Pele the dakilang istorbo!

27 6 0
                                    

PELE PHILIP'S POV

Peste! Oo talagang peste ang World Emperor na yun! Ilang buwan niya na ba akong ginagawang taga salo ng mga trabaho niya?! Wala na akong oras sa asawa at anak ko!

Ang sarap niyang ihagis sa kumukulong tubig! At talagang nangigigil na ako ha! Kakagaling ko nga lang sa meeting sa kabilang bayan.

Habang busy ako sa pagmmurder kay Rexous sa isip ko biglang tumunog ang techno phone ko.

"Ah si Hina. Ano kayang kailangan nito?" Agad kong binuksan ang message niya. At parang pumalakpak ang tenga ko sa nabasa!

Pele! Rescue! I can't go outside. Nabobored na ako rito sa bahay ni Rexous! Could you do something para makalaya ako sa kapit niya? Kulang nalang pati sa pagligo ko eh nakabuntot siya! As if mawawala ako. PELE! I NEED YOUR HELP!


"BWAHAHAHAHA! BWAHAHAHAHAHA! *coughs* ..*coughs*.. tangina nasobrahan pa ako. Hahahaha! Sa wakas makakaganti na rin ako!"
Hiyaw ko rito sa loob ng opisina ni Rexous mabilis akong nagbalot at lumabas sa opisina.






SOMEONE'S POV

Napatalon ako nang pabalyang bumukas ang pinto ng opisina ng Emperor. Nakita ko si Sir Pele na masaya at nagmamadali.

"TANGINA! WAHAHAHA! ARAW NA NG PAGHIHIGANTI! MATITIKMAN MO RIN ANG GANTI NG TAONG INALIPIN MO NG ILANG BUWAN! HAHAHA AKO'Y ISANG API NA KAILANGANG GUMANTI!"

Hiyaw ni Sir Pele. Natulala kaming mga nadaanan niya dahil masyado siyang masaya .

"Sino kaya ang tinutukoy ni Sir Pele" sabi ng kasama ko. Nagkibit balikat lang ako.

Nababaliw na siguro si Sir dahil sa naiwang kaliwa't kanang trabaho na dapat ang Emperor ang gumagawa.




ASHERTELLE HINA'S POV




Inis na inis ako rito kay Rexous ang sarap mag immortal form at ihagis ko siya sa kabilang bayan! Mula nang pumayag akong pakakasalan niya ako ay ang hayop na ito hindi na ako pinakawalan.

Sa pagtulog man o kahit saang sulok ng bahay niya ay nakabuntot siya! At punong-puno na ako!

I was born na may mahabang pasensya pero ngayon sagad na sagad na ang pasensya ko.

"Rexous pwede ba bumitaw ka muna at may gagawin ako." Inis kong tulak sa kaniya pero ang hayop umiling lang.

"No baby dito kalang" sabi sabay angat ng mukha.
Damn ito nanaman hahalik nanaman! Shit Pele nasaan ka na ba?! Lintek na yan!

Sa inis ko sinapak ko siya at tumilapon siya sa gilid. Pero bumangon lang siya na parang walang sakit na naramdaman nakangiti pa! Kung hindi ko lang kilala at mahal ang taong ito matatakot talaga ako sa ngiti niya! Tumabi siya ulit sa akin para humalik uli!

"Darn it! Rexous will you sto-" naputol ang reklamo nang pabalyang bumukas ang pinto ng bahay.

"HELLO PEOPLE! DID YA MISS ME!"
I smirked. Si Pele my bestfriend lang naman ang barumbadong pumasok sa bahay ni Rexous na walang paalam.

"Asdfghjkl!!!! Anong ginagawa mo rito ha, Pele?!" Badtrip na singhal nitong unggoy na nakakapit sa akin.

Nakapoker face lang ako dahil talagang sasabog na ako sa inis.

"Why? Bawal ba ako rito?" Inosenteng tanong niya. Damn gusto kong yakapin ang bestfriend ko dahil nandito siya.

"Oo sobrang bawal. I want to spend a day with my woman. Bakit ba nandito ka may kailangan ka?" Inis na sagot ni Rexous.

"Hoy animal! Aba magtrabaho ka! Tangina hindi ko na kayang magtrabaho ng 24/7 may pamilya ako! My daughter is mad at me dahil sa punyetang trabahong hindi ko trabaho!" Sigaw sa kaniya ni Pele at mabilis na hinila paalis si Rexous sa akin.

Nakahinga ako ng maluwag.

"So? Secretary naman kita ah" sabay na napatampal kami ni Pele sa noo sa letseng sagot niya.

"Curse you, Asshole! Hinahanap ka na nang mga kaalyado mo sa negosyo! Hindi ako ang kailangan nila kundi ikaw kaya magbihis kana! Tangina nasasagad na ako sayo ah!" Gigil na sabi ni Pele sabay hila kay Rexous palabas ng bahay.

Pero wala pa nakakalabas ng bahay bumalik siya sa akin para sana humalik.

"TRY TO KISS MY BESTFRIEND, REXOUS. PANIGURADONG WALA KA NANG NGUSO BUKAS NA BUKAS"  malamig na banta ni Pele.

Natigilan si Rexous sa aktong paghalik sa akin.
Pele's releasing killing aura!

Agad namang umakbay si Rexous kay Pele.

"Ito naman tara na buddy. Alam kong dami akong tatapusin na trabaho." Alanganing sabi niya kay Pele.

Pero dahil dakilang animal itomg si Rexous at ginamit niya ang speed niya para makahalik sa akin.

"Ok that's it" banggit ni Pele sabay hila kay Rexous at ibinalibag ito sa sahig bago hinila palabas.

So ang kinalabasan parang basahan ngayon si Rexous na hila hila niya papuntang sasakyan niya.

Pagkaalis nila ang nagbunyi ang kaluluwa ko. Yes! No Rexous around!

I gather my swords and my cat na inilabas ng hayop na dahil istorbo daw sa amin. Letseng yun pati mga familiar ko pinagseselosan!

At dahil malaya ako ngayong araw ay magliliwaliw ako.

"I AM FREE!"  Hiyaw ko sabay bihis.





PELE PHILIP'S POV



Wahaha pinapanood ko ngayon itong animal sa mesa niya. Tambak na papeles sunod sunod na meeting ang naghihintay sa kaniya.

"Pele! Damn! Help me here" ungot niya habang nagpeperma.

"No magdusa ka. Tapos na ang maliligayang araw mo hahahaha!" Malademonyong sagot ko.

Total masaya ako ngayon I will date my family. I already sent a message to my bestfriend na sa malayo siya mamasyal para hindi siya masundan ng animal na ito na akala mo kay Hina nakadepende ang buhay niya!

Serves him right. Aba! Anong akala niya libre amg serbisyo kong iyon hindi kaya. Sisingilin ko siya ng malaking halaga! Ha! Kala niya ha!

Ako ang bida ngayon! Alipin siya ng sarili niyang trabaho!

----------

My Legendary AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon