Ano ba ang role ni JESUS sa buhay ko? Ano ba ang role ko sa buhay ni JESUS?

3.5K 10 1
                                    

Ano ba ang role ni JESUS sa buhay ko?

Ano ba ang role ko sa buhay ni JESUS?

“Don’t focus on me, focus on JESUS.” –Pope Francis

Verse: Matthew 28:16-20

Kung makikita natin sa TV kung gaano nila gustong makita, mahawakan, mahalikan, makapagselfie at marinig ang boses ng Papa ganun din kaya ang pagnanais nila na marinig ang nais ng Panginoon Jesus sa ating buhay.

Warm-Up:

                Alam nyo ba ang game show na Meron o Wala, ang warm-up natin ngayon ay tinatawag nating “Kilala Ko Siya o Kilala Niya Ako.”  Pipili lang ang mga kaCare Group nyo kung sa Kilala Ko  Siya o Kilala Niya Ako, pagnakapili na sila, tsaka pa  lamang sasabihin ng leader kung ano ang katanungan kung pumunta siya sa ‘Kilala Ko Siya’ at Kilala Niya ang nasabi ng leader ay kasali parin siya pero kung hindi niya ito kilala siya ay matatanggal; kung pumunta naman siya sa ‘Kilala Niya Ako’ at kilala nga siya ng nasabi ng leader siya ay pasok parin pero kung hindi siya kilala nito ay matatanggal siya.

Halimbawa: (kung nakapili na sila ng pupuntahan tsaka magtanong)

Kilala mo ba o kilala ka ba ni __________.

-Pope Francis

-Bagong kasama sa Care Group

-Pastor

-JESUS

(Bigyan ng simpleng regalo ang nanalo sa Warm-Up)

Ano ba ang role ni Jesus sa buhay mo?

Ano ba ang role mo sa buhay ni Jesus?

Kilala mo nga ba ng lubusan ang ating Panginoong Jesus?

Kung kilala mo Siya ng lubusan, ano ang role mo sa buhay Niya?

Kung hindi mo pa kilala ang Panginoong Jesus nais ko Siyang ipakilala sayo.

Nais ng Panginoon na buksan mo ang iyong puso at hayaan ang Espiritu Santo na lumukob sa iyong pagkatao.

-          Maraming tao ang uhaw sa Panginoong Jesus at uhaw sa Salita ng Diyos.

-          Maraming tao ang mayroong Cultural DNA. (Dati puro matatanda lang ang nagpapanata ngayon halos puro kabataan, Bakit?) Sabi ni Dr. Jose Rizal “Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan.” tama diba, pero pag hindi natin naalagaan “Pagtanda sila ang magpapahirap sa bayan.”

-          Maraming tao ang nagnanais na mabago ang buhay.

-          Maraming tao hindi alam kung ano ang role ni Jesus sa buhay nila at ang role nila sa buhay ni Jesus.

Now the eleven disciples went to Galilee, to the mountain to which Jesus had directed them. And when they saw him they worshiped him, but some doubted. And Jesus came and said to them, "All authority in heaven and on earth has been given to me. Go therefore and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, teaching them to observe all that I have commanded you. And behold, I am with you always, to the end of the age." (Matthew 28:16-20)

Tayo na nakakakilala sa Panginoon gaano ba natin kakilala si Jesus? Sino ba si Jesus sa buhay ko? Kung kilala natin si Jesus, ano ba ang nais niya na ipagawa sa akin. Ngayong araw na ito nais na sabihin ng Panginoong Jesus na nais ka niyang…

Maging disipulo niya.

Ano ba ang disipulo o disciple? Follower of Christ, gumagawa at sumusunod kay Jesus, Christ-like.

Ang disipulo ng Panginoong Jesus ay hindi lamang sa mga salitang sinasabi natin dapat bilang disipulo ng Panginoon maging committed tayo sa Kanya sa lahat ng bagay at kahit ano pa man ang mga ito.

Tanungin natin ang ating mga sarili ng hindi,

“Kaya ko bang sumunod kay Jesus ng lubos-lubusan.” Kundi “Nais ba ng puso ko na sumunod kay Jesus.”

                Tayong lahat ay nagkakamali o natitisod sa ating mga commitment pero ang nais ng Panginoong Jesus sa atin ay hindi ang abilidad natin kundi ang kagustuhan nating sundin Siya ng buong puso.

 Lagi nating ipaalala sa mga taong hindi pa kilala at natatanggap si Jesus sa kanilang buhay na maintindihan ang kahulugan ng pagsunod kay Jesus. At sa mga nakakilala na kay Jesus ay nawa maunawaan natin ang kahulugan ng pagiging isang Kristiyano at disipulo ni Jesus.

As a Disciples of Christ we need to be/ be a…

Inclusive (Discipleship is open to anyone willing to worship Jesus.) 

Marami ang supplies pero kakaunti ang nagdidistribute o maraming aanihin pero kakaunti ang mga umaani.

Missionary (Discipleship is not a choice, it’s a mission) 

Sa pagsunod kay Jesus ay hindi option o choice lang natin kundi isa itong mission na nais Niya para sa ating lahat.

Partners (Discipleship considers us partners in God’s mission) 

Hindi sinabi ng Panginoong Jesus na ang original twelve na disipulo Nya lamang ang pinili Niya; maging ang mga taong bunga ng kanilang pagpapagal/pagtatanim ay pinili Nya.

 

Bilang disipulo ng Panginoon marami tayong pagdadaanan sa ating buhay, lubaklubak man ito o sanga sangang daan, lagi naing tandaan na ang Panginoong Jesus ay laging nasa atin.

Tandaan: “Ang iniidolo natin kilala natin pero hindi nila tayo kilala; Si Jesus kilala natin at kilala Nya tayo.”

DISCIPLES OF CHRISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon