Chapter 43

17 6 0
                                        

Pele Philip's POV

Ngayon ang nakatakdang araw na babalik na kami sa Capital of Alacia.

Sakay ng mobile tavern na himalang hindi nasira ng labanang iyon kahit ang mga kabayo ay himalang hindi nadamay.

Tuwang tuwa nga si Nana eh nang makita naming pakalat kalat lang sila sa bayan.

"Maghihiwalay na tayo ng landas.. anong mga plano niyo sa buhay?" Nakangiting tanong ni Nana. Hindi sumagot yung tatlo.

"Ako siguro bubuksan ko ang laboratory ni tita at mama. Madaming naiwan ang dalawang iyon na makakatulong sa pagbabago ng mundong ito." Sagot ko.

Tumango si Nana. Naging tahimik ang biyahe namin. Hindi parin naman kasi maalis sa amin ang mga nangyari ng ganun nalang kadali.

Prince choose to be with Rexous kaya pinabayaan na namin. Kung inaalala niyo ang angel swords ni Hina ay hindi na namin alam kung nasaan ang mga ito mula nang matapos ang laban.

Siguro nga tapos na din ang misyon nila dito sa lupa at bumalik na sila kung saan man.

"Nana pakihinto nalang sa tabi" natigilan ako nang magsalita si Lynn napakurap ako ah nasa Blue village na pala kami.

Bababa na sana siya nang hinawakan ko ang kamay niya.

"Pele? Bakit?" Takang tanong niya ngumiti ako sa kaniya and she just blush! How cute.

"Mahihintay mo ba ako? Rexous and I will fix Mr. Schmerman mess in the Capital papalitan ang ibang rules na hindi dapat. Hindi ko alam kung gaano katagal yun. Pero Sarge Lynn mahihintay mo ba ako?" Seryoso kong tanong.

"Aw fuck! Did you just confess your feelings Pele?" Pang aasar sa akin ni Rexous.

"Argh! Shut up!" Singhal ko kay Rexous bago binalingan ng tingin ang namumulang sarge ng buhay ko.

"Kaya mo ba akong hintayin Sarge Lynn?" Kinakabahang tanong ko?

Nagkatitigan nalang kami wala pa rin akong nakuhang sagot sa kaniya. Until Nana broke the silent.

"Oh come on! Sarge ka ba talaga Lynn?! Let your feelings decide! Naku pag hindi ka sasagot diyan mapupunta si Pele sa ibang babae at magigi-" naputol ang sasabihin ni Nana nang tumayo ng tuwid si Lynn at seryoso akong tinignan kaya napalunok ako.

"I am willing to wait you Pele. Basta babalikan mo ako." Yun ang binitiwan niyang salita bago siya bumababa at hindi na ako tinapunan pa ng tingin.

Naghiyawan naman sila Nana dahil sa sagot ni Lynn. Napangiti ako.

Hina? Alam ko namang nakatingin ka sa amin eh. Salamat sa lahat. Salamat sa panibagong simula.

"Oy! Binata na siya!" Asar sa akin ni Rexous. Seeing him smiling like that na parang walang problema nakakainggit.

Alam ko namang gabi gabi niyang iniiyakan ang wasak na original stone niya at si Prince dahil yun nalang ang natitirang alaala niya at namin kay Hina.

Matapos kaming magpaalam kay LynN. Nagpatuloy na kami sa biyahe.

At buong biyahe namin ay walang imikan tama nga ako. Hindi na gaya ng dati na maingay ang biyahe dahil sa kakulitan at kainosentehan ni Hina.

Napayuko ako at napapikit.

Pele....Pele.... si Hina ito.......wag kayong magalala sa akin......someday... Pele.. someday

Agad akong nagmulat at inilibot ang paningin ko. Did I just heard Hina's faint voice in the air whispering?!

"Oh Pele para kang nakakita ng multo. Nandito na tayo" sabi ni Nana. Umiling nalang ako at nagpaalam sa kanila. Napatitig ako sa kabuuan ng Capital.

"I'm home" magkasabay naming bigkas ni Rexous.

"So bale magkikita nalang tayo Pele pag ipinatawag na kita. Ako ang uupo sa naiwang posisyon ni Mr. Schmerman para mapanatiling maayos at mapayapa ang pangkalahatan" sabi ni Rexous bago tinapik ang balikat ko.

" *nod* sure. This is our new beginning Rexous na wala siya. I hope her sacrifices will be worth it on your hand. Iniwan ka niya dahil may tungkulin ka hindi bilang legendary ace kundi huwarang kasintahan niya. So long buddy  'til you want to summon me." Nakangiting sabi ko tumango lang siya at ngumiti.

"Anyway here. Take this its Hina's picture kung sakaling mangulila ka" sabay abot ko ng litrato ni Hina sa kanya.

Pagkatapos ay sabay na kaming naghiwalay ng landas.

"Okay Pele Philip. This is your new life amd your new beginning that Hina wish for. Start your life in a peace. Tatapusin ko lahat ng mga hindi natapos ni tita at mama bago ako babalik sayo Lynn. Pangako yan" mahinang bulong ko.

---

My Legendary AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon