Napapikit na lang ako at napahawak sa sentido ko habang naglalakad sa hallway papunta sa cafeteria. Kakatapos ko lang mag-exam at pakiramdam ko ay natuyo na agad ang utak ko. Salamat at successful naman lahat ng exams ko, para sa'kin.
Pagkatapos kong um-order ay pumunta ako sa may dulong upuan na bakante. Ayokong makaagaw pa ng pansin dahil alam ko ang issue namin dito sa university. Habang kumakain ay hindi ko maiwasan ang kabahan. Ang pamilya namin ang isa sa majority stockholders ng school na ito at hindi malabo na makarating ito sa parents ko.
Labis ang kaba na nararamdaman ko sa tuwing maiisip iyon. Pero nawawala na lang naman ito bigla sa t'wing nakikita ko ang lalaking naging dahilan ng lahat. Ang lalaking gagawin ko ang lahat huwag lang masaktan. At alam kong gano'n din siya sa akin.
Tinanggal ko na iyon sa isip ko at napangiti na lang ng makita ang dalawang babaing papalapit sa kinaroroonan ko, dala-dala ang tray ng pagkain nila.
"Why are you here, Jen?" nakakunot-noong tanong ni Lei nang makaupo sila sa harapan ko.
Napalunok ako. Alam na rin ba nila? Sabagay, ang naririnig ko lang namang usapan dito ay ang pagiging malapit namin ni Jiu. At hindi ang kung anong relasiyon ang mayroon kami. "I just don't want stares while I'm eating, you know that."
Napatango siya, "Yeah right,"
"Long time no see, bitch!" ani Czeah habang umiinom sa kaniyang apple juice.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Coming from you, huh? The bitchiest in town." natatawang sabi ko na sinabayan ni Lei.
"Whatevs, pinagtutulungan niyo na naman ako," she rolled her eyes upon us that made us laugh even more.
"Hay nako Cze, wala ka pa ring pinagbago," natatawang ani Lei.
"If nagbago ako, I won't come near to you both." nagmamaktol na aniya.
"Can you?" nang-aasar na sabi ko habang nakangisi.
Pinanliitan niya ko ng mata, "How dare you to insult me, Ms. Calley?!"
"Oh, sorry Ms. Roma, I'm not insulting you, I'm just stating the truth."
"And guess what? You can't leave us, Ms. Roma, we're only your TRUE friends." dagdag ni Cze.
"Oh my god, how dare you two!" maarteng aniya.
"What? Want to say some more?" ngisi ko.
"You daughters of a bitch!"
"Coming from the queen of a bitch," Lei added.
Sa hindi na kinaya ni Czeah ay hinampas niya ang table kaya napalingon sa amin ang ibang taong naroon. Baliw talaga 'tong babaing 'to!
"Ah! Ayoko na, guys! Ang sama niyo!"
Humagalpak naman kami ni Lei sa tawa dahil sa successful na pangti-trip kay Czeah. Ganito lang talaga kaming tatlo na maglambingan haha.
"Sorry not sorry," ani Lei.
"Tse! Kakagigil kayo!"
"We're so sorry, baby Roma," sabi ko at akmang yayakap sa kaniya.
"Yuck, Jeenah, no! Baby Roma? Seriously? Cringe!"
Tinuloy namin ang kwentuhan habang kumakain. Maya-maya ay napatingin na lang sa akin si Czeah.
"Tapos na nga pala yung tutorial sa'kin ni Jiulian. Thank God, makakaalis na rin ako sa kamay niya,"
Nagmaang-maangan ako na para bang wala lang sa akin iyon.

YOU ARE READING
Forgive or Forget
Romance"In life, there's actually two option; it's either you'd forgive those people who hurt you, or you'd just forget them and start a new beginning."