The Lord's Anointing!

1.9K 12 0
                                    

                                          The Lord’s Anointing!

Verse: Awit 37:3-6

Umaasa ka sa Diyos, ang mabuti’y gawin, at mananahan kang ligtas sa lupain. Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo’y iyong makakamtan. Ang iyong sarili’y sa Diyos mo ilagak, Pag nagtiwala ka’y tutulungang ganap; Ang kabutihan mo ay magliliwanag, katulad ng araw kung tanghaling tapat.

1 Samuel 16:7

Ngunit sinabi sa kanya ni Yahwaeh, “Huwag mong tingnan ang kanyang taas at kakisigan. Hindi siya ang hinirang ko. Ang batayan ko ay di tulad ng batayan ng tao. Panlabas na anyo ang tinitingnan ko.”

“The Lord’s Anointing!”  ito ang ating pagsasalusaluhan ngayong araw na ito.

Ano ba ang ibigsabihin ng “anointing”?  Kapag sinabihan ka na “anointed ka” ibigsabihin ay “pinili ka” sa isang importanteng tungkulin. Pag pinahiran ka ng langis o tubig sa parte ng iyong katawan ibigsabihin inaanoint ka tulad ng ginawa ni Samuel kay David nang ianoint ng Panginoon si David para sa bansang Israel.

Ikaw, naniniwala ka ba na ang bawat isa sa atin na naririto ngayon ay inanoint ng Lord sa isang mahalagang tungkulin? Oo, tayong lahat na anak ng ating Panginoon ay pinili Niya na ipalaganap ang Kanyang mga salita sa mga taong naliligaw ng landas, inanoint ang bawat isa ng Panginoon para ishare ang lahat ng mayroon tayo sa ating kapwa.

Paano ba tayo iaanoint ng Lord? Anong katangian ba dapat mayroon ang inanoint ng Lord?

Nais kong makita natin sa isang simpleng laro kung ano nga bang katangian mayroon ang pinili ng Lord.

Ito ay bigyan natin ng pamagat na “DICE IS WISE”. Kinakailangan natin ng 2 Dice.

Paano ba laruin ang larong ito, una ipakita natin ng baliktaran ang numero ng dice, sa 1-6, 2-5, 3-4.

Alugin ang dice at pagdikitin ito, kailangan nating malaman ang numero na nasa loob ng pinagdikit na dice.

Halimbawa: ang numerong nasa dalawing dulo nito ay 4 at 6. Ang gagawin natin ay i-add o pagsamahin ang nasa loob ng dice ang kabila ng 4 ay 3 at 6 ay 1. Ibigsabihin 3 + 1 = 4.

Pagkatapos nating laruin ito, isa-isang tanungin ang bawat isa kung ano ang reflection nila sa ating ginawang simpleng laro. (Lahat ng kasagutan ay tama at walang mali, ito ay ayon sa kanilang pananaw)

Katangian ng Pinili ng Panginoon

1.    Heart for the Ministry (1 Samuel 16:7)

 Dapat may puso ka sa ministeryo mo sa Lord, pagkat ang puso ang nagsisilbing tulay mo upang maunawaan mo ang lahat ng nangyayari sa iyong buhay mahirap man ito o maganda. Kailangang bukal ang iyong puso sa paglilingkod sa ating Panginoon.

Ang Lord hindi siya tumitingin sa appearance ng tao kundi sa puso nito.

2.    Wait for the Lord’s Command

Tulad ng sa laro natin kanina, kailangang kaya mong maghintay kung kailangan irereveal ng Lord ang plano Niya sayo at hindi ka magmamadali na malaman ito, pagkat baka ang plano mo na ang nagagawa mo at hindi ang plano ng Lord sa iyong buhay.

3.    Devoted to his/her Ministry

Kailangang mayroong kang pagmamahal at pagpapahalaga sa ministry mo. Ginagawa mo ang lahat ng makakaya mo upang pagyabungin ang anumang mayroon ka o anumang kaloob ng Panginoon sayo.

4.    Stand firm and Never Give up

Bilang tao marami tayong pinagdadaanan sa buhay na mahirap at madalas naiisip nating maggive up nalang, ngunit lagi nating isipin na mayroon tayong Panginoon na handang itayo tayo sa panahon na tayo ay nadapa at buhatin tayo sa panahon na hindi natin kayang lumakad. Tayo ay pinili ng Panginoon sa ministeryong inihanda niya para sa atin sapagkat ang Panginoon ay naniniwala sa ating kakayahan, kaya’t mag “stand firm” tayo upang papurihan at maitaas ang Kanyang Pangalan. 

-Ito ay ilan lamang sa mga katangian na mayroon ang taong “anointed” ng Lord.

Awit 37:3-6

Umaasa ka sa Diyos, ang mabuti’y gawin, at mananahan kang ligtas sa lupain. Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo’y iyong makakamtan. Ang iyong sarili’y sa Diyos mo ilagak, Pag nagtiwala ka’y tutulungang ganap; Ang kabutihan mo ay magliliwanag, katulad ng araw kung tanghaling tapat.

            Ipagkatiwala mo sa Lord ang buhay mo at siya ang magliligtas sa iyong buhay at saan ‘mang dako ka makarating ikaw ay kanyang papatnubayan at anuman ang mga balakin mo sa buhay ang Panginoon ang iyong kasama. Nasa Panginoon ang kaligayahan na hinahanap mo at wala sa ibang bagay o tao, pag ang Panginoon ang nasa iyong puso tiyak na ang iyong mga pangarap ay iyong makakamtan. Kapag ang iyong buhay ay binigay mo sa ating Panginoon tiyak na magliliwanag ang iyong buhay at ikaw ay magiging ilaw ng lupain na inihanda ng Panginoon para sayo.

            Tandaan mong lagi na ikaw ay anak ng ating Panginoon. Kaya’t “Anointed ka!”

DISCIPLES OF CHRISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon