Chapter 5

78 53 50
                                    

Natapos kaming kumain ng kung anu-anong street foods. Kumain din kami sa ihawan. Akala ko pa nga ay nakakasuka 'yung isaw, pero ang sarap pala hehe. Nakasuot na din ako ngayon ng sombrero na binili ni Jiu sa malapit, baka daw kasi pagkaguluhan ako. Sweet.

"Hey, let's take a picture." sabi ko habang kumakain kami ng hotdog on stick.

"Picture?" natatawang sabi niya. Kanina pa 'tong lalaking 'to. Kanina pa ko pinagtatawanan, pero okay lang, at least happy pill niya ko diba?

"Oo, wait," I took my phone from my pocket. "Dali!" excited kong sabi.

"'W-wag na,"

Napakunot ang noo ko, "Why?"

"Wala lang..."

"Bakit nga?"

"Nahihiya lang ako," umiwas siya ng tingin.

"Why?" nag-aalalang sabi ko.

"Basta,"

"Hmp, ang damot mo!" sabi ko saka siya tinalikuran,

"Tsk, akin na nga," hinarap niya ko sa kaniya saka kinuha ang cellphone na hawak ko. "Smile..." aniya kaya naman wala sa sarili akong napangiti habang nakatingin sa kaniya. Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumawa. "This is cute," nakangising aniya.

Napakunot ang noo ko. Aba't! Kinuhanan niya pala 'yon, hindi pa ko ready!

"Hey, give me my phone!" nginitian niya lang ako. Aba't! "Jiu!"

"Wait," pinipigilan niya ang kamay ko na pilit kinukuha sa kaniya 'yung cellphone. May kung ano lang siyang pinindot doon bago tuluyang binigay sa akin.

"What did you do?"

"Wala," pagmamaang-maangan niya pa. Sinamaan ko siya ng tingin bago tinignan ang phone ko. Ano bang ginawa niya? Pumunta ako sa photos at doon ko nakita ang picture namin na kinuhaan niya. Imbes na mainis ay napangiti na lamang ako.

He's smiling on the camera while myself, was looking at him with a smile on my face. Pero nagtaka lang ako hindi naman niya 'to binura, anong ginawa niya?

"Anong bang ginawa mo, Jiu?"

"Wala nga," Inirapan ko na lang siya dahil pakiramdam ko ay wala talaga siyang balak sabihin sa akin. Inubos ko na lang ang kinakain kong hotdog on stick bago bumaling sa kaniya. "Ang sarap, pwedeng isa pa?"

"Nah, nakadami ka na ng kain ng kung anu-ano, baka sumakit na 'yung tiyan mo,"

Napalabi ako, "But I still want more! Minsan nga lang akong maka-kain ng gan'to eh,"

Tumingin siya sa'kin, na para bang may nasabi akong nakakamangha at hindi siya makapaniwala. "Palagi mo na lang akong pinapahanga." nakangiting sabi niya.

"Crush mo na ba ko niyan?" pang-aasar ko pa.

"Baliw. Tara na nga,"

Pagkatapos naming kumain ay sumakay na ulit kami sa motor niya.

"Where are we going?" I asked.

"Saan mo gusto?"

"Sa mall na lang,"

Gaya ng sinabi ko, pumunta kami sa pinakamalapit na mall.

"Do you want to watch a movie?" I asked him when we're already inside of the mall.

Forgive or ForgetWhere stories live. Discover now