YOU LOOK BIGGER

2.3K 22 4
                                    

  YOU LOOK BIGGER

Verse:Filipos 4:13

 

          Gaano nga ba kalaki ang pagkakakilala mo sa ating Panginoon? Sino ba ang ating Panginoon? (magshare ng pagkakakilala ng bawat isa sa ating Panginoon)

Ikaw ba ang tao na madaling sumuko sa lahat ng mga problemang dumarating sayong buhay, ikaw ba ang tao na madalas maisip na nag-iisa ka lang at walang kasama o ikaw ang tao na madalas nakagagawa ng masama o hindi maganda sa kanyang kapwa?

Alam mo ba kapatid, na ang ating PANGINOON ay MALAKI, malaki pa sa iniisip mo, malaki pa sa inaakala mo. Hindi mo masusukat kung ano ang kaya Niyang gawin sa iyong buhay, hindi mo masusukat ang kapangyarihan Nya na mapgtagumapayan mo ang mga naisin mo sa buhay, hindi mo masusukat ang kabutihan Nyang taglay na patawarin ka kahit sobrang dami mong kasalanang nagagawa sa Kanyang harapan, hindi mo masusukat ang katapatan Nya na kahit ilang beses kang tumalikod sa Kanya handa parin siyang yakapin at hagkan ka.

Ang mga problemang dumarating sa atin ay parte ng ating buhay upang mas maging matatag tayo at harapin ang bagong bukas na binigay ng Lord sa ating lahat. Kung ikaw ngayon ay may mga suliranin sa buhay, sa pamilya, pag-aaral, kaibigan, kamag-anak, sa kapit bahay huwag kang mawalan ng pag-asa, wag na wag mong iisipin na wala ng solusyon sa mga problema sapagkat ang ating Panginoon ay laging nandyan at handing tumulong sayo. Ang ating PANGINOON na MALAKI ang pag-ibig sa atin na hinding hindi Nya tayo pababayaan basta’t tayo ay manalig at ipagkatiwala ang ating buhay sa Kanya.

Dahil tayo ay anak ng Diyos, ikaw ay malaki “YOU LOOK BIGGER”. Bakit? Dahil anak ka ng Diyos lahat ng bagay ay iyong magagawa pagkat ang ating Panginoon ay malaki. Lahat ng darating na suliranin sa iyong buhay ay kaya mong pagtagumpayan, hwag na hwag kang mawawalan ng pag-asa. Malaki ka dahil may Diyos ka sa iyong buhay, malaki dahil isa kang ordinaryong tao na naging  espesyal sa lahat dahil anak ka ng Diyos at isinasapamuhay mo ang Kanyang mga aral.

Nawa’y maging MALAKING PAGPAPALA ang bawat isa sa ating pamilya, kaibigan at kapwa lalong higit maging MALAKING PAGPAPALA tayo sa ating PANGINOON.

DISCIPLES OF CHRISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon