Chapter 37

24 2 0
                                    

"N-nurse!" muntik pa kong madapa ng tuluyang makarating sa nurse station dahil sa pagmamadali ko.

"K-kayo..." gulat na sabi ng mga nurse roon.

"Kaya pala pamilyar 'yung pasyente hindi lang natin namukhaan," ani nito sa kasama pang nurse.

"Where's my brother?"

"A-ah... nasa emergency room—"

Hindi ko na siya pinatapos pa at agad akong dumiretso sa kung nasaan ang emergency room. Halos madapa na ko  dahil sa pagmamadali at panginginig ng mga tuhod ko. At ng makarating ako sa tapat noon ay tahimik itong nakasarado. Doon unti-unting bumigay ang mga tuhod ko habang nakatitig sa pintong iyon.

Sa loob no'n, nandoon 'yung kapatid ko. 'Yung kapatid kong walang inisip kun'di kapakanan ko. At dahil rin sa'kin kaya nanganganib ang buhay niya.

Nakatayo lang ako doon habang palakad-palakad at hindi mapakali. At nang lumabas ang doctor ay pigil ko ang hininga ko habang umaasang nakatingin sa kaniya. Nagulat pa ito ng makita ako pero agad ding nakabawi.

"D-doc... k-kumusta po 'yung kuya ko? Anong lagay niya? He's okay now, right?" sunod-sunod kong tanong at sunod-sunod ring tumulo ang mga luha ko.

"He's fine now... but he's still unstable. We still need to monitor his condition every hours because his condition might worse."

"A-ano po bang nangyari sa kaniya?"

"Car accident. His car crashed into a car na nawalan preno. Three car crashed and one of them is your brother..."

I shook my head. It's my fault. Kung sana hindi ko na lang pinayagang puntahan pa ko ni kuya. Sana hindi ko na lang muna sinagot 'yung tawag niya.

"Magiging maayos naman ho siya 'di ba?" I said, hopefully.

Hindi siya agad nakasagot, "We will do our best. But honestly... hindi maganda ang lagay niya. Anytime pwedeng siyang–"

"No! My brother is strong! Doc, please, I'm begging you... do everything. I can't afford to lose him. I can't..." I cried.

"Yes. Yes, Miss Calley we'll do everything. For now we'll take him to ICU,"

Gaya ng sinabi ni doc ay inilipat nga nila si kuya. At dahil sa ICU nila siya inilipat at hindi sa normal room, alam kong masama talaga ang lagay niya.

Nang dumating sila mommy ay agad silang pinasuot ng mga protection bago pumasok roon. Ni hindi nila ko nakita, o nakita man nila ko pero hindi nila ko pinansin. Pero wala na iyon sa akin, ang mahalaga ay ang kapatid ko.

Kuya, please hold on...

Tahimik lang akong umiiyak at nagdadasal sa labas. Maya-maya ay lumabas na rin sila daddy dahil hindi rin sila pwedeng magtagal doon.

"Jeenah, alam na namin ang nangyari. Alam mo ba kung saan dapat pupunta ang kapatid mo?" tanong sa akin ni mommy, kitang-kita ang maga niyang mga mata dahil sa kakaiyak. Hinawakan niya ang kamay ko.

Agad akong napalunok at napaiwas ng tingin. Dapat din nilang malaman ang totoo... kahit na magalit pa sila sa'kin. Mas hindi ko kakayaning itago ang dahilan ng aksidente ng kapatid ko.

"S-sorry, mom. P-pupuntahan niya po kasi ako dapat..."

Agad akong binitawan ni mommy. Nang mapatingin ako sa kaniya ay mariin na ang kaniyang tingin sa akin. Nagulat na lang ako ng hawakan ako ni daddy sa magkabilang braso ng mariin.

Forgive or ForgetWhere stories live. Discover now