Kilala ko na si JESUS; hanggang dito na lang ba ako?
Verse: Jonah 3:2
"Go to the great city of Nineveh and proclaim to it the message I give you."Sino nga ba ang hindi nakakakilala kay Jonah/Jonas? Bata pa lamang tayo madalas na nating naririnig sa Sunday School at story ng ating teacher noong Pre School ang kwento ni Jonas na kinain ng isang malaking isda. Atin muling pagmulay mulayan ang istorya ni Jonas.
Basahin ang Book of Jonah/Jonas Chapter 1-3.
Warm up: "Separation Anxiety"
Kumuha ng 'nips' o maliliit na candy na may ibat-ibang kulay partihin ito sa miyembro na may pare-parehong bilang ng kulay ang bawat isa.
Pagbilang ng tatlo, sabay sabay itong paghiwalay hiwalayi bawat kulay gamit lamang ang isang kamay; pagkatapos ihiwalay ito ay isa isang ibalik sa dati. Ang unang matatapos ang siyang panalo at sa kanya mapupunta ang lahat ng mga candy. (Alamin natin abg kaugnayan ng ginawa nating activity sa buhay ni Jonas.)Ano ang mga katangian ni Jonas na nakita natin sa pagkakabasa natin ng kanyang kwento?
-Umalis at hindi sinunod ang Lord. (Natakot)
-Ayaw naligtas ang bayan ng Niniveh sa kanilang kasalanan. (Sakim)
-Inutusan siya ng Lord pero wala ang pagsunod. (Disobedient)Ano ang nangyari ng umalis si Jonas sa Niniveh at hindi sinunod ang ating Panginoon?
Minsan ba sa ating buhay naranasan natin ang ginawa ni Jonas? Inuutusan tayo ng Panginoon pero...
-natakot tayo
-tumakas
-hindi sumunodBakit nga ba ayaw nating sundin ang inuutos ng ating Panginoon? Kung talagang kilala na natin ang Lord bakit tayo natatakot? Ano ang mga dahilan mo?
-Nahihiya (Kinakahiya mo ba ang Lord mo)
-Natatakot (maliit lang ba ang pananampalataya mo at natatakot ka sa ibang tao at sa mga sasabihin nila)
-Walang time/busy (Sa ibang bagay may oras ka pero sa Lord wala)
-Tinatamad (Sa ibang bagay masipag pero sa pagshare ng Lord sa ibang tao hindi magawa) Paano kaya kung tamarin narin ang Lord na bigyan ka ng maraming blessing; pero hindi eh, mahal ka niya, mahal niya ako, mahal niya tayong lahat kaya nga ang Grace ng Lord binigay niya sa atin kahit hindi tayo karapat dapat sa pagmamahal niya.Bakit nga ba hindi tayo makamove forward sa ministry natin sa Lord? Ano nga ba ang mga dahilan natin? Hayaan nyong basahin ko sa inyo ang kadalasang dahilan ng ilang tao kung bakit di makamove forward sa ministry nila sa Lord.
"Kasi bata pa ako. Paggraduate ko na lang. Paggraduate mo, magtatrabaho ka sasabihin mo pagnagkatime ka, yung kaya ko ng imanage ang time ko. Tapos maggirlfriend/boyfriend ka, mga ilang buwan at taon mag-aasawa ka at magkakaanak. Tapos sasabihin mo iba na ang goal ko himbis na magshare ako ayusin ko nalang ang pamilya ko. Pagtanda ko, alam kong kaya ko pa hindi ko pa nakakalimutan ang promise ko sa Lord. Magwiwin ako ng soul para sa Kanya; Kaya ko pa kahit sa ganitong edad ko pero hindi na tulad ng lakas at sigla ko ng kabataan ko."
Ishare ang 'Story of Eagle and Chicken'
Isang araw may mag-anak na nagtungo sa isang probinsya na kinalakhan ng kanyang tatay. Sa lugar na iyon ay maraming manok na makikita. Isang umaga nagtungo ang tatay kasama ang kanyang anak na lalaki sa bundok at habang naglalakad sila nakakita sila ng pugad ng agila na may lamang itlog. Kinuha ito ng batang lalaki at paguwi nila isinama niya ito sa pugad ng mga inahing manok. Makalipas ang ilang linggo napisa ang itlog ng agila kasama ng nga itlog ng manok. Lumaki ang agila na inakala niya na siya ay isa ring manok. Isang araw habang ang nga manok ay naglalaro, nakita nila ang isang ibon na agila na lumilipad na mataas; silang lahat ay manghang mangha sa paglipad nito. Sinabi ng agila (manok) sana ako din makalipad tulad ng ibon na iyon; pero hindi ako makakalipad dahil ako ay isang manok. Lumaki at tumanda ang agila na akala nya siya ay isang manok. Hindi niya na gawa ang dapat niyang gawin. Nalaman niya na siya pala ay isang agila ng siya'y matanda ngunit hindi na tulad ng kabataan niya na kaya niya pang lumipad ng malayo at mataas.[Hindi na tayo bumabata, mabilis ang oras at panahon; kailan mo gagawin ang nais ng Panginoon? Sa panahon na matanda ka na?]
BINABASA MO ANG
DISCIPLES OF CHRIST
SpiritualTherefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit. -Matthew 28:19