CHRIST ABOVE ALL

3.3K 35 2
                                    

         CHRIST ABOVE ALL

 Verse: Roma 6:23, Roma 7:24-25, Efeso 2:4-10

Kung ngayong araw ang buhay natin ay kukunin na nang ating Panginoon, saan ka kaya mapupunta sa langit o sa impiyerno?

Paano nga ba tayo mamumuhay kasama si Kristo?

Handa ka bang mamatay ngayon? Isipin natin na tayo ay nasa kabaong, ang ating mga kaibigan at ating pamilya ay nakatingin sa atin, ano ang nais mong marinig sa kanila? (Bigyan ng oras ang CG members na mag-isip ng kanilang sasabihin)

Nanaisin ba natin na dumating ang panahon na pag nawala na tayo dito sa mundo ang marinig natin sa mga tao, “ahh ‘yang si Pepe yan yung sugarol, ‘yan yung basagulero, ‘yan yung lasinggero, yan yung sumasagot sa magulang, ‘yan yung mahilig gumala at batugan. Ganyan ba ang nais nating marinig sa kanila. Ayaw ba nating marinig na, “Alam mo ‘yang tao na ‘yan ang nagyaya sakin sa kapilya, ‘yan yung tao na nagpakilala sa akin na may buhay na Diyos na lagi nating kasama kaya’t tinaggap ko Si Kristo sa aking buhay, ‘yan yung tao na nagpaunawa sa akin ng pagpapakumbaba, ‘yan yung tao na naging sandigan ko sa oras na kailangan ko ng payo, ‘yan yung tao na ginamit ng Lord para pagpalain ang buhay ko at nang aking buong pamilya. Diba’t kaysarap mabuhay ng may Kristo ka sa puso mo. Ibang pagpapala ang nabibigay nito, nakakapagtouch ka ng heart ng ibang tao kahit sa simpleng paraan. Di mo alam nagiging malaking parte sa buhay ng bawat-isa. 

Ano ba ang pagkakaiba ng Langit at impiyerno?

Langit- isang paraiso, may masaganang buhay na naghihintay sayo. Walang hirap, walang problema, walang alalahanin. Walang hanggang buhay kapiling ang ating Panginoong Diyos.

Impiyerno- habang buhay na pagdurusa, araw-araw na pag-iyak, puro problema at sobrang init.

Dapat nating malaman na ang susi patungo sa Langit ay “Ang tanggapin Si Kristo sa ating buhay, Siya ang ating sariling Tagapagligtas.” Hindi tayo maliligtas ng ating mabubuting gawa sa lupa kung hindi naman natin tinanggap Si Kristo sa ating buhay. Dalawa lang ang patutunguhan natin Langit o impiyerno, hindi totoo ang purgatoryo, walang purgatoryo pag namatay ka, dito palang sa lupa ay huhusgahan ka na kung sa Langit ka o impiyerno.

           

   Paano nga ba tayo magiging buhay Kay Kristo?

1.    PAGTANGGAP KAY KRISTO BILANG TAGAPAGLIGTAS - Roma 6:23

Tayong lahat ay makasalanan. Walang perpektong tao. Dahil sa mga kasalanan natin binigay ng Lord ang kanyang bugtong na Anak upang lahat tayo ay mailigtas.

·         Tandaan natin: “Ang tao na hindi nagbigay ng kanyang buhay para Kay Kristo ay matatawag nating isang patay.                          

2.    MAYAMAN SA PAGPAPATAWAD - Roma 7:24-25

Ang Panginoon ay mayaman sa pagpapatawad, Mayaman ang Lord sa pagkaawa sa Kanyang mga anak.

Mercy- means ‘we don’t get what we deserve’, which is punishment. Hindi natin nakukuha kung ano ba ang dapat para sa atin. Ang Lord dahil maawain Siya sa atin ay hindi Niya tayo hinayaan na maparusahan kundi binigay Nya ang Kanyang buhay para sa atin.

Grace- means ‘we get what we don’t deserve’, which is salvation. Binibigay ng Lord sa atin lahat kahit hindi naman natin deserve ito. Dahil sa Grace ng Lord niligtas Niya tayo at kahit tayo ay makasalanan.

3.    MABUHAY PARA KAY KRISTO -  Efeso 2:4-10

Magpasalamat tayong lahat sa ating Panginoon dahil binigyan Niya muli tayo ng isang bagong araw para ipagtuloy natin ang misyon na nais Niya para sa ating lahat. Maging buhay tayo para Kay Kristo, mabuhay tayo upang pagpalain ang Panginoon, dahil araw-araw ay pinapapala tayo ng Lord, ito naman ang panahon upang ang Lord naman ang ating Pagpalain sa pamamagitan ng ating mga gawa.

       Nawa makita natin kung gaano kabuti ang Lord sa buhay ng bawat isa. Makita natin na hindi tayo makakarating sa kalangitan kung hindi sa pamamagitan ng pagtanggap natin Kay Kristo na ating tagapagligtas. Ibigay natin ang panahon natin sa ating Panginoon, wag nating sayangin ang panahon na nabubuhay tayo dito sa mundo, masayang sa mga bagay na hindi makabuluhan at patapon. Lagi nating tandaan na ang buhay pagna kay Kristo ay isang kayamanan na habang buhay mong pinanghahawakan.

DISCIPLES OF CHRISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon