Sa dami ng nangyari hindi ko na namalayan ang araw at buwan. Sa tuwing gumigising kasi ako ay paulit-ulit lang ang ginagawa ko. Walang bago. Ginagawa ko lang ang mga dapat kong gawin para grumaduate, 'yun lang. Nakalimutan ko na kung kailan ako ulit naging masaya.
Pero ngayon, hindi ko alam ang nararamdaman ko. Halo-halong emosyon ang nasa dibdib ko. Ngayon ay nangingibabaw ang saya ko.
Finally, ga-graduate na ko!
Sobrang daming nangyari bago ko 'to makuha, pero masaya ako dahil hindi ako bumigay.
I'm looking at the mirror while wearing my toga when I smiled to myself. Kung nandito lang din sana si kuya, siguro sobrang saya niya. Katulad na lang nung saya at pagka-proud na naramdaman ko para sa kaniya nung graduation day niya.
Kuya, are you proud of me?
I really wish you were here. I miss you so much. I did it, too, kuya! Hope you are happy and proud up there.
Hinubad ko na ang toga ko at naiwan ang black and white fitted dress ko saka dahan-dahang bumaba ng hagdan dahil sa suot kong heels. Hindi naman 'yon ganoon katangkad, haha.
"Jusko, ang ganda-ganda naman, Jeena! Congratulations, anak!" agad akong niyakap ni Manang pagkababa ko ng hagdan.
"Thank you, Manang!"
Binati rin ako ng ilang mga kasama sa bahay hanggang sa dumating na sila mommy.
"Are you ready now?" my mom asked sweetly. Hindi pa rin ako ganoon kaayos sa kanila pero gusto kong isantabi ang araw na ito. Gusto kong maging maayos ang lahat, kahit ngayon lang.
"Let's go?" Dad asked and I nodded. They are fine now, too. He's not smiling at me but I know he's okay with me now.
Habang papunta kami sa venue ay nararamdaman ko ang kaba at excitement. Naramdaman ko ang paghawak ni mommy sa kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.
She smiled at me and that made me smile.
Nang makarating kami ay marami na rin ang tao. Marami ang nag-congratulate sa akin kaya naman binati ko rin sila pabalik.
Naging maganda at maayos ang takbo ng graduation. Nakahiwalay na sa akin sila daddy dahil sa parents sila pu-pwesto. Napatingin na lang ako sa nagsasalitang summa cum laude. Even I didn't make it to that spot, I'm still happy and proud to myself because I did my very best despite what just happened to my life. But still, I made it into cum laude! And I'm happy and contented with that.
Matapos ang ceremony ay nakipag-beso at congratulate ako sa mga blockmates ko. Nag-take rin kami ng ilang pictures bago magpaalam at pumunta sa kaniya-kaniyang mga magulang.
"I'm proud of you, Jeenah," I didn't know what to say when I saw my mom cried because of too much joy.
I bit my lower lip, "Do you really do?"
"Of course, I am,"
I smiled, "Thank you, mom," she walked towards me and hugged me tightly. Sunod naman na lumapit sa'kin si daddy habang may hawak na bouquet of flowers. Nahihiya pa siyang lumapit nung una pero kalaunan ay unti-unti ring lumapit at saka ibinigay ang bulaklak.
Kinuha ko iyon saka dahan-dahang ngumiti sa kaniya. "Thank you, Dad..."
"I'm proud,"
Malapit ng tumulo ang luha ko dahil sa sayang nararamdaman ko ngayon at buti na lang ay lumapit sa amin ang photographer at nagsabing kukuhanan kami ng pictures. Nasa gitna nila akong dalawa.
YOU ARE READING
Forgive or Forget
Romance"In life, there's actually two option; it's either you'd forgive those people who hurt you, or you'd just forget them and start a new beginning."