"Go and tell" or "Come and see"

3.2K 12 0
                                    

                         “Go and tell” or “Come and see”

Verse: Luke 14:15-24

Muli na naman nating gaganapin ang ating Spiritual Retreat. Ano nga ba ang motibo ng bawat isa sa ganitong uri ng Ebanghelisasyon, ito ba ay tradisyon na lamang ng bawat isa na taunang ginagawa natin o mayroon tayong nais ihatid sa mga taong dadako dito?

Warm Up:

          Pabunutin ng isang papel ang bawat miyembro ng Small Group na may nakasulat na “Go and tell” at “Come and see”.

          Ano ang pagkakaintindi nila sa kanilang nabunot ayon sa kanilang pagkakaunawa.

Ano ang pagkakaintindi mo sa pangungusap na,

          “The Bible does not tell the world to come to church. It tells the church to go to the world.”

 

          -ito ay inaccurate statement o kulang, bakit? Dahil sinasabi sa Biblia na “go and tell.” Ito ang nais ng ating Panginoon na ating gawin. Ang mga Kristiyano ay hindi dapat naghihintay sa mundo na makarating sa ating Iglesia at makilala ang ating Panginoon. Bilang Kristiyano tayo ay may initiative na share ang Good News ng Lord. Sa mga believers, Jesus says, “Go!”

          Ngunit sa naliligaw na mundo, Jesus says, “Come!”

Kapag may taong nagtanong sayo, kung bakit iba ka na ngayon sa dati o may mga taong nagtanong sayo nais malaman kung sino ba si Cristo, ito ang iyong sabihin,

                                   John 1:39 “Come and you will see!”

       

          Parehong “Go and tell” and “Come and see” ay makikita sa New Testament. Sa Lucas 14, nang ang ating Panginoong Jesus ay kinumpara ang buhay ng bawat isa sa isang “Ang Talinghaga ng Malaking Piging”, sa talinghaga pinakita ang mga servants na inutusan na magtungo sa mga tao, anyayahan at patuluyin sa tahanan upang kumain, at upang ang tahanan nila ay mapuno.

Paano natin irerelate ang “Go and tell” at “Come and see” sa ating darating na Spiritual Retreat?

Ikaw ba ang tao na bahala na ang leader ng church o officers na mag-invite.

Ikaw ba ang tao na puro excuses?

Ikaw ba ang tao na nais na maraming tao ang makakilala sa Panginoon?

Ano ang gagawin mo?

Nais kong ibahagi sa inyo ang apat na puntos na uri ng kabataan na nais nating makasama sa Spiritual Retreat nating darating.

1.   Kabataang nais magbreakthrough

Paano ka ba magbebreakthrough, simple lang kung tunay na tinanggap mo si Kristo sa buhay mo, tatalikuran mo na ang mga bagay na ginagawa mo noon na hindi maganda at hindi mo na ito muli pang babalikan.

2.   Kabataang nais maBorn-Again

Madalas pagsinabing Born-again pinagtatawanan ito ng mga tao, lalong higit ang hindi pa kilala ang Lord. Alam ba natin ang ibigsabihin ng Born-again? Ano ba ang ibig sabihin nito? Pag ikaw ang taong na born-again ibig sabihin ikaw ay bago ng nilalang. Ikaw ay lingkod na ng ating Panginoon.

3.   Kabataang nais makaranas ng Restoration

Restoration ibig sabihin nais mong panatilihin kung anuman ang init na mayroon ka ngayon.

4.   Kabataang nais magtransform

Kung nais mong magbreakthrough, nais mong maborn-again at nais mo ng restoration, ikaw ay makakaranas ng transformation sa buhay. Transformation na nais ng lahat na mangyari sa buhay natin.

    To believers, Jesus says, “Go!” But to the lost world, Jesus says, “Come!”

DISCIPLES OF CHRISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon