Chapter 24

28 8 0
                                    

Kinabukasan ng naging pag-uusap namin ni kuya ay bumalik na ko sa trabaho. Masaya ako dahil nakausap ko na siya at hindi na ko mangangamba kung ano ba ang lagay niya dahil ipinaliwanag naman niya na iyon sa akin.

Malaki rin ang naging pasasalamat ko kay Jiu sa ginawa niya. Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ko pa makikita si kuya.

Maganda ang naging mood ko ng araw na iyon kaya naman maganda ang kinalabasan ng guesting ko sa isang variety show.

Naging busy lang ako ng mga lumipas na araw sa trabaho. Halos wala na kong pahinga sa sunod-sunod na guesting at interview.

"Jen, ano 'yung naramdaman mo nung ikaw 'yung kinuha para maging isa sa mga judge sa New York?" tanong sa akin ni ate Vi, isang gay comedian host. Nagshu-shoot naman kami ngayon sa isang cooking show na ipapalabas bukas, December 31 para sa Media Noche.

Habang hinahalo ko ang niluluto kong sauce at siya naman ay naghihiwa ng mga ingredients. "It's really unexpected, ate Vi. I didn't expect it either not until my manager called me, and that's so surprising." kwento ko.

"Wow, pero parang hindi naman na 'yon unexpected para sa fans mo dahil alam naman nila—namin na magaling ka. Share mo naman sa'min 'yung naging reaction ni Hans nung sabihin mo sa kaniya 'yung tungkol do'n." aniya, nang-aasar.

Natawa na lang ako, ang iisipin ko na lang ay ang naging reaksiyon ni Jiu. Since siya naman talaga ang boyfriend ko. "Uhm, he's so proud." ani ko habang naalala ang reaksiyon niya ng gabing iyon. "He became transparent that time on expressing how proud he is to me. And I really appreciate it. Then whenever I'm feeling nervous or anything because of the invitation, he's always there cheering me up."

"Grabe naman 'yon, parang ini-imagine ko 'yung gano'ng reaction niya tapos in exchange..." tinignan niya ko ng may nakakalokong tingin.

Namula naman ako. Hindi ko alam kung 'yung naiisip ko bang iniisip niya ngayon ang nasa utak niya o hindi.

Natapos ang araw na iyon na masaya lamang ako. Pagod man ay masaya naman ako dahil nakakahalubilo ko ang mga taong sumusuporta sa'kin. Masaya din talaga ako sa t'wing nakakausap ko ang mga fans. Gumagaan ang pakiramdam ko.

Iniisip ko lang, magiging gan'to pa rin ba sila kapag nalaman nila ang totoo? Malabo man pero umaasa pa rin ako. Umaasa ako na matatanggap nila kung saan ako masaya.

Maaga pa lang ay kausap ko na si Jiu sa telepono. Kinakamusta niya ko. Ganito siya palagi. Sa gabi kasi ay hindi niya ko tinatawagan dahil gusto niyang magpahinga na ko agad pagka-uwi ko at sa umaga siya bumabawi. Pabor na rin sa akin iyon dahil alam kong pagod rin siya galing sa trabaho, lalo na't December at maraming tao ang pumupunta sa restaurant.

"If you watch my interview in cooking show, don't be mad, huh?" I said while brushing my hair.

"Why?"

Natawa ako, "Baka kiligan ka bigla," alam ko namang malalaman niyang siya ang tinutukoy ko doon. Natahimik naman siya sa kabilang linya. Kunwari akong umubo, "You're smiling right now, aren't you?"

"No."

"You can't fool me."

"At bakit?" natatawang sabi niya.

"I just know you better,"

"And so I am,"

"Oh, so we do know each other already, magpakasal na kaya tayo?"

Forgive or ForgetWhere stories live. Discover now