Chapter 4

95 60 46
                                    

Nang matapos kaming kumain ay nagpasiya na silang umuwi na. Wala ako sa huwisyo buong oras na kasama ko sila. Nag-aalala ako. Nag-aalala ako sa iniisip niya ngayon.

"Jen, let's go? Ihahatid na kita," yaya sa'kin ni Hans.

Ayoko pa sanang umuwi pero wala na kong magagawa. "Sige."

Tahimik lang ako buong biyahe. Puro tango at iling lang ang sinasagot ko kay Hans sa t'wing may sinasabi siya.

"Jen, are you free tomorrow?"

Napatingin ako sa kaniya. "I have class."

"After your class? I'll fetch you. Let's have a date." nakangiting ani niya.

Mabilis akong umiling. "I'm busy." Tumingin na lang ako sa labas.

"Oh, it's okay. When will you be free?"

"Hans, we're done, right? Please, stop..." mahina kong sabi.

Nawala ang ngiti sa labi niya. "Sorry. I just... want you back." nahimigan ko ang sakit sa boses niya.

Hininto niya ang sasakyan sa gilid at yumuko sa manubela. Napa-iwas ako ng tingin. I don't want to see him hurting like this.

"Jen, just give me a second chance. I promise, you won't regret it." he held my hand. "Please..."

"Hans, we can still be friends."

"Ayoko. I can't."

Dahan-dahan akong bumitaw sa kaniya. "Sorry,"

Nang makarating ako sa condo ay agad akong naglinis ng katawan. Gusto ko ng magpahinga. Gulong-gulo na 'yung utak ko sa mga nangyayari.

Bago ako makatulog ay naalala ko si Jiu. Kinuha ko 'yung cellphone ko at tinext siya.

I'm home. Text me kapag naka-uwi ka na. Take care!

Nandoon pa kasi siya sa restau ng umalis kami.

Nalate ako ng gising kinabukasan, kaya nag-madali pa kong maghanda. Hindi na ko kumain at mabilis na lumabas. Napatingin ako sa unit ni Jiu. Siguro ay nakaalis na siya. Nagmadali na kong sumakay ng elevator.

Gaya nga ng inaasahan ko late ako sa 1st subject. Buti na lang at hindi 'to major. Kanina ay sumama ako sa kanila para sa preparation sa gaganapin para sa Acting Class bukas. Yes, bukas na agad. Nung Saturday lang nagsimula ang preparation at bukas na ito gaganapin, kaya sobrang busy ng klase namin. Hindi na ko makakasama sa mga mag-aact bukas at tumulong na lang ako sa preparation, mula sa settings, costumes, props, lights and music, and other stuffs. Buti nga at hindi ito sumabay sa hosting last week, kun'di baka hindi na talaga ko naka-habol. Nang magkaroon ng bakanteng oras ay sinamahan ko si Cze at Lei para kumain. Nang makarating kami sa cafeteria ay agad kong inilibot ang mga mata ko para hanapin si Jiu. Hindi ko pa siya nakikita ngayong araw.

Habang kumakain kaming tatlo ay narinig ko ang impit na tili ni Cze.

"OMG! Nakakakilig!" she said while looking at her phone. Nang tignan namin ni Lei ang tinitignan niya ay agad din siyang tumili.

"Did you two came back together?!" she asked.

Napatingin ako sa picture. It was the picture that was taken by Jiu. Iyon 'yung picture na hinalikan ko si Hans sa cheeks. Hans posted it on IG and it trend, as usual.

My love...

'Yan 'yung caption. May mga artista pang nagsi-comment.

"Ikaw ha, hindi ka nagsasabi!" hinampas ako ni Lei.

Forgive or ForgetWhere stories live. Discover now