Love of God
Verse: Galacia 5:22-23
Subalit ang bunga ng Espiritu Santo ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan at pagpipigl sa sarili.
Sa buhay natin, bilang isang mag-aaral, anak, kabataan at anak ng Panginoon ay mayroon tayong mga “priority” o prayoridad na madalas ay ating ginagawa o inuuna.
Ikaw! Ano ba ang iyong prayoridad sa buhay. Ano ang madalas na inuuna mo sa iyong buhay.
· Ano nga bang pag-uugali ang ating naisasapamuhay. May ibibigay ako sa inyong 4 na pamantayan ng bawat isa sa pagharap sa ating mga prayoridad sa buhay.
(Hardwork, Knowledge, Attitude, Love of God)
· Naranasan na ba nating sabihin ang mga salitang, “Ibibigay ko ang 100% ko.” Saang bagay mo madalas masabi ito? Nasabi mo narin ba ang mga salitang, “Ibibigay ko ang mahigit 100% ko.”
Ngayong araw na ito nais kong ipakita sa inyo ang mga bagay na madalas ay nagiging pamantayan natin sa pagharap sa ating mga prayoridad sa buhay.
(Bibigyan ang bawat isang miyembro (small group) ng papel na sasagutan.)
Sa tingin mo sa naunang tatlo (Hardwork, Knowledge, Attitude). Ano ang madalas nangunguna sa iyo at naisasapamuhay mo? At bakit?
- May makikita tayong mga titik (English Alphabet) may 26 letters at sa ilalim nito ay may numerong katumbas ito ayon sa pagkakasunod-sunod. Ating pagsamahin ang mga bilang na katumbas ng mga titik at malalaman natin ang porsyento nito.
A B C D E F G H I J
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10
K L M N O P Q R S T
11 12 13 14 15 16 17 18 19 20
U V W X Y Z
21 22 23 24 25 26
HARDWORK= 8 + 1 + 18 + 4 + 23 + 15 + 18 +11 = 98
KNOWLEDGE= 11 + 14 + 15 + 23 + 12 + 5 + 4 + 7 + 5 = 96
ATTITUDE= 1 + 20 + 20 + 9 + 20 + 21 + 4 + 5 = 100
LOVE OF GOD= 12 + 15 + 22 + 5 + 15 + 6 + 7 + 15 + 4 = 101
1. Hardwork (98%) – Marahil ang karamihan sa atin ay ito ang madalas ang nagiging pamantayan. Na maging masipag sa lahat ng bagay. Sa ating mga tao lalo na sa mga taong mataas ang pangarap, “hardwork” ang kailangan, para matupad at makamit ang naisin sa buhay. Hardwork ba ang nauuna sa ating buhay.
Sa ministry na binigay sa atin ng Lord, ito ba ang dapat na maging pangunahing
pag-uugali na mayroon tayo bilang isang Kristiyano at lingkod ng Lord?
2. Knowledge (96%) – Karamihan sa atin ay nag-aaral o kaya naman ay nagtatrabaho, kadalasan ay ating nabibigyan pansin ang katalinuhan. Dahil sa katalinuhan ng tao maraming bagay tayong naiisip na hindi na pala tamang gawin ng isang mananampalataya.
Alam mo ba na karamihan sa mga scientist ay Anti-Christ, dahil sa sobrang talino nila, naniniwala sila sa siyensiya na ang tao ay nagmula sa unggoy o ang mundo ay nabuo dahil sa iba’t-ibang teorya tulad ng Big Bang Theory.
Tama na dapat ay may talino ang bawat isa ngunit lagi nating tatandaan na gamitin natin ang talinong ito sa mabuti at sa hindi ikakasama natin at ng ating kapwa. Gamitin natin ang karunungang bigay ng ating Panginoon upang pagpalain Siya at ang ating kapwa.
3. Attitude (100%) – Sa tatlong ito, mas higit pala na kailangan natin na mayroon tayong magandang pag-uugali. Pag-uugali na magiging tulay upang mabago natin ang buhay ng maraming tao. Ngunit, tandaan natin na hindi dahil tayo ay may magandang pag-uugali ay tayo ay maliligtas na, kahit gaanong kabuti ka sa mundo, gaano ka kagenerous sa pagbibigay ng ikapu at tumutulong ka sa iyong kapwa ay ikaw ay maliligtas. Tandaan natin na dapat ay tanggapin natin Si Cristo bilang Panginoon at ating sariling Tagapagligtas.
4. LOVE OF GOD (101%) – Wow, totoo pala ang 101%. Ganyan tayo kamahal ng ating Panginoon, kaya Niyang ibigay ang higit pa sa 100%. Kaya’t tayo bilang anak Niya, dapat nating suklian ang pagmamahal ng Lord. Ibigay natin ang ating buong puso sa paglilingkod sa kanya. Huwag tayong maglingkod sa tao kundi maglingkod tayo sa ating Panginoon. Tandaan mo, tayo ay instrumento lamang ng Lord para ipangaral ang kanyang mga salita at hindi ang pangalan natin ang itaas kundi ang Pangalan ng ating Panginoon ang mapapurihan sa lahat ng pagkakataon.
Ating balikan ang teksto natin ngayon araw na ito.
Galacia 5:22-23
Subalit ang bunga ng Espiritu Santo ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan at pagpipigl sa sarili.
Pagbinigay natin sa ating Panginoon ang sarili natin, minahal natin Siya at sinunod ang lahat ng Kanyang mga pinag-uutos sa atin at hindi tayo naging tagasunod ng makamundong kalikasan ng tao, ay gagabayan tayo ng Espiritu Santo at lahat ng hakbangin natin sa buhay ay magiging mabunga. Tandaan natin na higit pa sa 100% ang pagmamahal ng Lord sa bawat isa sa atin kaya’t suklian natin ito ng higit pa sa 100% na makakayanan natin at iyon ay mahalin at tanggapin natin Si Cristo sa ating buhay.
BINABASA MO ANG
DISCIPLES OF CHRIST
SpiritualTherefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit. -Matthew 28:19