Chapter 10

57 26 5
                                        

Matapos kong maligo at makapag-bihis ay lumapit ako sa salamin. Pagkatapos kong i-blower ang buhok ko ay kinuha ko ang make-up kit ko at naglagay ng light make-up. Hindi ko na itatangging mas inayos ko pa yung make-up ko ngayon dahil kay Jiu. Gusto kong mag-paganda para sa kaniya. Nang makita kong ayos na ay ngumiti ako.

"Perfect!"

Kinuha ko na 'yung bag ko at lumabas ng kwarto. Habang hinihintay si Jiu ay tumunog ang cellphone ko. It's my brother.

"Hey, baby!"

"Kuya! Napatawag ka?" Hindi ako nakauwi nung friday kaya tinext ko na lang siya na hindi ako makakauwi no'n. Nagtampo pa nga siya sa'kin dahil daw 'yun na nga lang 'yung time na magkikita kami ay naudlot pa, pero naging okay rin naman. Close na close talaga kami ni kuya, siyempre kami lang 'yung palaging magkasama dahil wala sila mommy.

"Nothing, I just missed you. Can't I call?"

"Of course not! I'm sorry again, kuya."

"It's okay, sanay na ko," natatawang sabi niya.

"Well. By the way, did mom nor dad called you?"

"About that yeah, uuwi na din daw sila, soon."

"Oh, okay! Tell me when it is, okay?"

"Of course... sige na, papasok na ko. Take care, okay? I love you, baby."

"I love you, take care! Mwa!" I ended the call. Paglingon ko ay nakita kong nandoon na si Jiu, habang nakasandal sa pinto. Nandito na pala siya.

"Hi! Let's go?" seryoso lang ang mukha niya at walang mababasang kung anong reaksiyon dito. Napakunot naman ang noo ko. Ayan na naman po siya. Nagbago na naman ang kaniyang mood huhu. "You okay?"

Tumango lang siya saka dire-diretsong lumabas. Anyare do'n?

"Jiu!" Pumasok na kami sa elevator. Kinalabit ko siya dahil nakatingin lang siya sa harapan. "Uy!"

"Ano?"

"Sungit,"

"Ano ba 'yon?"

"Ba't na naman, ha?"

Kinunotan niya lang ako ng noo.

"Jiu!"

"Mm?"

"Ano ba?"

"Ano nga?"

"Ang moody mo talagang lalaki ka, daig mo pa ko, hmp." pinagsalikop ko ang mga braso ko.

"Tsk,"

"Ano?!"

"Sino 'yon?"

Magsasalita pa lang sana ko ng bumukas ang elevator. Naglakad na siya palabas. Nakita ko pang may mga tumitingin sa'ming mga nakatira din dito, kaya nginitian ko na lang sila.

"What are you saying?"

"Wala,"

"Anong 'sino 'yon'?"

"'Yung kausap mo,"

Nang ma-gets ko ang sinasabi niya saka ako humagalpak sa tawa. Binigyan naman niya ko ng tingin na parang sinasabing mukha akong timang. Hanggang sa tumigil kami sa tapat ng motor niya ay hindi ako tumigil sa kakatawa.

"Anong nakakatawa?"

"Wala..." sabay tawa ko ulit. Napahawak na din ako sa tiyan ko dahil sumasakit na ito sa kakatawa.

Forgive or ForgetWhere stories live. Discover now