ASHERTELLE HINA

41 5 2
                                        

PELE'S POV


Akala siguro ni Rexous tapos na ako sa paghihiganti ko. Dahil nga siya na ang nasa office niya at balik na ako sa dati kong trabaho kasama si Lynn ay nagpaplano ako ng panibagong prank sa Emperor na yun.

"Dear? You up for the best prank?" Agaw ko ng atensiyon ng asawa kong busy sa pagcheck sa clipboard na hawak niya.

"Huh? Ano nanamang kalokuhan yan, Pele at kanino mo naman gagawin ang prank na yan?" Tanong niya saka siya lumapit sa akin.

I smirk then kiss her. "I want to see the Emperor's agonizing face again. You know masyado na siyang masaya ngayon. (`▽')" sagot ko.

"Loko! Ano nanamang klaseng prank yan. Ngayon palang natatakot na ako." Sagot niya.

"Well, bibigyan ko lang naman ng mission si Hina na hindi alam ni Rexous aaand~ dahil sa too much power na nasa katawan niya ay hindi kinaya ng puso niya. Since 2 weeks ang mission na yun ay makikita nanaman natin kung gaano kamiserable si Rexous." (ʃƪ¬‿¬) proud kong sagot sa asawa ko.

"Baka magsuicide si Rexous niyan." Takot na sabi ni Lynm

Natawa ako. "Hindi yan iisipin niyang forever na siyang single." Sagot ko.

"Ano ba kasing prank yan?" Curious niyang tanong.

"Malalaman lang pagumalis na si Hina." Sagot ko. Nag-ayos na ako ng gamit dahil magkikita kami ni Hina.

"Dear ikaw muna ang bahala rito sa lab pupuntahan ko lang yung isa pang lab dito sa bayan." Palusot ko saka ko siya niyakap at hinalikan

"Okay, Ingat ka." Sabi niya. Agad din akong lumabas. Tinext ko si Nana para naman hindi siya mag-alala na prank lang yun.

Pagdating ko sa park nakita ko kaagad ang pakay ko.

"Hina!" Tawag ko sa kaniya.
Nag-angat siya agad ng tingin.
Nakikipaglaro siya sa mga bata napailing nalang ako.

"Pele, bakit mo nga pala ako pinapunta rito?" Tanong niya nang makalapit ako.

"Nakapagpaalam kana ba kay Rexous na aalis ka para sa mission?" Tanong ko.

"Ah hindi pa, siguro mamayang gabi." Sagot niya.

"No, hindi ka magpapaalam, Hina" natatawang sabi ko.

(・・)
"Eh?! Bakit naman? Pele baka magalit yun." Confuse niyang tanong.

"Gusto ko siyang iprank ilang araw no ilang linggo rin akong naging alipin ng office niya. I want a revenge
(`▽')" I answered her.

Napailing siya.

"Mga kalokuhan mo and then what if magpapakamatay yun?"
(ㆆᴗㆆ) tanong niya.

"Hindi yan, Haha. So can you still produce a clone of your self?" Tanong ko.

"Oo naman hindi naman nabago ang character ng power ko." Sagot niya.

"So ganito ang gagawin mo since you have Prince. Maaga kayong aalis tapos iiwan mo ang clone mo as you." Sabi ko.

"And then?" Bitin niyang tanong.

"The rest is history." ヘ(`▽'*) malademonyong sagot ko.

"Hahaha. Kawawa naman yun, Pele. Pero ikaw bahala. Just don't let him kill his self." Sagot ni Hina.

Yes! She agree! Ang brute din niya minsan eh.

"Di ka magagalit?" Tanong ko. Umiling lang siya saka ngumiti sa akin.

"Masyado na bang boring ang buhay?" Natatawang tanong niya.

"Oo eh wala nang nakakatuwang eksena. Kaya naisipan kong iprank yung Ace na yun. Hehe" sagot ko.

My Legendary AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon