TRUE LOVE WAITS
(Ang Tunay at Tapat na Pagmamahal ay Nakapaghihintay)
Verse: 1 Corinthians 13:4-8
Sino sa atin ang naniniwala sa katagang “TRUE LOVE WAITS”? Bakit ka (naniniwala o hindi naniniwala) sa katagang ito. Sino ang nagnanais na makasama nya habang buhay ang taong mahal nya. Diba’t lahat tayo nag-aasam ng magandang buhay kasama ang taong minamahal natin, paano mangyayari ito? Mangyayari ito, Kung ikaw ay ‘MAGHIHINTAY’ sa tamang panahon na binigay ng Lord. (Mangagaral 3:1)
Sa panahon natin ngayon, tunay na ang mga kabataan ay mapupusok. Maraming bagay silang nais subukan, isa narito ang pagkakaroon ng kasintahan sa kanilang murang edad. Sa tingin mo tama ba na sa tulad nating Kristiyano at anak ng Diyos na nagbabasa at nag-aaral ng Banal na Kasulatan ng ating Panginoon ay makipagrelasyon sa murang edad, subukan ang mga bagay na hindi angkop sa pamumuhay natin, lumabag sa kautusan ng ating Panginoon?
Marahil sinasabi ng iba na ang pakikipagrelasyon ay isang “inspirasyon”, upang ganahan ka sa pag-aaral, maagang pagpasok sa school dahil makikita at makakasama mo siya, pag may problema ka may masasabihan ka at siguro dahil “in” ka sa ibang kabataan lalo na sa mga kaibigan mo. Ngunit paano kung “mag break-up kayo” ng kasintahan mo, paano na ang inspirasyon mo baka ito ay maging “distraksiyon”. Ayaw mo ng mag-aral dahil makikita mo siya, liliit ang mundo mo dahil hindi ka na pupunta sa lugar na lagi nyang pinupuntahan at dinaraanan, hindi makakapag-isip ng maayos dahil siya ang nasa isip mo. (Magbigay ng iba pang sitwasyon na maipapahayag ang distraksiyon sa isang relasyon)
Epekto ng Pakikipagrelasyon
1. Pagkasira ng Pag-aaral at Pangarap- Maraming kabataan ang hindi nagiging maayos ang pag-aaral dahil sa ang laman ng kanilang isip ay hindi pag-aaral kundi ang taong kanilang minamahal. Maraming kabataan ang hindi nakapagtatapos ng pag-aaral at nahihinto dahil sa maagang pagsalo ng bagong responsibilidad.
Ang mga kabataang hindi makapaghitay sa tamang panahon ng pakikipagrelasyon ay nasisira ang mga pangarap sa kanila ng kanilang mga magulang. Na dapat ay pag-aaralin ng Kolehiyo ngunit dahil sa nasira ang tiwala ng magulang ay pinaghinto ito. Maraming mga pangarap ang hindi natutupad dahil mas inuuna pa sa priority nila ang kanilang karelasyon kaysa sa kanilang pag-aaral.
2. Maagang Responsibilidad- Anong responsibilidad ito? Ito ay ang maagang pagbubuntis. Maraming kabataan sa kasalukuyan ang nagbubuntis sa kanilang murang edad, wala pang muwang sa pag-aalaga at pagtatrabaho upang mabuhay ang anak. Kaya’t ang bagsak ay sa kanilang magulang aasa para mabuhay.
Malaking parte ng buhay ng isang kabataan ang nawawala sa kanila dahil sa maagang responsibilidad. Nakakapanghinayang isipin na ang panahon na dapat ay kasama nila ang kanilang pamilya at mga kaibigan ay nawawala, na dapat naeenjoy niya ang kanyang sahod pagsiya ay nagtatrabaho na, nakakapagbigay sa kanyang magulang, nakakabili ng nais niya at makakapunta sa kung saan niya naisin ngunit dahil sa bagong responsibilidad na ito ay lumiliit ang porsiyente na ito ay mangyari pa.
3. Pagkasira ng Tiwala- Dahil hindi tayo nakapaghintay nalabag natin ang utos ng ating Panginoon para sa ating lahat. Ang tiwala ng Lord sa atin na iingatan natin ang ating sarili at buong pagkatao, na ibibigay lang natin ang ating sarili sa taong pinakamamahal natin at makakasama panghabang buhay. (Ang Lord hindi Niya tayo pinababayaan na kahit ilang beses tayo tumalikod sa Kanya hindi Siya nagsasawang paalalahanan tayo.)
Tiwala ng mga magulang natin na ang kanilang pangarap sa atin ay nawala, na tayo ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan at magbibigay ng magandang buhay. Sa mga kaibigan natin na walang sawa ng pagbibigay ng payo sa atin sa maayos at tamang daan na dapat nating lakaran.
Tiwala ng mga tao na nakapaligid sa atin, na tayo ang kanilang huwaran at modelo sa pagbabago ng ating bayan. Maraming mga mata ang nakatingin sa atin na nagiging inspirasyon tayo sa maliliit na bagay na ginagawa natin ngunit dahil sa maling hakbang na ating tinahak masisira ang tiwalang ito na maaaring maging sanhi na gayahin din nila ang mga mali nating ginagawa.
Paano ba magkakaroon ng maayos na relasyon?
1. Maghintay- Kailangan nating hintayin ang taong inihanda ng Lord. Dahil ang Lord “best” na tao ang inihanda niya para sa atin. Huwag tayong magmamadali, wala tayo sa karerahan, mga bata pa tayo marami tayong makikilala at makakasalamuha na mas best pa sa inaakala natin para sa atin. Hintayin natin ang ibibigay ng LORD sa atin
2. Panalangin- Ipanalangin mo ang taong best na ibibigay ng Lord sayo. Huwag kang magsawang ipagkatiwala ito sa ating Panginoon. GOD HAS A PERFECT PLAN FOR YOUR LIFE. He knows the best for you.
3. Kristiyano- Pagkapwa natin Kristiyano ang ating magiging karelasyon, magiging maayos ang lahat dahil ang sentro ng inyong relasyon ay ang ating Panginoon. Pag ang Lord ang sentro ng isang relasyon, maraming bagay tayong hindi gagawin na hindi kalugod-lugod sa Kanyang harapan (Magbigay ng halimbawa). Maiintindihan ng isa’t isa ang ating ginagawa para sa Lord. (pag-attend ng activity, pagdedevotion, pagpapractice)
Paano kung hindi kapananampalataya ang minamahal mo? Ipanalangin mo ito sa ating Panginoon, ipakilala mo ang Lord sa kanyang buhay, turuan mo siyang magdevotion, ipakita mo sa kanya kung paano ka binago at kumilos ang Lord sa buhay mo.
“THE LORD IS PREPARING THE BEST LOVE STORY FOR YOU.”
BINABASA MO ANG
DISCIPLES OF CHRIST
EspiritualTherefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit. -Matthew 28:19