Nang makaalis si Czeah ay doon pa lang kaming sabay na umuwi ni Jiu. Para kaming mag-kasintahan na nagtatago dahil hindi pwede. Ang kinaibahan nga lang ay hindi naman kami.
"May gagawin ka ba?" tanong ko ng nasa biyahe na kami. Tahimik kasi siya kanina pa kaya naiilang ako. Ayokong pag-usapan namin si Hans kaya iniba ko na lang ang usapan.
"May babasahin akong mga kaso. Then, after two hours, I'll go to restau."
"Gano'n ba? Okay. I'm also busy for tonight because of some school papers. You know, I'm absent yesterday."
"Mm," tipid niyang sagot.
I bit my lower lip, he's really mad.
"Sorry. Cze's always like that, they're always pushing me to Hans, sorry..."
"It's okay, you don't have to say sorry," tipid siyang tumawa.
Hays, paano ko ba siya makukumbinsing wala na si Hans para sa'kin. Wala na siyang puwang sa puso ko.
"No, I need to. I don't want you to think that I'm still into Hans, Jiu."
"Wala nga lang 'yon,"
"Hindi ako naniniwala! Sorry na, please. Sorry, Jiulian." Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkaka-hawak sa balikat niya at pinulupot ito sa bewang niya, saka mahigpit itong yinakap. Sinandal ko ang baba ko sa balikat niya. "Magbati na tayo, Jiu!"
Naramdaman kong natigilan siya dahil sa ginawa ko, at mas humigpit ang hawak sa manibela.
"Jeenah..."
"Hmm?" I like this. I like the feeling of me hugging him. I felt safe. I felt secured.
"T-tanggalin mo nga 'yung kamay mo sa bewang ko."
Natawa ko sa reaksiyon niya. He's so cute. "Ayaw ko," at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kaniya. Naramdaman ko ang pagpigil ng hininga niya.
"Jeenah," nanunuway na sabi niya.
"Why? Don't you want me to hug you? Your crush is hugging you right now." pang-aasar ko pa.
"Don't test me, Jen."
"What?"
"Tsk, ang kulit," narinig kong bulong niya kaya natawa ako.
Nang makarating na kami sa tapat ng unit ko ay pinagmasdan ko siya.
"You still have 2 hours, right? Can you stay to my... condo?"
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko dahil sa gulat. Napaawang din ang kaniyang bibig at bahagyang napaatras. "Ano?"
I laughed, "Hey, don't think of something, okay? I just want you to use your remaining hours with me?" nag-aalangang sabi ko.
Baka kasi kung anong isipin niya tungkol sa'kin. Gusto ko lang naman siyang makasama kahit konting oras lang dahil magiging busy na ko sa mga susunod na araw, at mga limang araw din akong hindi dito uuwi sa condo. Doon muna ako magi-stay sa place kung saan kami magshu-shoot.
"Ano bang gagawin n-natin?" napalunok siya.
"Nothing, we can study and eat together that's all."
Tumingin siya sa taas bago sumang-ayon. "Okay, magbibihis lang ako. Susunod ako,"
Napangiti ako, "Really? Sige! I'll wait for you! See yah!" Pumasok na ko sa condo ko at nagbihis.
YOU ARE READING
Forgive or Forget
Romance"In life, there's actually two option; it's either you'd forgive those people who hurt you, or you'd just forget them and start a new beginning."