Chapter 36

32 3 0
                                    

Wala ako sa huwisyo ng magising kinabukasan. Naglinis lang ako ng katawan at nagsepilyo bago bumaba para kumain. Agad din akong umalis para pumasok. Ramdam ko man ang mga mapanghusga nilang mga tingin ay binalewala ko na lang iyon. Wala na kong lakas para pagtuonan pa sila ng atensiyon.

Mabuti na lang at maganda naman ang naging daloy ng pag-aaral ko pwera na lamang sa hindi ako makasabay sa iba nilang lessons. Napatingin na lang ako sa labas ng magsimula ng umalis ang mga kaklase ko para kumain. Nanatili lang ako sa kinauupuan ko at pinaglaruan ang mga daliri ko.

Mas bibigat lang ang pakiramdam ko kapag lumabas pa ko dahil alam ko namang iba ang mga tingin at sinasabi nila sa'kin.

"Uh... Jeenah?" Napaangat na lang ako ng tingin ng makita si Abbi sa harap ko. She's smiling at me like she doesn't believing in the issue that was pakalat. I smile a little. "Gusto mo bang... dalhan kita ng foods dito?"

My lips slightly parted. "No. I mean, no need. I'm still full. You don't have too." I smiled at her, assuring her that I'm okay.

"Are you really sure?"

"Yes,"

"I'll stay here. Sasamahan kita,"

"No, go on. Go outside and eat. I know you're hungry, mahirap din 'yung mga lessons natin. You need to sustain your energy for the next subjects."

Ilang ulit ko pang pinilit si Abbi hanggang sa wala din siyang nagawa. Natapos ang lahat ng subjects ko at marami rin akong dalang mga papers at exams na kailangang sagutan. Marami na naman akong hahabulin. Mabuti na rin 'to para hindi ko na gano'n maisip ang mga problema.

Ilang araw na rin kaming hindi nakikita ni Jiu pero mas mabuti na rin ito para hindi na siya madamay pa sa mga problema ko. Hindi pa rin naman kami nawawalan ng komunikasyon kaya ayos lang sa akin.

Bitbit ko ang mga kailangan kong gawin at sagutan ng papasok ng mansion. Tutulungan pa sana ko ng mga helpers pero umiling lamang ako. Making gulat ko na lamang ng makita sila mom at dad sa sala. Agad na nagbago ang reaksiyon ni mommy ng makita ako na para bang gulat na gulat at natatakot. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at ng akma na kong hahalik sa pisngi ni daddy ay agad niya kong tinulak at tumayo saka ko naramdaman ang palad niya sa kaliwang pisngi ko. Agad na nagkalat ang mga hawak ko sa sahig.

My head was turned because of the impact of his slap. Gulat akong napatingin sa kaniya.

"D-dad..."

"You're so unbelievable! Patalikod ka pa lang tumira, Jeenah 'no? I didn't notice that." he sarcastically said. My brows furrowed but slowly having a hint why he's like this. No. "I didn't expect that you'd do this to me! You lied! I trusted you, Jeenah! Alam mong ikaw na lang ang pinagkakatiwalaan ko pero mas malala ka pala!" he started shouting at my face. My tears fell down to my cheeks. "Kailan pa?! Kailan mo pa kami niloloko?! Kailan mo pa nilalandi ang lalaking iyon?!"

"Dad!"

"DON'T DAD ME, I'M ASKING YOU! When the hell it is started?!" I didn't say anything so he became more mad at me. My mom stopping him and preventing him to hurt me. "Ang galing! You even swear a promise to me, Jeenah, and this is what I'll find out? YOU'RE DATING A HOPELESS GUY?!"

Forgive or ForgetWhere stories live. Discover now