Chapter 32

22 3 0
                                    

Tulala akong naglakad ng huminto ang sasakyan sa tapat ng mansion. Agad akong dinaluhan ng dalawa naming maid.

"M-Miss Jen, ayos lang ho ba kayo?"

"Ma'am, may mga sugat po kayo!"

Pero hindi ko sila pinansin at nagsimulang umakyat patungo sa kwarto ko. Para bang naubos ang lakas ko kanina. Papasok na sana ko sa kwarto ko ng biglang bumukas ang kwarto sa katabi ko. Bumungad sa akin si kuya. Tatalikod na sana ako at papasok na dahil hindi niya pwedeng makita ang mga sugat ko nang hawakan niya ang braso ko para pigilan.

Napa-aray na lang ako ng saktong mahawakan niya ang pasa sa braso ko. Nag-aalala akong tumingin sa kaniya. Agad niyang tinignan ang mga braso ko hanggang sa mukha ko.

"Fuck. Who did you this?"

"Ah, k-kuya, wala uhm..."

"Jeenah." mariin ang kaniyang tingin sa akin na para bang any time ay sasabog na.

"Kuya..."

"Shit, halika," dinala niya ko sa kwarto niya at pinaupo sa side ng bed niya. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa dumiretso siya sa bathroom niya at kumuha ng first aid kit. Agad niya kong nilapitan at saka tumabi sa akin.

Kinuha niya ang kamay ko at seryosong ginamot ang mga sugat ko. Tahimik lang siya kaya hindi ako mapakali. I know right now he's mad.

"Kuya..." tawag ko sa kaniya pero nakatuon lang ang atensiyon niya sa paggamot sa akin. "Kuya,"

"Who did this to you, Jeenah Neveah?"

Napalunok ako, "A-are you mad?" maliit ang boses na sabi ko.

"Yes. I'm mad. I'm fuming mad right now." tinignan niya ko. Agad akong napaiwas ng tingin dahil sa takot. Hindi ko gusto na nagagalit siya sa'kin...

"I'm sorry, kuya..."

"I'm not mad at you, Jeenah." Napatingin ako sa kaniya. "I'm mad to whoever did this to you. They doesn't have the rights to hurt you! Fuck."

"K-kuya, I'm okay naman–"

"You're not, okay? You're not. Stop pretending and keeping it to yourself. Naiintindihan mo ba ko, Jeenah?"

I nodded. "Sorry..." napayuko na lamang ako.

"Is it the fans?"

"No,"

"Then who?" agad niya kong inunahan. "Don't lie to me, sister,"

"Uhm, just a random models who's mad at me,"

Agad na nagiba ang timpla ng mukha niya. "Who's insecure," he corrected me.

Magsasalita pa sana ko ng dumako ang tingin ko sa labas ng closet niya. Hindi niya pa iyon natatago at buti na lang at hindi. Nandoon nakasabit ang toga ni kuya.

Agad na uminit ang gilid ng mga mata ko, "Kuya..." nilingon ko siya. Shit, I felt guilty! I almost forgot about it! "Kuya, I'm sorry. I'm sorry, I forgot about it. Sorry. Sorry."

Forgive or ForgetWhere stories live. Discover now