Disciples of Christ by:
James Ian Rivera Ramos @TheIdeaMaker
Naalala ko pa noong 14 years old ako, 3rd Year High School, naisip ko noong mga panahon na yun na gumawa ng isang book. Kasi na-inspired ako kay Rick Warren sa book niyang "Purpose Driven Life". Ang PDL, lagi ko siyang binabasa kasi by lesson siya, natapos ko siyang basahin at naging paborito kong book, every Friday mayroong activity ang UMYF at ang bawat lesson ng PDL ang topic kaya't lalo akong nainspired na gumawa ng book. Mas lalo pa akong nainspired dahil sa libro ni Pastor Proceso Marcelo ang "Hardin ng Panalangin", kasi libro na pala siya, noong bata pa ako (elementary days) napapakinggan ko lang ang Hardin ng Panalangin sa 702 DZAS dahil pinapakinggan ito ng aking Nanay Citang tuwing umaga bago ako pumasok sa school. Sarap mag-aral nun kasi nakapakinig ka ng mga Salita ng Lord, umagang umaga pa lamang. Kapag may birthday o debut ng kaibigan ko at classmates, PDL ni Rick Warren o Hardin ng Panalangin ni Ptr. Proceso Marcelo ang aking nireregalo.
Grabe ang anointing ng Lord! Grabe ang pagkilos Niya sa buhay ng bawat isa. Darating ang panahon na ibibigay Niya sa takdang panahon ang iyong naisin basta't maghintay ka lamang at huwag magmamadali. Unti-unti Niya itong tutuparin pagkat Siya ang iyong kasama mula pa noong una, ngayon at sa hinaharap.
BINABASA MO ANG
DISCIPLES OF CHRIST
SpiritualTherefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit. -Matthew 28:19