Chapter 9

51 24 4
                                    

Natapos ang mga nagdaang linggo na sobrang abala ko. Pagod na pagod ako sa tuwing natatapos ang shooting dahil karamihan sa mga iyon ay sa mga public places. Hindi maiiwasan ang mga taong dudumog sa'yo at mga nagpapapicture. Napagod 'yung panga ko kakangiti at kakatayo, but it's all worth it. Ito naman 'yung passion ko at masaya ako rito.

Nagcelebrate kami ng matapos na naming i-shoot ang buong pelikula. Nakaka-overwhelmed talaga kapag nakakatapos ka ng isang movie. Pakiramdam mo nag-uumapaw 'yung saya mo, and at the same time, nakaka-proud din.

Gugugulin naman namin 'yung three weeks para sa promoting at premiere night. For sure, mas magiging busy kami sa mga darating na araw. Kinabukasan ay excited akong naghanda para sa araw na ito, dahil ito ang muli naming pagkikita ni Jiu. Sobrang excited ko lang.

Bumawi ako sa mga prof ko at inasikaso na lahat ng mga activities na binigay nila sa'kin. 1pm ng natapos ang lahat ng klase ko ngayong araw na 'to, kaya dumiretso na agad ako sa library, para gawin 'yung mga pinapahabol sa'kin ng mga prof.

Pagdating ko sa library ay kumuha agad ako doon ng mga librong kakailanganin ko. Kailangan kong magmadali dahil madami-dami ito. Hindi ko pwedeng baliwalain 'yung pag-aaral ko dahil hindi ako pwedeng mawala sa Dean's list. Paniguradong mapapagalitan ako ni Daddy.

Masiyado kasi 'yung strict pagdating sa pag-aaral namin ni kuya kaya hindi kami pwedeng magpa-petics lang. Lalo na sa'kin. Sa totoo lang ay ayaw niya talaga kong mag-artista or mag-model. Gusto niyang kuhanin ko ang business ad katulad ni kuya para sabay daw naming i-manage 'yung kumpaniya nila ni mommy. But I did not. Hindi ko siya sinunod. Lahat naman ng gusto nila ay sinunod ko, gusto kong kahit ito lang ay ang gusto ko naman ang masunod. At saka buhay ko 'to. Kaya kahit galit na galit siya sa'kin non ay wala akong nagawa. I just cant give up my passion and dreams.

Parang sasabog na ang utak ko ng dumating ang alas-syete at marami pa rin akong hindi nagagawa. Binabasa ko pa kasi 'yung mga lesson at iniintindi 'yon dahil hindi naman naturo sa'kin. Uwian na nila Jiu ngayon. Alam ko talaga 'yung schedule niya, kinabisado ko ba naman. Kuha ko 'yung phone ko sa bulsa at tinignan kung nag-text ba siya.

From: Jiu

Jen, kailangan na ko sa restau, may emergency daw. Hindi muna kita masasabay, naka-alis na ko. Sorry. Magpasundo ka sa driver mo, okay? Mag-ingat ka.

Napasimangot na lang ako ng makita ang message niya. Ngayon na nga lang kami magkikita, naudlot pa. Pero sino ba ko para mag-demand, 'di ba?

Ganiyan talaga 'pag walang label.

Napairap na lang ako sa naisip ko, tsk. Tinapos ko na lang lahat ng gagawin ko sa library dahil wala rin naman si Jiu. Alas-nuebe ng matapos ako at tawagan 'yung driver ko.

Habang nasa biyahe ay naisip ko na naman si Jiulian. Hays, miss ko na talaga siya! Anong gagawin ko, eh nasa trabaho nga. Hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili kong sinasabi sa driver ko kung saan ang restaurant na pinagta-trabahuhan ni Jiu.

"I'll just take my dinner here, Manong. Wait for me, okay?"

Sinuot ko ang shades ko kahit gabi na, mabuti ng handa. Alam kong may makakakilala pa rin sa'kin dito pero siguro ay yuyuko na lang ako kung maglakad at gagawin ang lahat para walang makahalata sa akin.

Pagkapasok ko sa restaurant ay sinalubong ako agad ng isa sa staff doon. Masiyado talaga itong exclusive. Mabuti na lang at nakapasok si Jiu dito, para kasing mahirap makapasok dito. Hanga talaga ako sa kaniya.

"Table for how many ma'am?" nakangiting sabi ng staff. Hindi nakaligtas sa akin ang mausisang tingin nito, para bang kinikilala ako kaya tumingin na lang ako sa paligid.

Forgive or ForgetWhere stories live. Discover now