Theme: HARVEST TIME!
It’s time to reap!
Verse:John 4: 35-38
Wow! Today is the day of God’s greatest plan for all of us. This is the time to start a new journey, new vision and new mission for our ministry. Today is God’s Harvest Time!!!
Are you ready for God’s Message, Promise, Command, Warning and Application today?
Harvest in the Kingdom of God
Ano ba ang harvest o pag-ani? Ano nga ba ang susi para sa pag-ani? Ano ba ang aanihin? Sino ang aani? Lahat tayo ay nais umani, ngunit paano tayo aani kung hindi naman tayo nagtatanim. Tayo, mayroon na ba tayong tinanim? Siguro ito na ang panahon ng ating pag-ani. Ikaw, kailan mo balak magtanim?
“7 S TO HARVEST”
God wants us to be devoted to Him. MPCWA
1. Message: SEED
Kung walang buto walang itatanim at kung walang tinanim walang aanihin. Ang Salita ng ating Panginoon ang dapat nating itanim sa puso ng mga tao. Ang butong ating itatanim ay may malaking magawa sa buhay natin. Kahit ang buto na pinakamaliit ay kayang maging isang malaki at matatag na puno.
Kung irerelate natin sa buhay ng bawat isa, tayo ay isang maliit na buto na habang tayo ay nasa feeling ng ating Panginoon ay mas lalong tumatatag, sumisigla at lumalaki.
2. Promise: SEASON
Ang Lord may binibigay Siyang panahon sa bawat pag-ani, kung saan ang bunga ay maari na nating anihin. Kung ang bunga ay hindi naani sa tamang panahon ito ay maaring mabulok o masira. Tulad ng mga kaluluwa na nagtutungo sa tahanan ng ating Panginoon ay mayroon ding panahon ng pag-ani at kapag hindi natin ito naani sa panahon na binigay ng Lord ay maaari itong maligaw ng landas. Kaya’t maging aware tayo sa panahon ng binigay ng Lord wag nating sayangin ang pagkakataon na may madala tayo at maipakilala sa harapan ng Lord.
3. Command: SERVANTS
Sa panahon ng pag-ani kailangan ng Lord ng tagapag-ani. Sino ang tagapag-ani na tinutukoy ng LORD, ‘tayo’ yun na Kanyang anak. Dapat lahat tayo ay gumagalaw sa panahon ng harvest time at hindi iilang tao lamang. Ang oras ay dumating na para sa lahat ng believers ng Lord na maging aktibo sa pag win ng soul para sa Lord.
4. Warning: SOIL
Saan nga ba natin ihahasik ang mga buto?(Mark 4:8) Mayroong naghahasik sa tabi ng daan, ang iba ay sa batuhan ngunit madali itong mamatay. Ang itinanim sa mabuting lupa, ay namumunga, lumalaki at sumisigla at may namumunga ng tigtatatlumpu, tig-anim na pu at tig-isang daan. Importanteng i-prepare natin ang lupa bago ito hasikan ng buto. Ang puso ng mga tao na maghahasik ay dapat puspos ng Salita at aral ng ating Panginoon. Isipin nating mabuti kung saang lupa tayo maghahasik ng buto, wag nating ipasawalang bahala ang nais ng Lord sa bawat isa na makilala Siya ng buong sanlibutan. Wag nating hayaan na tayo ang maging dahilan kung bakit namatay at hindi lumago ang buto na ating itinanim.
5. Application: SACRIFICE
Sa pag-aani ng ating itinanim, marami tayong isasakripisyo. Ang mga anak ng Lord ay willing na isacrifice ang kanilang time, enerygy, money, pleasures na ating ibibigay sa panahon ng anihan. Kung mayroon mang tao na hindi nya kayang isacrifice kung anuman ang mayroon siya para sa Lord, ibigsabihin lang nito ay hindi pa siya handa sa pag-ani. Kailangan pa nating malaman kung ano ang maari nating ibigay sa Lord para sa ganitong uri ng ministeryo.
6. GOD’S Blessing: SHOWER
Ang ulan ay kailangan sa pagharvest. Bakit? Dahil ang ulan ay sumisimolo sa walang hanggang pagpapala sa atin ng Holy Spirit. Ang lahat ng ating pinaghirapan at ginawa ay mababalewala kung ang Holy Spirit ng Lord ay wala sa atin, walang mangyayari sa lahat nang ating plano.
7. Prayer: SURE HOPE
Kailangan may confidence tayo at mag expect tayo na mayroon tayong aanihin. Ang lahat ng ating pagtatrabaaho ay magkakaroon ng bunga dahil ang Lord ay kasama natin at hindi Nya hahayaan na masayang ang ating isinakripisyo. Inaassure tayo ng Lord na sa panahon ng anihan ay pagpapalain Nya tayong lahat.
Kung ikaw ay nawawalan ngayon ng tiwala sa sarili at nagkakaroon ka ng agam-agam sa nangyayari sayo, lagi mong tandaan na Malaki ang Lord natin at tuldok lang yan para sa ating Lord. Lagi nating tandaan na ang “Pagtatrabaho ng may Pananampalataya” ay may malaking pagpapapala mula sa Lord. Expect the unexpected, Lord has abundant blessing for all of us!
BINABASA MO ANG
DISCIPLES OF CHRIST
SpiritualTherefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit. -Matthew 28:19