TRANSFORM

2.3K 24 0
                                    

  TRANSFORM!

Verse: Roma 6:4

“Samakatwid, tayo’y namatay at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo upang kung paanong binubuhay na muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo nama’y, mabuhay sa isang bagong pamumuhay.”

Ano ba ang tema ng ating Spiritual Retreat? TRANSFORM!

Ano ba ang ibig-sabihin ng TRANSFORM?

-ibigsabihin ang TRANSFORM o TRANSFORMATION ay ang pagbabago na nangyayari sa buhay natin o ito ang pagbabago natin sa mga bagay na dati’y ating ginagawa na ngayon ay hindi na, mga mali na atin ng itinama dahil tayo ay binago na ng Lord  o tinransform na Niya.

Paano ba ako tinransform ng Lord? Marahil wala ako ngayon sa harapan ninyo ngayon kung hindi ako trinansform ng Lord, dahil sa pagbabago na ginawa Niya sa akin ay pinromote Niya ako na maging leader ng people Niya. Isang kabataan na dati rati’y umaattend ng S.R ngunit ngayon ay isa na sa mga nagsasalita kung paano ako binago ng Lord!

Ikaw handa ka ba sa TRANSFORMATION na gagawin ng Lord ngayong gabing ito?

Paano ba natin marereceive ang TRANSFORMATION na nais ng LORD sa bawat isa?

1.    PAGTALIKOD SA NAKARAAN! YOU NEED TO BREAKTHROUGH!

Paano ka ba magbebreakthrough, simple lang kung tunay na tinanggap mo si Kristo sa buhay mo, tatalikuran mo na ang mga bagay na ginagawa mo noon na hindi maganda at hindi mo na ito muli pang babalikan.

 

Kung nais mo ng Transformation, wag mong balikan ang mga bagay na sinuka mo na o tinanggal mo na sa buhay mo. Hindi ka lalago kung may mga bagay na humahadlang sayo hanggang sa kasalukuyan. Ang LORD pagtinanggap mo sa buhay mo, babaguhin ka Niya ng hindi mo namamalayan na iba ka na pala sa dating ikaw. Pagbabago na mas malaki pa sa iniisip o naiisip mo.

Tulad ka ng isang puno na hitik na hitik sa bunga at patuloy na lumalago sapagkat wala na ang mga damong ligaw na sumasagabal sa iyo upang lumaki at lumago ng maayos.

2.    PAGHARAP SA KASALUKUYAN! YOU ARE NOW BORN AGAIN!

Madalas pagsinabing Born-again pinagtatawanan ito ng mga tao, lalong higit ang hindi pa kilala ang Lord. Alam ba natin ang ibigsabihin ng Born-again? Ano ba ang ibig sabihin nito? Pag ikaw ang taong na born-again ibig sabihin ikaw ay bago ng nilalang. Ikaw ay lingkod na ng ating Panginoon.

Pag nasa Lord ka, maraming pagsubok ang pagdadaanan mo, dito ka patatagin ng Lord, kasi ang kalaban laging umaatake upang sirain ang pagbabago na bigay ng Lord. Kailangan mong harapin ang kasalukuyan at huwag mong takbuhan dahil ito ang magiging daan mo upang mas makilala mo ang Lord ng lubusan at ang iyong sarili.

Tulad ng isang palayok na patuloy na hinuhulma ng Lord upang maging bago at kapakipakinabang hindi lang sa kanyang pamilya, kapwa, kaibigan at maging sa paglilingkod sa Panginoon.

3.    PAGHAHANDA PARA SA HINAHARAP! YOU NEED A RESTORATION!

Restoration ibig sabihin nais mong panatilihin kung anuman ang init na mayroon ka ngayon.

Isang bagay na nangyari sa buhay ko na pagbabago ay ang pagkakaroon ng pangarap. Noong una, nang hindi ko pa lubos na kilala ang Lord wala akong masyadong pangarap, hindi ko nga iniisip ang mga bagay na nais ko sa future ko, ang nais ko ay pansarili lamang, yung magpapabago sa buhay ko at sa pamilya ko. Napakabuti ng Lord may ibang plano pala Siya sa ating buhay nais Niya na ang pangarap ko ay hindi lang para sa akin kung hindi para sa lahat ng people Niya. Ang Transformation ng Lord na nais sa bawat isa ang maipakilala Siya sa lahat ng tao sa mundo.

Tulad ng isang marathon, tayo ay tumatakbo para sa Lord dapat hindi tayo huminto, ang goal natin ay makatapos at manalo sa lahat ng mga pagsubok na ating pagdaraanan.

Ang Lord ang kasama natin noon, ngayon at sa hinaharap.

Sa ating tekstong binasa kanina,

Roma 6:4

“Samakatwid, tayo’y namatay at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo upang kung paanong binubuhay na muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo nama’y, mabuhay sa isang bagong pamumuhay.”

-Tayo ay makasalanan, lahat ng ating pagkakasala ay tinubos ng ating Panginoong Hesu-Kristo, dahil sa Kanyang magandang kalooban sa bawat isa at walang hanggang pagmamahal. Sa ating pagsisisi ay kanya tayong muling binuhay at na born-again at nagkaroon ng bagong pamumuhay kasama Siya.

“WE ARE TRANSFORMED BECAUSE OF GOD’S GRACE!

DISCIPLES OF CHRISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon