How to Handle Pressure

2.6K 18 1
                                    

                                 How to Handle Pressure

Verse: 1 Pedro 5:7

          Ipagkatiwala ninyo sa Kanya ang inyong mga kabalisahan sapagkat siya ang kukupkop sa inyo.

*Naranasan mo na bang mabalisa? Yung hindi mo alam kung ano yung gagawin mo o kung ano ang uunahin mo dahil maraming nakapila kang gagawin.

-Marahil lahat tayo ay naranasan yan “ang mabalisa”, walang sinumang tao ang di nakaranas sa kanyang buhay ng ganyang mga pangyayari. Sa pag-aaral, kapag may ipapasa kang project na hindi mo pa tapos at bukas na ito ipapasa sa iyong guro. Sa pagtatrabaho, kailangan mong pumasok ng maaga, kaya lang traffic at maaari kang mahuli sa trabaho. Sa pamilya, nais mong makahanap ng trabaho para makatulong sa iyong mga mga magulang kaya lang wala kang mahanap na trabaho. Yan ay ilan lamang sa mga pangyayari na nakapagpapabalisa sa atin.

Ikaw, ano ang bagay na nakapagpapabalisa sa iyo? Ano yung mga alalahaning nararanasan mo sa kasalukuyan? Mga bagay na gumagambala sa iyo kung bakit hindi mo nagagawa ang mga dapat mong gawin?

-Tayong mga tao, marami tayong mga excuses. Madalas sabihin natin sa sarili natin tsaka ko na lang gagawin ito mayroon pa namang bukas, mamaya ko nalang gagawin ito maaga pa naman. Kaya’t sa huli, tayo ay nangangamba sapagkat hindi pa tapos ang mga dapat nating gawin.

How to Handle Pressure

Kapag tayo ay nababalisa o napepressure nais natin ng kaibigan o makakasama upang makatulong sa atin. “Kamay” ang sagisag sa pagtulong at pag-abot ng mga taong dumaranas ng pagkabalisa/anxiety o pressure. Ang ating Panginoon ay laging “bukas palad” para sa ating lahat lalong higit sa mga taong tumatawag sa Kanyang Pangalan.

Tandaan natin: Mayroong positive and negative pressure sa ating buhay. Maaaring ang pressure na maranasan natin ay makatulong sa atin upang lumago ngunit kadalasan ang pressure na nararanasan ay negative pressure pagkat dinadala natin ito at nakatali sa atin kaya’t hindi tayo makaalis.

Warm up: Bigyan ang bawat isang miyembro ng Small Group ng isang buong papel na may guhit ng kanang kamay.

1.    Hinlalaki - Isulat sa iyong hinlalaki ang isang pangyayari sa iyong buhay na ikaw ay nabalisa at ano ang ginawa mo upang ito ay iyong mapagtagumpayan.

2.    Hintuturo – Isulat sa iyong hintuturo ang isang pangyayari sa iyong buhay na ikaw ay naging dahilan kung bakit ang ibang tao ay napressure o nabalisa.

3.    Hinlalatok – Isulat sa iyong hinlalatok ang isang pangyayari sa iyong buhay na hindi mo nagawa dahil ikaw ay napanghinaan ng loob.

4.    Palasingsingan- Isulat sa iyong palasingsingan kung ano ang pagkabalisa na naranasan mo noong mga nakakaraang araw.

5.    Hinliliit – Isulat sa iyong hinliliit ang iyong ginagawa kapag ikaw ay nakararanas ng pagkabalisa.

6.    Palad- Isulat sa iyong palad ang iyong Life Verse

Kung ikaw ay bago pa lamang sa Small Group – isulat mo sa iyong palad ang nais mong mabago sa iyong buhay.

Ano ba ang dapat nating gawin upang matanggal sa isip natin na hindi dapat tayo mangamba sa mga bagay na nakakapressure sa ating buhay.

How to Handle Pressure

1. Huwag mong ikumpara ang iyong sarili sa iba/ Don’t compare yourself to others

-nababalisa tayo kapag may nakikita tayong mas magaling sa atin, napanghihinaan tayo ng loob pagkat nangliliit tayo sa ating sarili. Huwag nating hayaan na kainin tayo ng inggit pagkat ang inggit ay walang magandang maidudulot sa ating buhay.

1.    Huwag mong sabihin na hindi mo kaya/Don’t say that I can’t do it

     -tandaan mong lagi Philippians 4:13 ‘I can do all things through Christ who strengthens me.’

     Lahat ay ating makakaya pagkat Siya ang magbibigay ng lakas sa atin.

2.    Huwag mong pagurin ang iyong sarili sa kaiisip ipaubaya mo ito sa ating Panginoon/Don’t stressed yourself leave it to God

-1 Pedro 5:7 “Ipagkatiwala ninyo sa Kanya ang inyong mga kabalisahan sapagkat siya ang kukupkop sa inyo.”

-Ipagkatiwala natin sa ating Panginoon ang lahat ng mga kabalisahan na nararamdaman natin, sapagkat tanging ang Panginoon lamang ang makapagpapawi o makakatanggal ng mga kabalisahang nararamdaman natin.

3.    Ibigay mo ang iyong makakaya/Give your best

-Ibigay mo ang lahat ng iyong makakaya, huwag mong ipagpabukas ang mga bagay na kaya mo namang gawin ngayon.

Life Verse: Ang ating Life Verse ang nagsisilbing pangako nang ating Panginoon sa ating buhay. Lahat ng bagay na ating pagdadaanan ay ating makakaya pagkat may Panginoon tayo na laging nandyan at handang sumama sa atin araw-araw.

DISCIPLES OF CHRISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon