"Mama! Nasaan ka! Mama!" Sigaw ko habang hinahanap si mama sa loob ng bahay kaso hindi ko siya mahanap. Mabilis akong tumakbo sa likod ng bahay.
"MAMA!" Takot kong sigaw may mga itim na kamay ang humihila sa kanya papunta sa ilalim ng lupa. Tinakbo ko ang pwesto ni mama.
"Hindi anak diyan ka lang. Ito na ang katapusan ko, Hina. Pero may ipapagawa ako sayo pagnatapos mo ang pagaaral mo." Nakangiting sabi ni mama habang patuloy siyang hinihila pababa. Hinampas ko ng kahoy ang itim na mga kamay ngunit hinampas rin ako pabalik napaupo ako at umiyak.
Inabot ni mama ang kamay ko at may inilagay doong bola na kulay pula.
"Hina, a-anak. Hanapin mo a-ang legendary.....ace..nabuhay ito ng 300 years...at alam kong..narito siya.. sa-sa mundong to." Sabi niya habang umiiyak na nakahawak sa pisnge ko.
"Mama hindi ko kaya! Huwag kang umalis! Wala akong kasama!" Sigaw ko habang hawak hawak ang bola.
"Ma-may sasabihin ako sayo anak kong bakit buhay..pa ako sa taong ito imbes na patay..na...pero da-hil nagdadalang tao ako..at hawak ang original stone....tumagal ka sa sinapupunan ko ng 300 years.. anak..ikaw..ang..huling maghahanap sa taong yu-yun." Putol putol na sabi ni mama dahil dumadami na ang mga itim na kamay na humihila sa kanya.
"Pa-paano ko po siya hahanapin mama kung wala ka?" Humihikbi kong sabi. Pero ngumiti siya.
"Hina, ang taong yun..may sandatang...kasing taas ng tao...mabilis...at..malakas..meron siyang..puting bituin sa malapit na hawakan ng espada niya...." suminghap siya.
"At anak..ang paghahanap sa kanila dapat isa lang at kapag natagpuan mo....chose....your..own...Ace...that will be with you..mahal na mahal kita anak." Pumikit si mama. Napasigaw ako ng mas dumami yung mga kamay.
"Hu.hu.huwag mong.ha.ha.yaan..na..maubos.... Ang count.m.mo..anak..dahil ito ang mangyayari sayo..magingat ka anak. Mahal kita." Yun ang hiling salita ni mama bago siya tuluyang kinuha sa akin ng mga itim na kamay.
Kasabay ng pagpalahaw ko ng iyak ay siya namang kidlat at kulog sa kalangitan at pagbuhos ng malakas na ulan.
"MAMA KO!!!!! IBALIK NIYO ANG MAMA KO!! WAAAAH!" Puno ng hinagpis kong pinagpapalo ang lupa kung saan hinila si mama..
Ipinapangako ko po mama tatapusin ko ang pag-aaral ko gamit ang perang natira. Pagkatapos ay sisimulan ko na ang paghahanap lilisanin ko ang Magnolia Village para sa taong gusto mong hanapin ko.
Ipinapangako ko pong ibibigay ko sa kanya ang bola. Mananatili akong kasama ng taong yun.
Pangako mama gagawin ko ang huling hiling mo sa akin.
------
BINABASA MO ANG
My Legendary Ace
FantasyThis is the story of a 20 years old girl who is looking for the legendary ace who lives 300 years from now. She travels from town to town just to find the Ace. The reason was her mother gave her an original ball of stone which contains the real powe...