I WANT TO CHANGE

2.9K 28 4
                                    

I WANT TO CHANGE

Verse:Efeso 4:22-24 (Read the scripture and ask one or two questions)

 

Sino ba sa atin ang nagnanais na mabago ang ating pamilya?(away, paglalasing, inggitan, kahirapan) Sino ba sa atin ang nagnanais na mabago ang ating Barangay?(gulo, basura, chismis) Sino ba sa atin ang nagnanais na mabago ang ating bayan at bansa?(korapsyon, krimen, bangayan) Sino ba sa atin ang nagnanais na mabago ang buong  mundo?(giyera, patayan, climate change)

Diba lahat tayo ay nagnanais na mabago ang hindi magandang nangyayari sa ating mundo. Lahat tayo nagnanais nang maayos na buhay, walang gulo at krimen na nangyayari.

(Story)

*Si Pedro ay isang tao na mayroong nais na mangyari sa kanyang buhay. Ito ang mabago ang hindi magandang nangyayari sa mundo. Dahil sa kagustuhan nyang mabago ang mundo ay pinagpray nya ito sa ating Panginoon, makalipas ang ilang araw, linggo at buwan ay hindi parin nagbabago ang mundo, ganun parin ang mga nagyayari. Kaya’t naisipan ni Pedro na babaguhin nalang niya ang kanyang bayan at ang kanyang bansang Pilipinas,  siya ay muling nagpray. Pray, pray, pray, ngunit makalipas ang ilang araw, linggo at buwan wala paring pagbabagong nangyari sa kanyang bayan at bansa. Kaya’t naisipan nya na ang kanilang Barangay Binuangan nalang ang kanyang babaguhin, kaya’t siya’y muling nagpray. Pray, pray, pray makalipas ang ilang araw, linggo at buwan ay wala paring nangyari sa kanilang barangay. Nawalan na siya ng pag-asa na magkaroon ng pagbabago sa kanilang lugar. Hanggang sa maisipan niya na, “ahh alam ko na ang babaguhin ko ang aking buong pamilya.” Kaya’y siya’y muling nagpray. Pray, pray, pray, hanggang sa dumating ang ilang araw, linggo at buwan na wala paring magandang nangyayari sa kanyang pamilya. Sobrang nalungkot si Pedro dahil walang nangyayaring pagbabago. Hanggang sa dumating ang panahon na kanyang naramdaman na mayroong kulang sa kanyang sarili. Naisip nya na dapat pala ang kanyang sarili muna ang kanyang baguhin bago ang lahat.

Hindi mo mababago ang ibang tao kung ikaw mismo ay hindi pa nababago. Kaya’t sa ating sarili mismo magsimula ang pagbabago na nais natin.

  

PAANO BA MABABAGO ANG ATING SARILI?

1.   Mahalin mo ang iyong sarili -  dapat makilala mo muna ang iyong sarili. Madalas ibang tao pa ang nais mong makilala bago ang iyong sarili. Kapag kilala natin ang ating sarili malalaman natin ang tama at mali nating ginagawa. Kung mahal mo ang iyong pamilya, barangay, bayan, bansa at nais mo silang baguhin, unahin mo munang baguhin ang iyong sarili at susunod ng mababago ang nasa paligid mo.

 

2.   Pahintulutan mo ang iyong sarili na mabago – mababago tayo kung tayo mismo nais nating magpabago sa Lord. Ipaubaya mo lang sa Lord ang sarili mo, at ang Lord ang magbibigay sayo ng ninanais mo na pagbabago, pagbabago na hindi mo maiisip na magiging ikaw balang araw. H’wag mong hayaan na ganyan ka nalang, ninanais mo nabago ang iba, eh yung sarili mo nga di mo naman mabago.

Halimbawa: Nais mo silang magdevotion kung ikaw mismo di nagdedevotion.

3.   Maniwala na ang Panginoon ay laging nasa ating tabi – Ang Lord lagi Siyang nasa ating tabi, anumang mga pagsubok ang ating pinagdaraanan hinding hindi ka Nya iiwan. Ang Lord ang susi sa ating pagbabago, pag nasa presensiya ka ng ating Panginoon at nakikita sa iyong mga gawa, kilos at pananalita ang Lord susunod na ang pagbabago sa iyong pamilya, barangay, bayan at bansa.

Kaya’t simulan natin ang pagbabago sa ating sarili. Ikaw mismo nasa iyong kamay ang pagbabago.

DISCIPLES OF CHRISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon