Get up, take your mat and walk

2.1K 14 2
                                    

                                         'Get up, take your mat and walk'

Marcos 2: 1-12 (Bagong Magandang Balita Biblia)

Pinagaling ni Jesus ang Isang Paralitiko

               1 Pagkalipas ng ilang araw, bumalik si Jesus sa Capernaum at kumalat ang balitang siya'y nasa bahay. 2 Nagkatipon doon ang napakaraming tao, kaya't halos wala nang mapwestuhan kahit sa labas ng pintuan. Habang nangangaral si Jesus, 3 may dumating na apat na taong may dalang isang paralitiko. 4 Hindi nila mailapit ang paralitiko kay Jesus dahil sa dami ng tao, kaya't binakbak nila ang bubong sa tapat niya at ibinaba ang paralitikong nakaratay sa higaan. 5 Nang makita ni Jesus kung gaano kalaki ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, "Anak, pinatawad na ang mga kasalanan mo."

               6 May nakaupo roong ilang tagapagturo ng Kautusan na nag-isip nang ganito: 7 "Bakit siya nagsasalita nang ganoon? Nilalapastangan niya ang Diyos! Hindi ba't ang Diyos lamang ang makakapagpatawad ng kasalanan?"

               8 Alam ni Jesus ang kanilang iniisip kaya't sinabi niya agad, "Bakit kayo nag-iisip nang ganyan? 9 Alin ba ang mas madali, ang sabihin sa paralitiko, 'Pinapatawad na ang mga kasalanan mo,' o ang sabihing, 'Tumayo ka, bitbitin mo ang iyong higaan at lumakad ka'? 10 Ngunit upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan dito sa lupa..." sinabi niya sa paralitiko, 11 "Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka na!"

               12 Tumayo nga ang paralitiko. Kaagad nitong binuhat ang kanyang higaan at umalis habang ang lahat naman ng naroroon ay namangha. Sila ay nagpuri sa Diyos at sinabi nila, "Kailanma'y hindi pa kami nakakita ng ganito!"

 Mga Tauhan sa kwento:

1.   Taong may sakit o karamdaman – Paralitiko

Sino ba ang sinasabing “isang taong may sakit” sa story? Siya ay walang iba kung di ang paralitiko.

Paano ba natin masasabi na ang isang tao ay paralitiko? Ano ba ang paralitiko para sa inyo? Ano ba ang kanyang katangian? Ito ba yung tao na di makalakad o sinasabi nating walang silbe o pakinabangan.

            Tayo bilang isang buhay, nakakakita, nakakarinig, nakakapagsalita, masasabi ba natin na tayo ay paralitiko din? May mga tao kahit nakakagalaw ng maayos at nakakapag-isip ay masasabi nating paralitiko, ito ay ang mga tao na wala sa ating Panginoon. Paralitiko sila dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa, Paralitiko ang mga taong di nakakakilala sa Panginoon natin, na nagligtas sa bawat isa sa Krus ng Kalbaryo. Paralitiko ang taong alam kung ano ang ibigsabihin ng tama at mali ngunit patuloy paring ginagawa ang di kalugud-lugod sa harapan ng Lord.

2.   Mga taong may puso sa kapwa – Apat na taong tumulong sa paralitiko

Ayon sa story sila ay apat na ordinaryong tao lamang na may malaking puso para tumulong. Tingnan mo, ordinaryong tao lamang sila tulad ng bawat isa sa atin, ngunit malaki ang naitulong nila sa paralitiko upang ito ay gumaling. Tulad natin di natin kailangan ng pangalan sa komunidad natin bago tayo tumulong,  di natin kailangan na maging guro, doktor, nurse at abogado bago tayo tumulong kahit tayo ay ordinaryong tao lang maaari tayong makaimpluwensya at makapagbago ng buhay ng ating kapwa.

 

Ugali ng Apat na Taong may Puso sa Kapwa

DISCIPLES OF CHRISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon