it? I-I don't want to say this but you can't be together... " agad akong kumawala sa pagkakahawak sa kaniya.

"I thought... you understand me already,"

"I understand you!" pagpupumilit niya pa.

Forgive or ForgetWhere stories live. Discover now