Mabilis na lumipas ang tatlong araw at balik aral na naman ako. Hindi naman gano'n karami ang pinagawa sa amin at parang puro tungkol lang sa naging bakasiyon namin. Mabuti na lang talaga dahil pagod rin ako dahil sa anong oras na kong nakauwi dahil sa shooting ng ginawa naming bagong commercial.
Napatingin na lang ako kay Pamela. Kanina pa siyang walang kibo sa upuan niya. Sa t'wing kinakausap siya ay puro tango at iling lang ang sinasagot niya na malayong-malayo sa ugali niya. Sigurado akong may problema siya dahil ngayon lang naman siya naging ganito.
Kinuha ko ang bag ko saka lumapit sa kaniya na tulalang inaayos ang mga gamit. Nagsimula na ring umalis ang mga blockmates namin.
"Pamela..." hindi niya ko narinig kaya naman hinawakan ko siya sa balikat at doon siya gulat na napatingin sa akin.
"J-Jeenah..."
Alanganin akong ngumiti, "You okay?"
Napalunok siya saka pilit na ngumiti. "O-oo naman, I'm okay,"
"Ganun ba? I just noticed that your spacing out, are you sick?"
"Ah, no, I'm just tired from last night. Don't worry about me, Jeenah." muli niya kong nginitian.
"Are you sure you're okay? You don't need help?" alam ko kasing hindi talaga siya okay pero ayoko namang isipin niya na nanghihimasok ako.
"Yes, thank you, Jeenah,"
Nginitian niya muna kong muli bago nagpaalam na mauuna na. Napabuntong-hininga na lamang ako. Mukhang ayaw niya pa talagang ipaalam ang problema niya. Sabagay, naiintindihan ko naman siya.
Lumabas na din ako ng room saka dumiretso sa department nila Jiu. Alam kong hindi pa nila dismissal pero gusto ko lang siyang makitang nag-aaral. Ano kayang hitsura niya? Siguro ang seryoso na naman ng mukha nun.
Alam ko na ang schedule niya kaya naman dumiretso na ko sa klase niya ngayon. Kaswal lang akong umakyat ng building para hindi ako paghinalaan pa ng ibang estudyante doon, at ng marating ko ang room ni Jiu ay agad ko naman siyang nakita doon dahil nakatalikod sila sa akin. Nakita ko siyang diretsong nakatingin sa powerpoint na dini-discuss ng prof nila.
Maya-maya ay nagtawag na ang mukhang masungit nilang professor na babae. Napahiya ang isang tinawag niya ng hindi nito nasagot ang kaniyang mga tanong. Shit, nakakatakot naman pala 'to.
"Mr. Delavid!" tawag ng prof kay Jiu. Agad namang tumayo si Jiu. Nakagat ko na lang ang labi ko dahil ang sexy ng likod niya. Boyfriend ko ba talaga 'to? Mas nagtago naman ako dahil baka mahuli pa ko ng prof nila. Nakakatakot pa naman.
Walang kahirap-hirap niyang sinagot ang mga tanong ng professor. Grabe! Ang galing niya talaga! Walang kahirap-hirap niya lang 'yong nasagot. Ang talino talaga ni Jiu, kaya bagay kami e.
Papanoorin ko pa sana siya ng makita ko ang isang prof na dadaan sa pwesto ko kaya naman dali-dali akong umalis doon at bumaba. Sobrang strict pa naman ng mga crim professors. Sayang at gusto ko pa namang panoorin pa si Jiu.
Two hours pa ang hihintayin ko kaya naman naisipan kong tawagan sila Czeah.
"Hello?"
"Oh, what?"
"Where are you?" sabi ko saka umupo sa wooden bench.
"Kaka-dismissed lang, why?"
"Let's hang out?"
Alam ko namang ito ang gustong-gusto ng babaing 'to. "For real? Of course! I'm on my way! By the way where are you ba?"
"Here at standby area,"
YOU ARE READING
Forgive or Forget
Romance"In life, there's actually two option; it's either you'd forgive those people who hurt you, or you'd just forget them and start a new beginning."