No I 'm Not Lucky! I'M BLESSED!

2.4K 27 2
                                    

 No I 'm Not Lucky! I'M BLESSED!

Verse:Bilang 6:24-26,

 

GOOD LUCK O GOD BLESS

I WANT TO BE BLESSED, AND I WANT OTHERS TO BE BLESSED AS WELL!

 

          Ano ba ang ibig sabihin ng “good luck”?

          Ano naman ang ibig sabihin ng “God bless”?

          Ano ba ang pagkakaiba ng salitang ito?

Ikaw ba ang tao na mahilig magsalita ng good luck sa kanyang kapwa o ikaw yung tao na mahilig magsalita ng God bless!

          Ikaw ba ay sinuwerte lang o tunay na pinagpala? Saan ka sa dalawang ito.

Good Luck- is success/good things or bad things that happen to you that do not come from your own abilities or efforts.

          Ibig sabihin ang magandang nangyari sayo o tagumpay na mayroon ka ngayon ay hindi galing sa sarili mong galing at kakayahan kundi sinuwerte ka lamang o sa madaling salita ay “nakatsamba” ka.

Halimbawa: Sumali ka sa isang contest at sinabihan ka ng isang tao ng “good luck”. Kapag nanalo ka, ibigsabihin lang nito ay nanalo ka dahil sa sinuwerte ka lang. (Magbigay ng iba pang sitwasyon patungkol sa good luck)

GOD bless- asks for God’s favour and protection for them.

          Ibig sabihin ang Lord ang gagalaw sa iyong buhay. Pagpapalain ka ng Panginoon na anuman ang iyong gagawin, Siya ang poprotekta sa iyo. Anumang tagumpay na mayroon ka ngayon ang Lord ang maybigay nito.

Halimbawa:Kapag ang isang tao ay may ginawang maganda sa atin, sinasabi natin sa Lord na bigyan siya ng reward. At sinasabi nating, “God bless you!” (Ibigsabihin, “Ang Lord ay bibigyan siya ng reward na pagpapala mula sa Kanya dahil sa magandang ginawa nito!”)

“Luck can be good or bad, a BLESSING is always good.”

1.       Zodiac Sign- Ikaw ba ay naniwala sa iyong Zodiac Sign. Nagbabasa ng Dyaryo para malaman ang iyong kapalaran. Kung anong kulay ang dapat mong isuot, anong numero ang suwerte sayo ngayon.

Kapatid, tanging ang Lord lang ang nakakaalam ng mga mangyayari sa ating buhay. Huwag tayong maniwala sa kapalaran natin na gawa lamang ng tao. (Magbigay ng pangyayari sa iyong buhay)

2.       Charms- Ikaw ba ay mayroong mga bato na magpapasuwerte sayo sa buong taon at magkakaroon ka ng maraming pera o anting-anting na nagsasabing hindi ka dadapuan ng kahit anumang sakit at hindi lalapitan ng masamang maligno.

Kapatid, hindi totoo ang mga “lucky charms” ang mga Chinese lang ang mahilig dyan, dahil kasama yan sa kanilang paniniwala sa kanilang sariling panginoon. Ikaw ba ay Chinese, sumasamba ka ba kay Buddha? Sino ba ang iyong sinasamba? Kung Kay Kristo ka sumasamba, Siya ang iyong paniwalaan at hindi ang mga bato na ang Lord din ang may likha.

3.      Panghuhula at Magic- Ikaw ba ay naniniwala sa mga hula at magic, sa guhit ng iyong mga palad na ikaw ay yayaman at magkaka pera, hahaba ang iyong buhay at mayroong magandang manyayari sa iyong buhay ngayong linggong ito at mga bagay na hindi kapani-paniwalang iyong masasaksihan.

Kapatid, tunay na may mga manghuhula at magikero ngunit ito ay gawa ng evil o ng kasamaan. Wag agad-agad maniniwala sa mga hula sa iyo. Ang magic ay isang uri ng panloloko sa kapwa, nililinlang nito ang ating pag-iisip.

          Mga kapatid, hindi tayo sinuwerte lang kung bakit nilikha tayo at nabubuhay sa mundo, tayo ay pinagpala ng Panginoon kung bakit naririto tayo ngayon at buhay sa Kanyang harapan. Anuman ang nangyayari sa ating buhay, sa ating pag-aaral, sa ating  trabaho, ang ating mga magulang, mga kaibigan, pagkain, likas na yaman, tagumpay at lahat ng mayroon tayo ngayon ay dahil sa pagpapala ng Panginoon.

DISCIPLES OF CHRISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon