Thank You Lord!
Verse: Psalm 107:1
Give thanks to the Lord, for He is good; His love endures forever.
Maraming bagay at dahilan kung bakit dapat tayo ay magpasalamat ng lubos sa ating Panginoon. Ang buhay na mayroon tayo ngayon, ang mga taong kasama natin (pamilya, kaibigan, kapitbahay, kachurchmate, kaklase, katrabaho), mga pagpapala na araw-araw ay pinagkakaloob ng ating Panginoon at marami pang iba.
Ikaw, Ano ang mga dapat mong ipagpasalamat sa ating Panginoong Hesu- Kristo. Paano ka magpasalamat sa Panginoon. Naipapakita at napaparamdam mo ba sa Lord ang pagmamahal mo sa Kanya.
Masarap pakinggan ang isang taong nagpapasalamat (tama diba). Sa atin bilang isang anak nakapagpasalamat na ba tayo sa ating magulang, sa lahat ng mga bagay na ginawa at sakripisyo nila para sa atin mula pagkabata. Isang magandang regalo sa isang magulang na hindi mabibili ng kahit ano pa man ang sabihan ng kanyang anak na “Mahal kita nanay, tatay” o “Salamat nanay at tatay sa lahat ng ginawa mo sa amin.”
Tulad ng ating mga magulang, mas higit ang pagmamahal ng Lord sa bawat isa. Ito ay walang hanggang pagmamahal na maging ang buhay Niya ay inialay para sa ating lahat.
Warm Up: Sagutin ang mga katanungan na ibibigay ng SG leader. 3 ang bubunutin at bibigyan ng patotoo, paliwanag o nais ibahagi sa grupo.
1. Bumunot ng papel na nakasulat ang pangalan ng miyembro ng ating Small Group?
2. Bumunot ng isang papel na nakasulat ang miyembro ng iyong pamilya?
3. Isang papel na ang nakasulat ang Pangalan ng ating “PANGINOONG DIYOS”
Ano ang nais mong ipagpasalamat sa iyong _____________________________________.
Bilang anak ng ating Panginoong Hesu-Kristo may mga dahilan at kaparaanan tayo upang magpasalamat sa ating Panginoong Diyos.
APAT NA DAHILAN KUNG BAKIT DAPAT TAYONG MAGPASALAMAT SA PANGINOON
1. Tayo ay naligaw at nawala ngunit ang Panginoon binigyan tayo ng Direksiyon
Marahil lahat tayo ay nakaranas na nang panlalamig, nafeel natin na tayo ay hindi na ganoong kainit tulad noong una. Ikaw ay nabarkada, nawala, naligaw, nalulong sa bisyo. Nahihirapang bumalik dahil sa iniisip mong kung ano ang sasabihin ng dati mong mga kasama sa paglilingkod sa Panginoon. Pakiramdam mo hindi ka na karapat dapat pa na muling sumama dahil sa mga bagay na ginawa mo.
Naalala ko ang isang kabataan na kasabayan kong pumasok sa UMYF, dumating siya sa panahon na matagal siyang hindi nakapag-activity, tapos inanyayahan ko siyang mag-activity at magsimba. Sabi niya, “Ayoko kasi baka akalain nila pupunta lang ako pag may major activity, pagmagsisimba naman nahihiya ako.” Sabi ko naman, “Eh, kung ganyan ang kaisipan mo, eh di hindi ka na mag-aactivity kahit kailan at hindi ka na magsisimba?”
Sa labis pagmamahal ng Lord sa bawat isa, ayaw niyang maligaw at mawala tayo sa Kanyang presensiya binibigyan Niya tayo ng direksiyon na ating tatahakin at gumagamit Siya ng mga tao upang gawing instrumento upang muli ay makabalik tayo sa Kanya.
2. Tayo ay makasalanan ngunit ang Panginoon binigyan Niya tayo ng kaligtasan
Ganyan kamahal ng Lord ang bawat isang anak Niya, ang lahat ng mga taong nais
makasumpong nang pagbabago sa feeling Niya. Maging ang Kanyang bugtong na anak na si Hesu-Kristo ay Kanyang isinakripisyo para iligtas tayong lahat sa ating mga kasalanan. Nais ng Lord na maligtas tayong lahat at makakilala sa Kanya.
3. Ang Spiritual Life natin ay maligamgam at pandap-andap ngunit ang Panginoon binigyan Niya tayo ng Restoration
Sa buhay natin kailangan natin ng Restoration lalong higit para sa ating Ispirituwal na buhay upang ating mapanatili ang init na mayroon tayo ngayon. Kung tayo man ay nakararanas ng pag andap sa ating buhay, huwag tayong mag give up nalang at tuluyan itong mawala. Lumapit tayo sa ating Panginoon muli tayong ipagkatiwala ang buhay natin sa Kanya marahil nakukuha na tayo ng makamundo kung bakit nawawala tayo sa Kanyang presensiya.
4. Tayo ay wala ng pag-asa sa buhay ngunit ang Panginoon binigyan Niya tayo ng Kapayapaan
Dumaranas tayo ng pagkasawi at kapighatian sa buhay, na pakiramdam natin ay wala na tayong kakampi sa mundong ito. Ngunit lagi nating pakatatandaan na ang Panginoon ay laging nandyan sa ating buhay at handang tumulong, buhatin tayo at itayo sa ating pagkadarapa. Binibigyan niya tayo ng kapayapaan sa ating buhay, Spiritual, Emotional, Physical at sa marami pang aspeto ng ating buhay. Tandaan natin na pag tayo ay nasa Lord ang Kapayapaan ay nasa ating mga kamay.
Ito ay ilan lamang sa mga dapat nating ipagpasalamat sa ating Panginoon. Tulad nga ng ating teksto ngayong araw na ito, mula sa Psalm 107:1 “Give thanks to the Lord, for He is good; His love endures forever.” Ipagpasalamat natin sa ating Panginoon ang lahat ng mga kabutihan na ginawa at gagawin pa lamang sa ating buhay, ang Kanyang pagmamahal sa bawat isa ay walang hanggan
BINABASA MO ANG
DISCIPLES OF CHRIST
SpiritualTherefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit. -Matthew 28:19