We are the Fishermen of God

2.1K 11 0
                                    

                                                We are the Fishermen of God

Verse: Mateo 10:1-15

Naranasan mo na bang mangisda? Nakahuli ka na ba ng isda o naranasan mong hindi makahuli ng isda? Anong strategy ang ginamit mo para makahuli ng isda?

Bata pa lamang mulat na ang bawat isa sa trabahong kinagisnan ng ating mga magulang ito ang pangingisda. Isang hanapbuhay na nagtaguyod sa bawat isa upang makapag-aral at makakain ng tatlong beses sa isang araw.

            Masasabi kong ang mga mangingisda ng Binuangan, Obando, Bulacan ay “Best Fishermen” na nakilala ko. Simula pagkabata nakita ko na ang aking tatay, tito, kapitbahay at kabarangay kung paano sila nakakahuli ng maraming isda at mga lamang dagat. Kung minsan mayroong huli, minsan koonti, minsan naman talagang wala ngunit makikita mo sa kanila ang kasipagan at katatagan sa kanilang hanapbuhay.

            Sa aking paglaki narealize ko ang sikreto at strategy kung bakit nga ba maraming nahuhuli ang mga mangingisda: Sapagkat naiintindihan ng mga mangingisda ang isda. Nababasa nila ang alon at hangin at kanilang nalalaman kung saan mayroong isda; alam nila kung anong oras aalis ng bahay upang manghuli, oras upang mag-umang ng lambat, oras ng pag-iilaw sa mga baklad at alam din nila ang oras ng pagkain ng isda upang lumitaw. Madalas ang mga mangingisda ay umaalis ng gabi upang manghuli, paminsan minsan umaga ang alis para mangisda depende sa temperatura at panahon na mayroon tayo.

            Sa kabaliktaran, noong ako ay bata pa kasama ang aking mga kaibigan upang mangisda o mamansing wala akong strategy na ginamit upang makahuli ng isda. Basta’t hinulog ko lang ang tali ng pamansing na mayroong “paen na bulate” at naghihintay na mayroong kumagat at mahuling isda. May mga isdang kumakagat sa paen na nilalagay ko, ngunit madalas walang kumakagat o kaya naman ay nauubos lang ang paen ngunit walang nahuhuli, marahil dahil sa pananaw kong “take-it or leave-it attitude”. Siguro dahil mas interesado akong maglaro sa labas kasama ang mga kaibigan kaysa manghuli, kaya’t ang kinalabasan ay walang nahuli.

            Maraming Kristiyano sa panahon ngayon ang walang interesado sa pangingisda para sa mga kaluluwang naliligaw ng landas. Walang panahon para intindihin ang mga tao na nais ma win ang soul, at walang strategy kung paano mapapakilala ang Lord sa kanilang buhay. Nais maka win ng people para sa Panginoon na ang tanging strategy na gagawin ay kung saan siya komportable.

            Bilang Fisherman ng Lord hindi lang dapat na magshare ka ng Message mula sa Kanya, kung hindi ay kailangan mo ring gawin at sundin ang ang utos ng ating Panginoon. Naniniwala ako na ang nais ng ating Panginoon ay hindi lang sa kung ano ang sasabihin natin kung hindi ay kung paano natin ito isasapamuhay at ibabahagi sa iba. Tayo ay isa ring “paen” pagkat kapag inihulog tayo sa ilog ang mga isda ay lumalapit sa atin, at sa kanilang paglapit nawa makita nila ang Christlike sa ating buhay upang sila ay ating mahuli.

Warm Up: Ang miyembro ng Small Group ay bibigyan ng piraso ng mga papel na mayroong nakasulat na 1- 10.

Note: Ang activity ay hindi ko po mailagay, maari nyo po akong iPM para sa ilang kaalaman.

Tulad ng ating warm up, bago natin makuha ang mga nais nating makuha kailangan may strategy tayong gagawin para makuha ang mga ito, may materyales tayong gagamitin at higit sa lahat alam natin ang motibo ng ating ginagawa o alam natin ang ating goal. Para tayong isang mangingisda na nais makahuli ng maraming isda gagawin ang lahat upang maraming mahuli. Ngunit tandaan natin nasa ating paghuli kailangang alam natin kung paano ito ayusin ng tama pagkat kahit gaano ka kagaling manghuli kung hindi mo kaya itong ayusin balewala lang.

Paano Nga Ba Tayo Makakahuli Ng Isda (Mga taong wala sa presensiya ng ating Panginoon)

1.     Alam Mo Kung Para Saan at Kanino ang iyong Hinuhuli.

-Bago ka manghuli kailangan alam kung para kanino ang iyong huhulihin. Hindi para sa iyong sarili kung hindi para sa ating Panginoon. Kapag para sa Panginoon ang lahat ng ating gagawin, ang Panginoon ang kasama mo sa paghuli ng mga isdang nais mong hulihin. Siya ang magpoprovide ng lahat ng iyong pangangailangan.

2.     Alam mo kung anong uri ng isda ang iyong huhulihin

-Maraming iba’t-ibang uri ng isda dito sa mundo kailangang alam mo kung anong uri

ng isda ang huhulihin mo.

Bakit kaya kailangang alam mo kung anong uri ng isda ang huhulihin mo?

Kasi hindi mo maaaring hulihin ang “Talilong” gaya ng paraan mo sa paghuli ng “Bangus”? Maaring gumamit ka ng pamansing ngunit kapag gumamit ka ng lambat may ibang ‘mata’ ang lambat kung gaano ang laki ng huhulihin mo. Siete o 7 medya- bangus, 9-talilong, 11 o 12-asuhos.

            Nang ang ating Panginoong Hesu-Kristo ay pinadala ang Kanyang 12 alagad/disciples sa kanilang unang pangangaral, pinagbilinan Niya ang mga ito na: “Huwag kayong pupunta sa lugar ng mga Hentil, o sa alinmang bayan ng mga Samaritano. Sa halip ay hanapin ninyo ang mga nawawalang tupa ng sambahayan ng Israel.” –Mateo 10:5-6

3.     Pumunta sa kung saan ang mga isda ay kumakagat at gutom sa Salita ng Panginoon

-Aksaya lamang sa oras kapag may nakita kang isda ngunit hindi naman kumakagat. Ang matalinong mangingisda ay gagalaw at hahanap ng isdang kumakagat para mahuli (tama diba). Hindi naman ibig-sabihin na hindi kumakagat ay titigil ka na lamang dahil tiyak na magugutom din ito at tiyak na kakagat at iyong mahuhuli.

-isa pang instruction ng Panginoon sa Kanyang mga disciples ay: Mateo 10:14 “At kung ayaw kayong tanggapin o pakinggan sa isang tahanan o bayan, umalis kayo roon at ipagpag ang alikabok ng inyong mga paa.” Sinabi ng ating Panginoong Jesus na, huwag lang tayong magstay sa mga unresponsive na mga tao. Hindi lang tayo kukuha ng mga berdeng prutas, bagkos ay hanapin ang hinog na prutas upang ito ay ating anihin.

 

4.     Kailangan alam natin kung paano mag-isip ang mga isda

-Upang makahuli ng isda dapat alam natin ang kanilang habits, ang madalas nilang ginagawa at kung anong oras sila kumakain at pumupunta. Bakit kailangang alam natin ang mga ito? Pagkat mayroong mga isda na nais na nasa ilalim ng tubig, ang iba ay sumasabay sa agos ng tubig, ang iba naman ay nagtatago sa mga batuhan at ang iba ay nasa mga puno ng bakawan. Ang matagumpay na pangingisda ay nangangailangan ng abilidad na maisip kung ano ang kaisipang mayroon ang mga isda.

Bilang fisherman dapat naiintindihan natin ang lahat ng mga tao at alam natin kung paano sirain ang mga bagay na humahadlang sa kanila kung bakit wala sila ngayon sa presensya ng Lord

“Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi sumasampalataya. Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon.” –Colosas 4:5

–dapat ay ating maintindihan ang pag-iisip ng mga unbelievers upang sila ay ating mawin.

Paano natin maiintindihan ang pag-iisip ng mga unbelievers? Kausapin natin sila! Isa sa humahadlang sa mga “Nangagaral ng mga Salita ng Lord” ay ang mga mananampalataya ay binubuhos ang kanilang oras o panahon sa kapwa nila mananampalataya. Malimit silang makipagkaibigan sa mga taong hindi pa nakikilala ang Lord ng lubusan. Kapag hindi ka nagbigay ng oras o panahon sa mga unbelievers hindi mo maiintindihan ang mga bagay na naiisip nila.

DISCIPLES OF CHRISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon