Chapter 23

29 6 0
                                    

Nagpaalam na ko kila Tita Alyce dahil kailangan ko ng umuwi at baka may makapansin pang umalis ako.

"Thank you po, Tita! I enjoyed the foods," nakangiting bati ko ng ihatid nila ako—kami ni Jiu sa labas ng bahay nila dahil ihahatid daw ako ni Jiu sa bahay, pero hanggang gate lang ako magpapahatid dahil baka may makakita pa sa kaniya.

"Always welcome ka dito, Jeenah. Parte ka na ng pamilya, hindi ba?" malaki ang ngiting sabi ni Tita Alyce. Kahit na around 40's na si Tita ay bakas na bakas pa rin sa mukha niya ang natatangi niyang ganda. At higit sa lahat hindi pa rin nawawala ang pagka-jolly niya na pinaka-nagustuhan ko.

"Salamat po talaga." nakangiting sabi ko saka bumaling kay Tito na tahimik lang na nasa tabi niya. "Tito, thank you po. Mauna na po ako,"

Ngumiti siya, "Salamat din, hija. Mag-iingat kayo. Jiulian, ingatan mo ang nobya mo."

Dahil sa sinabi iyon ni Tito ay agad kong naramdaman ang pamumula ng pisngi ko.

"Pa, Ma, mauna na kami. Hatid ko lang po si Jeenah."

"Oh siya, sige na, mag-iingat kayong dalawa."

"Sige po! Pakisuyo na lang din po kila Ced at Blaire."

Nang nasa tapat na kami ng motor ni Jiu ay inabutan niya ko ng black hoodie jacket na kinuha niya sa kwarto niya bago kami umalis.

"Isuot mo 'yan. Masiyadong manipis 'yang suot mong cardigan."

Napangiti naman ako saka agad iyong sinuot. Inamoy ko pa ito dahil sa bango, nakita ko na kasi itong suot-suot niya.

Habang nasa biyahe kami ay mahigpit ang yakap ko sa kaniya mula sa likod. I just wanted to treasure this moment.

"Jiu, do you know? My dad and I were okay already." masayang sabi ko. Nakalimutan ko nga palang ikwento iyon sa kaniya kanina.

"Talaga?"

Tumango ako. "Oo, sobrang saya ko lang. Ang tagal ko din kasing hinintay 'yung pagkakataong 'to eh. 'Yung matatanggap niya na iyong mga gusto ko, 'yung pangarap ko. 'Yung maging masaya siya para sa'kin. At nangyari na 'yon." mas lalong humigpit ang yakap ko sa kaniya. "Ang saya lang ng Christmas Eve ko. Sobrang memorable!"

"I'm so happy for you, Jeenah. Alam ko kung gaano mong kagusto na matanggap ng daddy mo kung ano man 'yung ginagawa mo ngayon."

"Thank you so much..." nakangiting sabi ko.

Habang nag-uusap kami ay maya-maya'y bigla na lang akong natahimik. Agad naman niya iyong napansin. Sinubukan niya kong lingunin pero hindi niya rin nagawa dahil nagmamaneho siya.

"You okay?"

"O-of course,"

"What's the problem?" alam niyang nagsisinungaling ako.

"I'm okay, Jiu."

"I'm your boyfriend now. You can tell me everything, Jeenah."

Napabuntong-hininga ako, "I'm just thinking that this would be more perfect if my brother is here." natahimik siya. "Nasanay ako na lahat ng masasayang pangyayari sa buhay ko ay sinasabi ko sa kaniya. We don't keep secrets to each other. He's been there for me since we were young. And I missed him. I miss him so much and I'm so worried about him right now."

"Jeenah..." tawag niya sa akin. "You know your brother, right? Alam mong alam niya ang ginagawa niya. Hindi siya gagawa ng anumang makakapahamak sa kaniya at sa babaing iniingatan niya. So, don't worry, okay? He'll be fine. This will probably end and everything will be fine."

Forgive or ForgetWhere stories live. Discover now