ADVANTAGE

2.1K 19 4
                                    

                                               ADVANTAGE

Verse: Filipos 3:7-16

Ang isang binatang sundalo at ang isang kumander ay magkasama  at nakasakay sa isang tren. Mamaya maya ay may sumakay na isang magandang dalaga kasama ang kanyang lola. Ang binatang sundalo at ang magandang dalaga ay

nagkatitigan at tila nagkaroon ng pagkakagusto sa isa’t-isa. Ang tren ay dumaan sa isang tunnel kaya’t ang buong paligid ay dumilim.

Sa tahimik na paglalakbay may dalawang tunog silang narinig. Una, ang tunog ng “halik”, ikalawa ay isang “sampal”. Ang lola ay hindi makapaniwala na hinalikan ang kanyang apo, “buti nalang at sinampal ng aking apo ang binatang ito.”

Ang kumander naman ay nakapag-isip na “hindi ko masisisi ang binatang ito sa kanyang ginawa sa dalaga, ngunit nakakalungkot na ako ang tinamaan ng sampal ng dalagang ito.”

Ang dalagang babae naman ay nakapag-isip ng ganito, “Natutuwa ako na ako ay kanyang hinalikan ngunit nalulungkot ako dahil sinampal siya ng aking lola dahil sa kanyang ginawa.”

At ng ang tren ay nakalabas sa tunnel at nakita na nila ang liwanag, ang binatang sundalo ay di matanggal ang kanyang ngiti sa kanyang nagawa. Ginamit nya ang pagkakataon na madilim ang paligid at hinalikan nya ang magandang babae at sinampal nya ang kanyang kumander.

Tulad ng binatang sundalo na ito, madalas nagtetake advantage tayo sa mga nangyayari sa ating buhay para makuha natin ang nais natin sa buhay o mafulfill natin ang purpose natin sa ating buhay.

Tama na dapat magtake tayo ng advantage sa ating buhay ngunit in a good way na nais ng Lord sa atin at hindi ang nais natin.

Walang sinuman sa atin ang nangarap na hanggang dito nalang tayo hanggang sa ating pagtanda. Nais natin na magkaroon tayo ng puno at nag-uumapaw na pagpapala mula sa ating Panginoon.

Filipos 3:7-16

Kapag ating inintindi at isinapamuhay ang tekstong ito ay ating masusumpungan ang mga oportunidad na binigay ng ating Panginoon sa bawat isa. Maging tayo man ay dumadating sa mga pagsubok ng buhay.

Si Pablo ay nagbigay ng Tatlong Pamamaraan sa tekstong ito kung paano natin maisasapamuhay at magkaroon ng magandang buhay kasama si Kristo.

1.    Dapat alam mo ang iyong “PURPOSE” sa buhay o ang dahilan kung bakit ka nabubuhay sa mundo.

Ano ba ang iyong “purpose sa buhay”?

-magkaroon ng magandang buhay ang aking pamilya.

-makatapos ng pag-aaral at makatulong sa pamilya.

-matupad ang lahat ng aking pangarap sa buhay.

Yan ang ilan lamang sa tinatawag nating “Secondary Purpose”

Ano ang iyong “Primary Purpose in life”? o Ano ba ang pangunahing dahilan kung bakit ka nabubuhay?

-lahat ng nilikha ng ating Panginoon ay may primary purpose o dahilan maging ito man ay maliit o malaki, may buhay o wala ay may dahilan ang Lord sa Kanyang mga nilikha.

Halimbawa:

Lupa, tubig, halaman, mga puno, mga hayop, mga tao at lahat ng mayroon tayo sa mundo ay may purpose.

Ano ba ang Primary Purpose ng isang ballpen? Diba para ito ay makasulat.

Paano kung bumili ka ng Gold Engraved Pen na walang ink? Maganda ito kung tutuusin ngunit ito ay hindi pa mapapakinabangan; dahil  hindi pa nya nagagawa ang purpose nya bilang isang ballpen. Ito ay useless.

Filipos 3:10-11

Ayon sa sulat ni Pablo ang tekstong ito ay nagsasabi na dapat nating makilala si Kristo at maging katulad Niya (Christlike).

2.    Kalimutan ang Nakaraan

Filipos 3:13

-Bilang isang mananampalataya dapat nating kalimutan ang ating nakaraan lalo na at ito ay mali.

-dapat nating kalimutan ang nakaraan at huwag ng magpatili dito harapin natin ang kasalukuyan nating buhay, ang buhay kasama ang ating Panginoon.

-It’s over, it’s done, it’s gone. Forget it and move on.

Ilustrasyon:

Si Jose ay isang basketball player, Championship na; at ito na ang panahon na pinakahihintay ng lahat. Sa paglalaro ni Jose ay hindi siya makapagbigay ng magandang puntos para sa kanyang mga kagrupo hanggang matapos ang half time. Nagkaroon ng time out at ang lahat ay nagpahinga muna sa locker room.

Sa isang sulok nandoon si Jose na malungkot at nag-iisa. Magsisimula na ang Second Half at ang lahat ng kanyang kagrupo ay nagtungo na sa court, naiwan si Jose sa Locker Room. Ito ay nakita ng kanyang coach siya’y tinanong, “Bakit ka malungkot Jose”, sambit ng coach. “Ayoko na coach, di ko na kaya; ako ang nagpapatalo sa grupo natin”, sambit ni Jose. “Jose, wag kang mawalan ng pag-asa half time lang ang natapos at may second half pa, hindi pa tapos ang laban. Bahagi ka parin ng grupo”, sabi ng coach.

Sa buhay natin half time palang ang natatapos. Huwag tayong mawalan ng pag-asa kung ang pakiramdam natin ay talunan tayo, kung hindi pa natin nakukuha ang mga pangarap natin sa buhay, hindi pa tapos ang buhay. Kalimutan natin ang nakaraan, magpatuloy tayo sa journey na inihanda ng ating Panginoon.

Ang Panginoon kinalimutan Niya ang dating tayo, ang tinitingnan ng Lord ay ang bagong tayo, bagong anak ng Lord na naBorn Again sa Kanya.

Lagi nating tandaan ito: “God never consults your past to determine your future.”

3.    Harapin ang Kasalukuyan Filipos 3:13

Madaling mamuhay sa ating nakaraan, madaling mangarap para sa ating hinaharap. At isang tunay na pagsubok ang kasalukuyan, dahil hindi na natin kailangan pang sambitin ang “Sa isang araw ko na lang gagawin…”, “Bukas na lang…”, “Babawi na lang ako sa susunod…”, “Sa pagtanda ko nalang ako  lalapit sa Lord…”

Juan 11:1-27 Ang Pagkamatay ni Lazaro

v.21 Sinabi ni Marta, “Panginoon, kung kayo po’y narito, hindi sana namatay ang aking kapatid…”

v.23-24 “Muling mabubuhay ang iyong kapatid,” wika ni Jesus. Sumagot  si Marta , “Nalalaman ko pong siya’y mabubuhay uli sa huling araw, sa muling pagkabuhay.”

-Alam ni Marta na ang Panginoong Jesus ay may kapangyarihan sa nakaraan, alam rin ni Marta na may kapangyarihan si Jesus para sa hinaharap ngunit si Marta tulad ng marami sa kasalukyang panahon ay nag-aalangan sa kapangyarihan ng ating Panginoon para sa kasalukuyan.

-Makapangyarihan ang Panginoon sa ating nakaraan, katunayan na rito ang Kanyang pagliligtas sa ating mga kasalanan sa Krus ng Kalbaryo at pagkalipas ng tatlong araw ay muling nabuhay. Naniniwala tayo na sa ating hinaharap ang ating Panginoon ay muling magbabalik sa lupa upang tayo’y Kanyang dalhin sa Kanyang kaharian. Ngunit bakit sa kasalukuyan hirap tayong maniwala sa Kanya at sa Kanyang mga Salita.

Juan 11:26 at sinumang nabubuhay at nananalig sa akin ay hindi mamamatay kailanman . Pinaniniwalaan mo ba ito?”

v.27 “Opo, Panginoon!” “Nanalig ako sa inyo. Kayo po ang Anak ng Diyos, Ang Mesias na inaasahang paparito sa sanlibitan.

“Not Just Yesterday, Not Just Tomorrow, But Today I believe that you are the Christ.”

DISCIPLES OF CHRISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon