TRANSITION IS CHALLENGING!
Verse: Deuteronomy 18:15-20
Transition- A change from one state or condition to another. (Webster)
Bakit ang Pagbabago ay nakakachallenge sa bawat isa?
Kapag may Transition kailangan ng leader at discernment upang maintindihan kung ano ang nais ng Panginoon na sabihin sa bawat isa.
Transition ay salita na maaaring sumubok sa atin o maaari ring magbigay sa atin ng kabalisahan. Ito ay tumatawag sa atin na magsakripisyo at sumunod sa nais ng Panginoon.
Marahil mahirap sa atin sa simula ang pagbabago lalo na at nakasanayan at nakamulatan mo nang gawin. Yung mga bagay na bata ka palang ginagawa mo na, yung mga bagay na pati ang mga nakakatanda sa iyong paligid ay madalas gawin ito at ikaw kailangan mo silang sundin dahil ito ay naging tradisyon ninyo.
Halimbawa:
-Nakasanayan mo ng maglaro ng computer games (dota, clash of clan at kung anu- ano pa). Hindi ba't mahirap para sa iba na baguhin ang kanilang nakasanayan dahil ito ay naging sistema na ng kanilang buhay.
-Nakamulatan na ng inyong pamilya ang relihiyon na inyong kinagisnan. Hindi ba't puro panghuhusga ang iyong matatamo kapag ikaw ay na "Born again" ng Lord, yung tipong sa bagong relihiyon mo nakilala ang Lord.
Tandaan natin ito: "Hindi tayo masesave ng relihiyon natin dahil tanging pagtanggap kay Kristo sa ating buhay ang ganap at nais Niya, ang ating relihiyon ang gagamitin ng Panginoon upang ihulma tayo at maging mabuting katiwala Niya."
Ang isang leader ay dapat ay sinusubok ang kanyang people na magmove forward at ichallenge ng leader ang people nya na lumabas sa kanilang comfort level o comfort zone at tulungan ang bawat isa na maggrow para sa kaluwalhatian ng Panginoon.
Maraming Bible Character ang Binago ang kanilang buhay para sa Panginoon.
(Magbigay ng ilang character sa Bible ang nagpabago sa Panginoon)
-Si Paul, isa siyang nang-uusig kay Kristo, pinapatay niya ang mga Kristiyano at nang maglaon ay naging disipulo ni Kristo ng ipakita ni Kristo ang dakilang Kapangyarihan ng Panginoon.
- Si Moses, na uutal utal hindi marunong humarap sa maraming tao ngunit nagpagamit sa Panginoong Diyos at nilead ang mga Israelites na makarating sa Lupang Pangako.
-Si David, isang kabataang tagapastol ng tupa ngunit dahil sa Kapangyarihan at Kadakilaan ng Panginoon ay naging Hari siya ng buong Israel.
Kailangan natin ng leader, yung leader na bigay ng Panginoon at hindi yung masabi lang na may leader ka. Madaling makakuha ng leader, pero mahirap makahanap ng tunay na leader lalo na ang inanoint ng Lord. Maraming bulaang propeta ang magsasabi na sila ang tanging makapagliligtas sa ating buhay at tanging relihiyon na sila lamang ang maliligtas ngunit tandaan nating tanging Si Hesu Kristo lamang ang daan at ang katotohanan walang makararating sa langit kundi sa pamamagitan Niya.
Ano ang pagbabago na nais ng Panginoon para sa iyo ngayong araw na ito? Magkaroon ka ng leader na maglilead sayo para mas lalo mong makilala ang Panginoon Diyos. Yung leader na hindi mo itataas ang ngalan ngunit susundin mo dahil inanoint sila ng Lord para sa people Niya. (Maaring youth leader sa church nyo, elders, pastor, senior youth, council) Basta't alam mong makakatulong siya para sa ugnayan mo sa Panginoon. Yung leader na maggaguide sayo para mas lumalim ka pa sa pananampalataya.
Tandaan mo: "Hindi ikaw ang hahanap ng leader para sayo tanging Panginoon lamang ang nakakaalam ng tunay na leader para sayo. Paano mo malalaman kung sino ang leader mo? Ipagpray mo, at irereveal ng Diyos ang para sayo."
Ano ba ang isang leader na bigay ng Panginoon?
1. Accoubtable sa lahat ng aspect ng buhay mo.
2. Knowledgeable at may wisdom mula sa Lord.
3. Obedient sa Lord.
BINABASA MO ANG
DISCIPLES OF CHRIST
SpiritualTherefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit. -Matthew 28:19