Bago ako pumasok kinabukasan ay nakita ko si kuya sa labas na may kausap sa phone. Magpapaalam sana ako na papasok na at limang araw din akong hindi uuwi ulit dito, kaso mukhang importante 'yung kausap niya. Mukha talagang importante dahil bumbulong pa siya na para bang takot na takot na may makarinig sa kaniya.
Lumapit ako sa kaniya pero hindi niya ko nakita dahil nakatalikod siya sa'kin.
"Of course, Pam, I'll go with you, baby." nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang huling katagang sinabi niya. Hindi naman sa chismosa ako, pero na-curious lang din ako kung bakit siya bumubulong. Nang maramdaman niya ang presensiya ko ay liningon niya ko at bahagyang nanlaki ang mga mata. "Okay, I'll call you later." he ended the call. Napalunok siya, "K-kanina ka pa diyan, Jen?"
"Hindi naman, kuya. Magpapaalam lang ako, papasok na ko." ngumiti ako ng tipong nang-aasar.
"D-did you heard something?" nag-aalalang sabi niya kaya napakunot ang noo ko. Bakit ba parang takot na takot siya?
"May dapat ba kong marinig?"
"Nothing,"
I smiled, "'Yun naman pala e, sige na, kuya, I'll go na." bumeso ako sa kaniya. Pero bago pa ko makaalis ay nilingon ko siyang muli. "You don't have to worry about me. You're always supporting me, I'd support you now, kuya. I got your back!" sabi ko bago ako umalis.
Nang nasa biyahe na ko papunta sa University ay napaisip ako ng kung ano. Bakit parang ayaw ni Kuya na makilala ko 'yung girlfriend niya? I pouted my lips. Don't he trust me?
Nang makarating ako sa school ay para akong tuod na naglalakad papunta sa klase ko. I'm worried to my brother. He's not like this. He's always saying all his problems or secrets to me, and vice versa.
Alas dose ng matapos lahat ng subjects ko dahil may meeting 'yung mga prof ng last subject at nag-iwan na lang ng ipapa-gawa. Wala na kong gagawin, at mamaya pang gabi 'yung shooting. Umupo na lang muna ko sa bench sa may lilim ng puno. Ayoko pang umuwi dahil wala naman akong gagawin sa condo.
I tried to call Czeah and Lei but they're both busy. Si Czeah may meeting daw kasama 'yung mga groupmates niya. Si Lei naman may emergency kaya kailangan na niyang umuwi agad. Ano kaya 'yon? Sana okay lang. Hays...
I pouted my lips because of boredom. Uuwi na ba ko? Naisipan ko na sanang umuwi ng may pumasok sa utak ko. Puntahan ko kaya si Jiu? Nabo-bother pa rin kasi ako dun sa message niya eh. May meeting naman lahat ng prof kaya hindi naman na siguro siya busy? Pero paano kung magalit siya dahil pumunta ako doon?
Napabuga na lang ako ng hangin. Bahala na nga! Sisilipin ko lang siya.
Nasa department niya na ko ng maalala kong hindi ko nga pala alam kung nasaan ang room niya ngayon o baka naman umuwi na siya?Naglakad-lakad na lang ako habang sinusulyapan ang mga rooms, nagbabaka-sakaling nandoon siya.
Nasaan ka ba, Jiu?
Nang nasa last na room na ko ng second floor ay napatingin ako sa mga lalaking nakatingin sa'kin. Mga lima sila. Or should I say, nakatitig? Sanay naman na kong palaging may nakatingin sa'kin, pero minsan ay hindi ko rin maiwasang mailang.
Lumapit sa'kin ang isa sa kanila ng may ngiti sa labi.
"Hi, Ms. Jen! Anong kailangan mo dito sa Department namin?" Napatingin ako sa kaniya, mukha naman siyang mabait.
"Ahm, I'm just looking for s-someone." I bit my lower lip, hindi alam ang sasabihin.
"Someone? Sino naman 'yang maswerteng someone na 'yan at dinadayo ng isang artista?" biro niya pa.

YOU ARE READING
Forgive or Forget
Romance"In life, there's actually two option; it's either you'd forgive those people who hurt you, or you'd just forget them and start a new beginning."