I 'AM A WARRIOR OF GOD
Verse: PSALMS 27:1-14
SINO ANG GUSTONG MAGING WARRIOR NG LORD?
PAANO MONG MASASABI NA IKAW AY ISANG WARRIOR?
Where your heart is - is where you really are.
WARRIOR!
Hindi tayo tinatawag na mahina, hindi tayo mahinang tagasunod ni Cristo kundi tayo ay tinatawag na WARRIOR ng Lord, tayo ay gap-standers/nasa gitna lang walang kinikilingan., tayo ay conqueror at defenders of truth/ kung ano ang tama ito ay pinaglalaban.
-Sinasabi ni Apostol Pablo na tayo daw na mga Kristyano ay naglalakad araw-araw sa mga pagsubok at mga labanan ng buhay.
Mga kapatid, ang mga kaaway ay ninanais na makidigma sa atin araw-araw. Nais ng kaaway na madapa tayo, matalo tayo, sirain ang pananampalatayang at lakas ng loob na meron ka, nais ng kaaway na sirain ang pangarap at ambisyon mo, at higit sa lahat ang kaaway nais niyang sirain ka ng buo.-dito natin makikita ang HEART ng isang Warrior. Dito siya papasok. Kung ang puso mo ngayon ay PUSO NG ISANG WARRIOR, dapat lagi kang handa sa kung anuman ang mga bagay na kakaharapin mo.
Ang PUSO ng isang WARRIOR
Nais kong ibahagi sa inyo ang Puso ng isang Warrior. Kung nais mong maging Warrior sa puso, nais ng Lord ng ibigay mo ang iyong puso at isip sa Kanya ngayong araw na ito.
Ang PUSO ng isang WARRIOR ay PUMOPROTEKTA.
Ang warrior ay pumoprotekta – Kung ang puso mo ngayon ay nais protektahan ang kanyang katabi, ang kanyang pamilya, ang kanyang kaibigan at ang kanyang kapwa, ibigsabihin meron ka ng Protective Heart.
Ang warrior na pinaglalaban ang katotohanan – Kung ikaw ay warrior na pinaglalaban ang pananampalatayang meron ka, Ang PANGINOON na meron ka, hindi ka nahihiyang ipakita sa pamilya mo na may Lord ka sa buhay mo ibigsabihin ikaw ay may Protective Heart.
Ang warrior na nasa gitna lang at walang kinikilingan - Kung ikaw ay warrior na ginaguard ang puso ng kanyang kapwa, at nasa gitna lang lagin at tinatama ang mali ng kaibigan ibigsabihin ikaw ay may Protective Heart.
TAYONG MGA TAONG NILIKHA NG PANGINOON AY DINESENYO NYA NA MAGING ISANG WARRIOR! – Ibigsabihin ay PUMOPROTEKTA!Ang PUSO ng isang WARRIOR ay NAGTUTURO NG TAMA.
Ang warrior ay nagtuturo sa ibang tao – Ano ang tinuturo sa ibang tao, ito ay ang pagsheshare ng Mabuting Balita sa mga tao. Hindi madamot na binabahagi ang kabutihan ng Lord sa ibang tao ibigsabihin ikaw ay may Teaching Heart.
Ang warrior ay minomodelo ang PANGINOON – Kung ikaw ay warrior na nakikita sa iyong buhay ang Panginoon, nakikita sayong mga gawa at salita ang Panginoon ibigsabihin ikaw ay may may Teaching Heart para sa people ng Lord.
Ang warrior na nagdidisipulo para sa Panginoon - Kung ikaw ay warrior na nagtetrain o nagmementor ng mga tao para maging disciple ng Panginoon ibigsabihin ikaw ay may Teaching Heart.
BINABASA MO ANG
DISCIPLES OF CHRIST
SpiritualTherefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit. -Matthew 28:19