Nagtagal din ang away nila bago tuluyang makumbinsi ni mom si dad na hayaan na lang si kuya dito. Nagalit na rin kasi si mommy at iba talaga ito magalit na miski si daddy ay tumitiklop.
Naiwan kaming dalawa ni kuya sa kwarto niya. Nakaupo lang siya ngayon sa dulo ng kaniyang kama habang wala sa ulirat na nakatitig sa kawalan. Naaawa na ko sa kaniya. Hindi ako sanay na makita siyang nagkakaganito. Ayokong makita siyang ganito. Nasasaktan ako. Kanina ay aalis na naman dapat siya mabuti na lang at nakinig siya kay mommy.
"Kuya..." pero hindi pa rin siya kumibo. "K-kuya, I'm sorry. I'm sorry if I sent you home. I'm just worried to you. I can't —"
"It's okay." Nagulat na lang ako ng sumagot siya. Akala ko ay hindi na siya iimik.
"Kuya, are you okay? No. Sorry for asking that. I'm just here, kuya. If you need someone to talk to, to lean on, to tell your heartaches, I'm here. I won't leave you. I promise..." umupo ako sa tapat niya at hinawakan ang mga kamay niya.
"I know. You're the only person who will stay at my side until the very end, I guess."
Umiling ako, "No, that's not true, kuya. You still have your friends, and of course mom,"
"They will leave me, too." sinabi niya iyon na para bang alam niyang mangyayari talaga iyon. "Si Pam. She always say that she would never leave me. At my worst, at my darkest times, at my tragedy. But in the end? She did."
Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin para gumaan kahit papaano ang pakiramdam niya.
"I told her..."
"Kuya..."
"I told her I can do everything to protect our relationship. To protect her. I told her she's not the reason to all of this but she keeps saying she is. She keeps telling me she's not good for me. She's not deserving. She's not worthy on my sacrifices." Sinabi niya 'yon ng nakatingin ng diretso sa sahig. Nagulat na lang ako ng tumingin siya sa'kin. At nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon. Bakas na bakas sa mga mata niya ang sakit. Bakas sa mukha niya ang pagod. "But she is. Jeenah, I love her... I love her more than anything. More than anyone in this damn world. "
"Kuya, I know. I understand..." marahan kong sabi.
"Sorry,"
"Sorry for what?"
"Sorry for not being a big brother to you. Sorry for--"
"Don't say that. You've done a lot for me already, I know you knew that. This is my turn now to protect and take care of you as your lil sis," nakangiting sabi ko.
Maliit ang ngiti niya ngunit sapat na sa akin iyon, "Thank you, Jen, I don't know what would I do if you weren't here."
"Always, kuya. Always."
Hinintay ko munang makatulog si kuya bago siya iniwan doon. Mabilis din siyang nakatulog dahil na rin sa epekto ng mga ininom niya kagabi at idagdag mo pa ang pag-iyak niya.
Binilin ko siya kay manang at agad naman siyang tumango dahil nag-aalala din siya kay kuya.
Ayaw ko man ay kailangan ko pang umalis dahil maghahanda pa ko para sa ball mamayang gabi ng lahat ng artists sa station namin.
Habang papunta sa company ng HighLights ay kausap ko sa text si Jiu. Hindi ko siya makakausap sa phone dahil kasama ko ang driver ko.
From: Jiu
YOU ARE READING
Forgive or Forget
Romance"In life, there's actually two option; it's either you'd forgive those people who hurt you, or you'd just forget them and start a new beginning."