See! Hear! Come!
Verse: 1 Peter 2:9
But you are a chosen people, a royal priesthood, a holy nation, a people belonging to God, that you may declare the praises of him who called you out of darkness into his wonderful light.
Tulad sa verse natin ngayon, tayo ang pinili ng ating Panginoon na papurihan at sambahin ang Kanyang Ngalan. Tayo na dati ay tumalikod sa Kanya at mula sa kadiliman ay Kanyang binago at dinala sa kaliwanagan ng buhay. Ganyan tayo kamahal ng ating Panginoon hindi Niya hinayaan na tayo ay malugmok sa kadiliman kundi hinango Niya tayo mula rito upang magkaroon ng buhay na kasiya-siya basta't buksan lamang natin ang ating mga puso at sundin ang Kanyang mga nais.
Nais kong ibahagi sa inyo ang isang ilustrasyon patungkol sa ating verse ngayong araw na ito.
Nakakita ka na ba ng LIGHTHOUSE?
Ano ba ang LIGHTHOUSE?
Ano ba ang mga katangian ng LIGHTHOUSE?
Ang lighthouse ay isang tore na malapit sa tabi ng ilog o dagat na nagbibigay ng liwanag o ilaw sa mga mangingisda, bangka at barko upang maiwasan ang trahedya sa karagatan. Nagbibigay rin ito ng signal sa lahat ng nasa karagatan at mga kabahayan na malapit rito.
Ano ba ang mga katangian ng LIGHTHOUSE?
-Nagbibigay ng ilaw sa dilim.
-Nagbibigay ng signal kung may parating na bagyo o sakuna.
-Nagsisilbing gabay ng mga mangingisda sa karagatan.
yan ang ilan lamang sa mga katangian ng lighthouse.
Nais ng ating Panginoon na Siya ang maging lighthouse ng ating buhay.
SEE (Makita)— Tulad ng lighthouse nais ng ating Panginoon na makita natin ang Kanyang liwanag. Liwanag na nagiging gabay natin saan man tayo magtungo. Malayo man tayo sa Kanya lagi Siyang nakatunghay sa atin upang tayo ay gabayan.
Nawa makita ng bawat isa ang kabutihan at pagpapalang ibinibigay sa atin ng ating Panginoon. Tayo man ay nasa kadiliman binibigyan tayo ng ating Panginoon ng liwanag upang hindi tayo maligaw ng landas at makita natin ng maayos ang tamang daan na ating patutunguhan.
(Dumating ka na ba sa pagkakataon ng iyong buhay na ikaw mismo ay naging liwanag ng iyong kapwa?)
HEAR (Marinig) — Ang lighthouse ay nagbibigay signal sa bawat isa kapag may parating na bagyo, may sunog o kaya naman ay may parating na tsunami agad itong tumutunog, nagbibigay ito ng babala upang malaman ng mga tao.
Nais ng Panginoon ng marinig natin Siya lalong higit ang Kanyang nais para sa ating lahat. Madalas ang Panginoon ay nagsasalita sa atin at nais Niyang ipagkatiwala natin sa Kanya ang ating mga buhay. Kung susundin natin ang kanyang mga sinasabi at ang kanyang mga babala ay magkakaroon tayo ng pinagpalang buhay.
(Dumating ka na ba sa iyong buhay na may sinasabi ang Panginoon sayo pero hindi mo Siya sinunod dahil ikaw ay natakot o nahiya?)
COME (Magtungo)- Tulad ng sinasabi natin kanina, isa sa katangian ng lighthouse ay ang pagbibigay ng liwanag. Kung makikita natin ang liwanag na taglay ng ating Panginoon para sa ating lahat ay hindi tayo maliligaw. Nais ng Panginoon na magtungo tayo sa Kanya dahil Siya lamang ang daan ng katotohanan at hindi Niya tayo hahayaan na malugmok sa kadiliman.
Maraming tao ang takot na magtungo sa Panginoon; ito ang mga taong hindi kayang tanggalin ang mga bagay na nagpapabigat sa kanila at kung bakit hindi makaalis sa kadiliman.
(Kailan mo tinanggap si Kristo bilang Panginoon at Tagapaggligtas 'Spiritual Birthday'? Bakit mo kailangan si KRISTO sa iyong buhay? Ano ba ang nagawa ni Kristo sa iyo ng ikaw ay magtungo sa Kanya? )
Mga kapatid, hayaan nating makita natin ang kabutihan ng ating Panginoon sa ating buhay, hayaan nating pumasok Siya sa ating mga puso at Siya mismo ang manguna at maging Hari ng lahat ng ating mga plano at desisyon sa ating buhay. Huwag tayong magbingi-bingihan; buksan natin ang ating mga tainga at pakinggan ang nais sabihin sa atin ng ating Panginoon. At kapag pinakinggan natin ang ating Panginoon kailanman ay hindi tayo mapapahamak kundi magkakaroon tayo ng buhay na pinagpala. Kapag nakita na natin ang liwanag ng Panginoon at pinakingggan natin at sinunod ang kanyang nais hayaan nating tayo ay magtungo sa Kanyang harapan at ipagpasalamat ang lahat ng bagay na ibinigay Niya sa atin.
BINABASA MO ANG
DISCIPLES OF CHRIST
SpiritualTherefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit. -Matthew 28:19