Chapter 22

27 7 0
                                    

Nakatingin lamang ako sa payapang kalangitan na paminsan-minsan ay may lumilitaw na nagga-gandahang fire works. Napakaganda nito sa paningin at nakadaragdag ito sa saya na nararamdaman ko ngayon.

Napalingon na lang ako ng makitang nakabalik na si Jiu mula sa kanilang bahay habang may bitbit na gitara. Nandito kami ngayon sa likod ng kanilang bahay dahil sabi niya ay mas kumportable daw rito.

Natatawa na lang rin ako kapag naalala ko ang pamumula niya kanina ng pumasok kami sa bahay nila. Kinakantiyawan kasi siya ng mga kapatid niya, pati na rin ni tita na kaya raw siya matagal ay kausap niya raw pala kasi ako... na crush niya. Patago ko na lamang na kinagat ang aking labi nun para pigilan ang kilig. Masaya naman kami p'wera na lang sa kay Tito na hindi ko alam kung bakit tahimik siya kanina. Maayos naman siya kanina at ni-welcome niya ko sa kanila, pero maya-maya lang din ay tumahimik siya. Siguro nga ay ganoon lang talaga siya katulad ni Jiu.

Kanina kasi ay pinakilala ako ni Jiu sa kanila bilang girlfriend niya.

Hawak-hawak niya ang kamay ko habang nakaharap sa buong pamilya niya. Shiz, nakakakaba!

"H-hello po," awkward kong sabi kahit na nakangiti naman sila sa akin.

"Pa, Ma, Si Jeenah po..." bago niya ituloy ang sasabihin ay tumingin muna siya sa'kin na para bang humihingi ng pahintulot. Iniisip niya talaga ko. Kung makaka-apekto ba 'to sa career ko. Napangiti naman ako sa tumango. "My girlfriend."

Sandali silang natahimik kaya naman agad na kumabog ang dibdib ko. H-hindi ba nila ko tanggap?

Nagulat na lang ako ng biglang sumigaw ang mama ni Jiu at agad akong hinawakan sa magkabilang balikat at saka ibineso. "Wow, ang ganda-ganda talaga ng magiging manugang ko!" masaya niyang sabi saka naman ako niyakap. "Jiu anak, ikaw ha, 'di ka nagsasabi sa'kin. Ang akala ko ay hanggang crush ka lang kay Jeenah, dumada-moves ka pala ha! Mana ka talaga sa tatay mo!"

Natawa naman ako sa sinabi ni tita.  She's very jolly and cute! Buti na lang at binati ako ng ganoon ni tita at nabawasan kahit papaano ang kaba ko.

"Ma naman!" nahihiyang sabi ni Jiu na ngayon ay tinatawanan na ng dalawang kapatid.

"Ate Jeenah? Totoo po ba? G-girlfriend na kayo ni kuya?" nauutal na sabi ni Ced.

"Uhm, yes..." nakangiting sabi ko.

"Hay nako, nagseselos lang yan si Ced dahil crush ka rin niyan, Jeenah." natatawang sabi ni Tita Alyce.

"Ma!" nakita ko pa ang pamumula ng mukha niya kaya itinago niya iyon at humarap na lang sa kaniyang kuya at ngumiti. "Congrats, kuya. Crush mo lang noon si Ms. Jen ngayon..." tumingin siya sa'kin ng saglit pero di rin nagtagal at tuminging muli kay Jiu. "Girlfriend mo na siya! Naunahan mo ko, pero sige na nga!" napakamot siya sa kaniyang ulo. Nakakatawa lang na nakakapagbiro siya sa harapan ni Jiu pero 'pag tumitingin sa akin ay agad ng namumula. May pinagmamanahan, hmm.

"Sira ka." ani Jiu saka bumaling sa mga magulang. Malaki ang ngiti sa amin ni Tita Alyce habang ang papa naman niya  ay tahimik lang na nakatingin sa amin.

Napaiwas na lang ako ng tingin dahil sa awkward na pakiramdam. Naramdaman ko na lang ang pagpisil ni Jiu sa kamay ko. "Pa," tawag ni Jiu sa kaniyang ama.

Napatingin naman sa kaniya ang papa niya saka bumaling sa akin, napalunok na lang ako sa kaba. Nawala lang ang kabang nararamdaman ko ng dahan-dahan niya kong ngitian at saka naglahad ng kamay.

Forgive or ForgetWhere stories live. Discover now