WE ARE LOVED!

2K 11 0
                                    

WE ARE LOVED!

Text: Luke 19:1-9

What is the “ONETHING” all human need more than anything else?

To know we are loved!

 

Kung wala tayong pagmamahal, mararamdaman natin na tayo ay walang halaga.

Kung wala tayong pagmamahal, mararamdaman natin na tayo ay hindi importante.

Kung wala tayong pagmamahal, mararamdaman natin na tayo ay walang silbi.

Ang mga tao ay kailangan ng…

Pagmamahal, maramdaman na siya ay kapakipakinabang, may halaga, importante at katanggap tanggap.

Nagiging basehan ng marami ang importansiya ng kanilang sarili at impluwensiya sa mga sumusunod:

  Pisikal na Pagkatao – Ako ba ay maganda/gwapo at may magandang itsura?

  Narating sa Buhay – Nagawa ko ba ang mga pangarap ko?

  Kagustuhan ng Tao – Ano ba ang iniisip ng ibang tao sa akin?

  Kayamanan at Kapangyarihan – Ako ba mayaman at makapangyarihan na?

 

Zacchaeus the Tax Collector

-Luke 19:1-9

Sa apat na basehan ng importansiya at impluwensiya, Si Zaqueo ay wala ng unang tatlong nasabi ang Pisikal na Pagkatao, Narating sa Buhay at Kagustuhan ng Tao; ngunit siya ay mayaman at makapangyarihan.

Sino ba si Zaqueo?

-tagasingil ng buwis.

-maliit

-mandaraya/manloloko

-mayaman

Tatlong katotohanan sa buhay ni Zaqueo.

1.    Si JESUS kilala ka Niya

Kahit gaanong kasama ka at ang maraming tao ay ganyan ang tingin sayo; Maniwala ka na Si JESUS ay nakikilala ka.

Luke 19:5

“Pagdating ni Jesus sa dakong iyon, siya’y tumingala at sinabi sa kanya, “Zaqueo, bumaba ka agad sapagkat kailangan kong tumuloy ngayon sa bahay mo.”

Bakit sa tingin mo ginawa ito ni Jesus kay Zaqueo?

Sa tingin ko dahil alam ni Jesus ang nasa puso ni Zaqueo, tulad ng alam ni Jesus ang nasa puso mo ngayong araw na ito.

Maaari kang umakyat sa puno o magpapansin tulad ni Zaqueo, na minsan sa buhay natin iniisip natin na hindi tayo kilala ni Jesus. Pero ang totoo, walang oras at panahon na ang Panginoon ay hindi pinikit ang mga mata sayo. Alam Niya ang bawat paghinga mo, alam Niya ang saloobin na mayroon ka ngayon at alam ng Panginoon ang lahat ng mga ginawa at ginagawa mo. Ganyan ka kamahal ng ating Panginoon. Kaya’t ating patuluyin ang ating Panginoon sa ating mga puso at isapamuhay Siya sa ating buhay.

The deepest expression of love is attention.

 

2.    Si JESUS itataas ka Niya

Madalas sinasabi natin, “Hindi ko makita ang value ko dahil sa mga nagyari sa aking buhay.”

Ngunit sabi ng Panginoon, “Nakikita ko ang value mo kahit na ganyan ang nangyari sa buhay mo.”

Luke 19:7

Lahat ng nakakita nito ay nagbulung-bulungan. “Nakikituloy siya sa isang makasalanan,” wika nila.

Kahit na maraming tao ang nagagalit, naiinis o pilit na binababa ang pagkatao ni Zaqueo, ngunit si Jesus patuloy na itataas si Zaqueo sapagkat hindi tinitingnan ng Panginoon ang nakaraan na buhay ng isang taao kundi ang nasa loob ng kanyang puso na magbago.

Huwag mong isipin na hindi ka kilala ng ating Panginoon. Tandaan natin na alam ng Panginoon kung ilan ang hibla ng ating mga buhok. Sa Lucas 12:7 Sinabi ni Jesus, “Maging ang buhok ninyo’y bilang na lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa mga maya.”

Marahil kung mayroong ‘wallet’ ang Panginoon nakalagay ang mga larawan natin sa Kanyang wallet. Ganyan Niya tayo pinapahalagahan.

Sa Isaias 49:16, Sabi ng Panginoon, “Pangalan mo’y nakasulat sa aking mga palad.”

-Kapag tinitingnan ni Jesus ang pilat sa Kanyang kamay nakikita Niya ang iyong kamay. Hindi na kailangan ng Panginoon na may larawan o picture ka sa kanya sapagkat nakasulat na ang ating mga pangalan sa pilat sa Kanyang kamay.

Kahit ang mundo ay binababa ka; tanging si KRISTO ang mag-aangat sayo.

3.    Si JESUS ay gusto ka

 

            Ang pinakamahirap sa lahat ay ang intindihin na kahit anong gawin natin sa ating buhay; ang Panginoong Diyos ay nais paring magkaroon ng personal na relasyon sa bawat isa dahil mahal Niya tayo.

Minsan sa ating buhay ay nagiging Zaqueo rin tayo. Nagagawa natin ang makasakit sa ating kapwa; ngunit si JESUS ang nais Niya ay “Baguhin tayo” kesa “Icondemn tayo.”

Nais sabihin sayo ng Panginoon Jesus ngayon na, “ Kilala kita, Mahal kita at gusto kita kahit na sa mga bagay na nagawa mo sa iyong buhay. Nais kong mahalin mo rin ako at magkaroon ka ng relasyon sa AKIN.”

 

 Remember the story of “Prodigal Son”.

Diba’t ang nakikita natin ay ang mga pagkakamali na ginawa ng ating kapatid, kaysa sa kagustuhan nila na magbago at muling bumalik sa kanyang Ama. Kapatid, ito ang nais ng Panginoon na Makita natin sa ating buhay na kung mayroon man na kapatid tayo na nais makilala ang Panginoon huwag natin silang pigilan, huwag natin silang husgahan, huwag nating tingnan kung ano ang kanyang nakaraan kung hindi ay makita natin ang puso na mayroon siya para sa ating Panginoon.

DISCIPLES OF CHRISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon