Chapter 1

80 8 1
                                        

Limang taon mula ng matapos ko ang pag-aaral ko. Limang taon narin akong naging traveler upang mahanap ang legendary ace na sinasabi ni mama sa akin bago siya kunin ng mga itim kamay

"Talaga?! Traveler ka? Tapos limang taon pa! Wow nakatagal ka ng ganun!" Sabi ni Ann. Narito ako ngayon sa bayan ng Feinie malawak ito at maraming trabahong pwedeng pasukan.

"May hinahanap kasi akong importanteng tao."Nakangiting tugon ko sabay tingin sa mga paa kong nakababad sa maligamgam na tubig dito sa public foot spa.

"Importante? Boyfriend? Asawa?" Natatawang tanong ni Avy. Umiling ako sa kaniya at natawa rin sa sinabi niya.

"Eh ano naman ang hinahanap mo, Hina? Inabot ka pa ng 5 years" tanong ni Ann.

"Ah. Mission ko kasing hanapin ang Legendary Ace yun kasi ang sinabi ni mama sa akin bago siya nawala" tugon ko. Nakita kong pagtataka sa mga mata nila habang nakatingin sa akin na parang kakaiba ang sinabi ko.

"Hina, alam mo bang story lang ang legendary ace? Bata pa kami rito naririnig na namin ang kwentong iyan." Sabi ni Ann. Gulat man ay hindi ko pinahalata sa kanila.

Napatingin ako kay Avy ng tumango siya.

"Tama si Ann, Hina. Walang taong mabubuhay sa loob ng 300 years. Ang mundo natin ngayon ay pinaghaharian ng numero alam mo yan. Pero ang sinasabi mong legendary ace? I don't think so that he or she exist in todays generation"  paliwanag niya sa akin.

Sasagot sana ako nang may kumalabit sa akin.

Marahan ko itong nilingon at nanlalaki ang mga mata ko nakamaskara siya ng weird.

Nagulat nalang ako ng lumuhod siya sa harap ko.

"Miss may pera ka ba? May pagkain ka ba? Nagugutom na ako" parang tangang tanong niya sa akin habang sinisilipan ako sa mini skirt ko!!!

"KYAAH! Manyak!"tili ko at sinapak ang mukha niya dumiretso siya sa tubig. Madali akong nagayos at tumalilis ng takbo.

Habang tumatakbo ako pakiramdam ko may nakasunod sa akin pagtingin ko.

0_0! Yung manyak humahabol dala yung weird na teddy bear! Shit! Kailangan kong makalayo!

"Miss teka! Oy maganda ka pala at cute! Libre mo ko pagkain! O pakasalanan mo nalang ako para makakain ako at may pera bibigyan kita ng maraming anak kapalit ng pagtulong mo sa akin! Miss hintay!" Nagsisisigaw niyang sabi.

Oh my gosh! Hinahabol ako ng isang baliw na weird!

"WAAH! Lubayan mo ko! Uwah! Tulong!" Sigaw ko.

Dahil malapit ng makahabol yung baliw sa akin.

Diretso lang ang takbo ko ng may sumigaw.

"REXOUS LITCH! ANIMAL KA! NANANAKOT KA NANAMAN NG BABAE!"

Napahinto ako at tumingin doon sa likuran ko.

Isang magandang babaeng short hair ang sumalubong ng suntok sa baliw na humahabol sa akin.

Tumilapon yung lalaki sa may puno. Hala! Katakot si Ate >_<!

"ARAY KO NANA!" hiyaw ng baliw.

"Animal na 'to umayos ka Litch!" Singhal ng babae. Saka binaling ang tingin sa akin. Agad niya akong nilapitan.

"Miss ayos kalang ba wala ba siyang ginawa sayo? Ako nga pala si Nana may ari ng mobile tavern na naroon sa malapit at yung animal na yun siya si Rexous Litch gwapong pangalan tarantado ang may ari pasensya kana." Nakangiting sabi ni Nana sa akin.

"Ashertelle Hina po ang pangalan ko ate Nana. Ayos lang po ako bukod po sa sinilipan niya" magalang kong tugon.

"Tontang yun nagsimula nanaman! Pero Wow! Ang unique naman ng pangalan mo-" naputol ang sasabihin niya ng lumapit nanaman yung baliw sa akin para kalabitin ako mabilis niya itong sinuntok ulit tumilapon nanaman si Rexous Litch.

"Napaka rare ang ganyang pangalan Ashertelle" patuloy na sabi ni ate Nana.

"Ah Hina nalang po Ate Nana" sabi ko na ikinasimangot niya.

"Nana lang Hina ayoko ng ate" sabi niya.

"Sige po Nana." Sagot ko.

Inaya ako ni Nana sa mobile tavern niya. Ang daming nagiinuman.

Ano kayang lasa ng alak. Umupo ako sa gilid at nagpasalamat ng binigyan ako ng makakain.

"Teka Hina anong ginagawa mo rito at dito ka napadpad? I mean ang babaeng kagaya mo ay dapat lamang na nasa bahay." Tanong ni Nana.

"May mission kasing ibinigay si mama bago siya kunin nga mga itim na kamay."sagot ko.

"Kamay? Ah! Baka abyss ang ibig mong sabihin, Hina. Yun ang mga itim na kamay. Once your count turns to zero the abyss will get you vanish into this world" natakot ako bigla ibig sabihin naging zero ang count ni mama kaya ganun?

"Sigeee na tay Amando~ hati na tayo sa pagkain mo sigeee naaa" agad kaming napatingin ni Nana doon.

Si weird guy pilit na humihingi ng pagkain sa matandang lalaki.

"Tay huwag mong bigyan ang hayop na yan magtutuos pa kami niyan" gigil na sabi ni Nana.

Grabe siya! ○_○ nakakatakot atang galitin si Nana.

Nilingon ako ulit ni Nana.

"Ano bang mission na yan Hina at parang matagal ka nang naglalakbay?" Tanong ni Nana.

"Sabi ni mama hahanapin ko raw ang legendary ace at ibigay sa kanya ito" sabi ko sabay pakita ng original stone kay Nana.

"Litch? Have you heard about the legendary ace?" Tanong ni Nana doon sa baliw.

Umiling ito nalungkot ako bigla parang walang patutunguhan ang paglalakbay na ito.

"Alam mo Hina. Ang legendary ace or aces ay isa lamang kwento. Sino bang tao ang mabubuhag ng 300 years? Wala naman diba kaya yung sinasabi ng mama mo ay pawang hindi totoo, Hina" sabi ni Nana. Natigilan ako at napayuko.

"Hina?" Tanong ni Nana.

"Ha? Ano ayos lang ako Nana. Ah Nana? Pwede ba akong magtrabaho rito sayo?" Nahihiyang sabi ko.

"Oo naman Hina total dumadami ng ang mga costumers ko pwedeng pwede kang magtrabaho sumama ka narin sa akin dahil sa iba't ibang lugar ako nagbebeta ng alak" napangiti ako kay Nana..

"Salamat Nana" sabi ko tinanguan niya na ako..

"Bukas na bukas din pwede ka nang magsimulang tumulong, Hina" nakangiting sabi ni Nana.

Mama mukhang dito na siguro matatapos ang mission ko narinig niyo naman po siguro ang sinasabi nila hindi po ba?

-----

My Legendary AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon